First mother-son bonding 'to namin ngayon ni Blip simula nung nakarating kami sa Pilipinas. Ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng perfect rest day. Every rest day ko kasi marami pa ring trabaho yung tinatapos ko kaya wala pa rin akong time para makasama ng matagal yung anak ko pwera na lang ngayon. Nandito kami ngayon sa Playard Station para malibang naman kahit papaano si Blip. "You want to go there Blip?" I said habang tinuturo ko yung little factory ng cup cake. Pagkakita niya pa lang sa tinuturo kong direksyon ay agad naman itong tumango. Tumatakbo siya habang hawak-hawak niya pa yung kamay ko kaya pati ako ay napapatakbo na rin. Nakikita ko sa mga mata niya yung pag-eenjoy. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay nabaling yung atensyon ko sa mga balloons na iba-iba yung kulay at hugis.

