Nakangiti kong pinagmasdan si Vin habang masayang naglalaro sa play ground kasama yung mga batang kaedad niya lamang dito. Si Vince yung nag-isip na dalhin daw muna namin yung anak niya dito para makapaglaro tulad ng isang normal na bata. I smiled from a memory I had just remember. Dito sa park na'to ako umiyak noong naghiwalay kami ni Grey. Dito ako tumakbo ng mga oras na yun noong mga panahong basag yung puso ko dahil sa katangahan ko kay Grey and what's worst is dumating yung taong akala ko ay iko-comfort ako pero mas lalo niya lang akong binwesit. Nakaupo lang ako sa swing nun nung may umabot ng panyo sa harapan ko kaya napaangat ako sa kung sino iyon. Ang lalaking nag abot sa akin ng panyo at lalaking kasama ko ngayon ay iisa lang. Halos gustong matuwa noong nalaman kong at least

