bc

A Promise Of Love (Book 1 and 2) | Completed

book_age16+
371
FOLLOW
1.3K
READ
second chance
independent
drama
sweet
bxg
genius
betrayal
first love
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

Shane Chrystelle Sandoval is an introvert type of girl. She preferred to be alone and talk less to other people most of the time. Living in a happy and contented life.

But she hates promises, cheesy words and anything that is related to romantic shits, because of her father who left their family for another girl. She saw how it affects her mother and witnessed her struggle. Since then, she has made a promise that she will not engage herself in a thing called "love".

Then she met Lance Buenavista, the man who've changed everything. The one who ruined her peaceful life. He shed light on her darkest state, and promise her of so many things.

Slowly, the wall that she builds to protect herself crashed down. For once, she took a risk and drown herself to his promise of love with her.

Little did she know, Lance has been running away from something in the past that will destroy their present.

chap-preview
Free preview
Prologue
Umihip nang malakas ang hangin, dahilan para liparin ang ilang hibla ng aking buhok. Hindi ko na ito pinagkaabalahan pang ayusin dahil paniguradong magugulo lang naman ito uli. Tahimik akong nakaupo at nagbabasa sa damuhan ng school field ng may bigla akong narinig na nagsalita. "Hi, Shane!" Mula sa librong aking binabasa ay umangat ang aking tingin. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang sophomore high school student na nakatayo sa harap ko. Alanganin itong ngumiti, sabay lahad ng kanyang kanang palad na bahagya pang nanginginig. "A-Ako nga pala si L-Lester." Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ko naman tinatanong ang pangalan mo." Halatang natigilan siya nang dahil sa sinabi ko. Bakit? Eh, totoo naman. Napakurap siya bago muling ngumiti. Pansin ko rin na may kung ano siyang tinatago mula sa kanyang likod. "Oo nga naman. Pero gusto ko lang sana—" Humihikab na sinara ko ang librong binabasa. Nawalan na ako ng gana. Tumayo ako at pinagpagan ang likod ng aking kulay maroon at checkered na palda. "Pasensya na, ha. Mag-aaral pa kasi ako. If you'll excuse me." Nagsimula na akong humakbang paalis at hindi na siya muling nilingon pa. Ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakakalayo ay muli siyang sumulpot sa harap ko. Tumungo siya bago dahan-dahang nilabas ang kanyang kaliwang kamay na kanina pa nakatago mula sa kanyang likod. Mas lalong kumunot ang noo ko nang bumungad sa 'king paningin ang tatlong tangkay ng pulang rosas. "P-Para sa 'yo. Sana t-tanggapin mo," nauutal niyang saad. I rolled my eyes. Sinasayang ng lalaking 'to ang oras ko. Pilit ko siyang nginitian ng mag-angat siya ng tingin sa 'kin. Pero pakiramdam ko ay tila ngiwi ang kinalabasan nito. "Pasensya na. Pero wala kasi akong balak na magsayang ng oras para magtapon. Kaya kung ako sa 'yo ay sa iba mo na lang ibigay 'yan." Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at dali-dali kong nilisan ang lugar na 'yon. I know that what I said is too much. Pero paniguradong higit pa roon ang mga salitang mabibitiwan ko sa oras na magtagal pa ako. Habang naglalakad ay hindi ko napigilan ang mapailing. Punong-puno kasi ng kulay pula ang paligid. Bawat estudyante na nakakasalubong ko ay may dala-dalang rosas o di kaya ay tsokolate. Ang ilan naman ay magkahawak-kamay, magkaakbay o kaya ay masayang nagkukuwentuhan. Poor people. Paniguradong sa bandang huli ay iiyak lang naman sila. Napatigil ako sa paglalakad nang mapatingin ako sa kulay pulang tarpaulin na nakadikit sa stage. HAPPY VALENTINES DAY ❤ Gusto kong matawa. Bakit ba nila pinaglalaanan ng panahon ang okasyon na 'yan? Eh, normal na araw lang din naman ngayon. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang maramdaman ko na tila may mga matang nakamasid sa 'kin. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa tumuon ang aking mga mata sa main building. Then there I saw a guy, leaning his back against the wall with his arms folded in front of his chest. Medyo malayo ang distansya naming dalawa at nakasuot siya ng salamin. Pero kahit gano'n ay nasisiguro kong sa 'kin siya nakatingin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook