bc

The billioners lost daughter.

book_age18+
611
FOLLOW
1.8K
READ
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Si Shaina ay Lumaking mahirap sa piling ng mag asawang Diaz. Napulot ng mag asawa si shaina noong sya ay tatlong taong gulang palamang sya sa isang parke noong sila ay babyahe patungong probinsya dahil nawala ang kanilang negosyo sa manila. Nakita nila ang batang shaina na naiyak sa gilid ng parke at walang ibang kasama kaya naawa sila at kinuha ito upang sana ay dahil sa malapit na police station ngunit ay bumitaw sakanila ng bata kaya naiisipan nalang nilanh kupkupin ito tutal ay wala naman silang anak. Sa kasamang palad sabay na pumanaw ang mag asawa pag tung tong no shaina ng disi sais kaya napilitan syang maghanap ng trabaho upang matustusan nya ang kanyang mga panganga ilangan lalo't sya ay nag aaral pa.

makikita pa kaya sya ng kanyang totoong mga magulang ?

malalaman pa kaya nya ang kanyang totoong pag kakakilanlan ?

ps. pls support my first ever story. thank u

chap-preview
Free preview
Prologue
.... Isang tawag ang natanggap ni shaina habang siya ay nasa eskwelahan. agad agad nya itong sinagot habang sya ay nag lalakad patungo sana sa kanyang sunod na klase. "hello ? nay bakit po kayo napatawag ? "hello, ako po ay isang nurse dito sa Main Hospital. kayo po ba ang anak ni Mr. at Mrs Diaz ? " yes po, ano pong nangyare sa nanay at tatay ko ? bakit po sila nasa ospital ngaun ? " kumakabog ng malakas ang kanyang dibdib sa mga oras na ito dahil hindi nya alam ang kanyang gagawen oras na may mangyareng masama sa kanyang mga magulang. " sinugod po sila dito ngaun ngaun lang dahil sumalpok po ang sina sakyan nilang jeep sa isang 10 wheeler truck kanina alas dos y medya. ngaun po ay sinusubukan silang e- revive ng mga doctor. maaari po ba kayong pumunta ngaun dito sa ospital ? " dire-diretsong paliwanag ng nurse sakanya. " sige po. papunta napo ako ngaun din " dali dali syang tumakbo palabas ng kanyang eskwelahan. hindi na nya napansin ang best friend nyang tinatawag nya dahil ang laman ng kanyang isip ay ang kanyang kawawang mga magulang. ilang saglit lang ay dumating din sya sa ospital ngunit huli na ang lahat. hindi na nya naabutang buhay ang kanyang nanay at tatay. napaluhod syang umiiyak sa kwartong pinag dalhan sa labi ng kanyang mga magulang. " nay, tay, bakit ? bakit nyo po ako agad iniwan . Nay !!! tayyyy !!!! gumising kayo. hindi to totoo diba ? please po gumising kayo. hindi ko po alam ang gagawen ko pag wala kayo nay tay. " walang tigil ang pag buhos ng luha sa maganda nyang mukha. Dalawang oras ang nakalipas ay unti unti na nyang natatanggap na wala na talaga ang kanyang nanay at tatay. napag desisyunang ipa cremate nalang ang labi ng kanyang magulang upang hindi na kailanganin ng malaking halaga sa burol ng mga ito at gusto nyang ding kasama ito sa bahay. pagka lipas ng mahigit dalawang linggong pag liban sa klase at pag mumukmok ay bumangon sya at sinabing " kaya mo ito shaina, hindi dito natatapos ang buhay mo. kelangan mo ng kumilos dumeretso sya papasok ng cr at naligo, nagbihis at dumertso na sa pag pasok sakanyang eskwelahan. magpapa alam sya sa dean kung pwedeng magbago ang oras ng kanyang pasok dahil kelangan nyang magtrabaho para may pang tustos sya sa mga gastusin nya kahit na scholar sya ay may mga kelangan din syang bilhin sa school at kasama na doon ang pamasahe nya at pag kain sa pang araw araw. 'Ms. Diaz walang problema sakin kung mag tatrabaho ka habang nag aaral, ang iniisip ko lang ay baka mapabayaan mo ang marka mo at mawala sayo ang scholarship at mas lalo kang mahirapan pag nagkataon. ' pangako po Dean hindi ko po papabayaan ang pag aaral ko habang nagtatarabaho, kelangan ko lang po talaga magtrabaho para may pang gastos po ako sa araw araw lalo na't wala na ang nanay at tatay.' nahahabag ang principal sa dalaga kaya pinayagan nya ito sa gusto nyang pagbabago ng oras. ' ito puntahan mo itong company na ito, nag hahabap sila ngaun ng mga part timer. sasabihin kong isa ka sa pinaka magaling ko estudyante' inabot ng principal ang address na naka sulat sa papel kay shaina. ' Maraming salamat po talaga Dean, Sobrang laking tulog napo ito sakin ' mangiyak ngiyak ang dalaga habang nag papasalamat. Agad nyang pinuntahan ang address na naka sulat sa papel pagkatapos ng nang kanyang klase. Ginamit nya ang natirang nyang pera pang bayad sa taxi upang makatating agad sya sa address na nakasulat sa maliit na papel. huminto ang taxi sa isang malaking kumpanya malapit sa central ng bayan. GRAY CORPORATE COMPANY. ang naka sulat sa labas ng napakalaking building Or GCC . isa ito sa pinaka sikat at malaking kumpanya sa buong bansa. hindi lang sa pilipinas kundi pati narin sa sa buong Asia. Lumapit sya sa guwardya at nagtanong kung saan pwede mag pasa ng resume . ' itanong nyo po ms. dyan sa may front desk ' pag kasabi ng gwardya ay agad syang pumasok sa building. namamangha sya pinalibot ang tingin sa buong first floor ng building. ' Ang ganda naman dito, sana ay matanggap ako kahit hindi malaki ang aking maging sahod.' palihim nyang hiling. habanh nag lalakad sya patungo sa front desk ay narinig nya bulungan ng nagtatrabaho sa isang tabi. ' taon taon nalang sila lagi naghahanap ng mga bagong clerk, at kelangan ay babae pa na bata. ' bulong ng isang babae 'Balita ko at nawala ang kanilang babaeng anak sa maynila noong ito ay tatlong taong gulang palang ito kaya nag ha-hire sila taon taon ng mga batang babae at nagbabaka sakaling isa ang anak nila sa mga aplikante. tugon naman ng isa sa apat na babae. ' kaya pala sila din mismo ang nag iinterview sa mga aplikante' tumatango tango naman ang isa. ' miss ? miss. kanina pa kita tinatanong kung ano ang iyong kelangan. ' hindi nya namalayan na nakarating na pala sya sa front desk. ' pasensya napo. mag a- apply po sana ako sa isa sa mga sales clerk. pwede pa po ba .?' binigyan sya ng babae ng number at tinuro ang dulong pinto sa may hall way. ' doon ka may ms na tawagin ang iyong numero. ' ngumiti sya at nag pasalamat bago dumiretso sa dulong pinto. number 77 sya at nasa number 52 palang ang tinatawag. nasa alas tres nadin ng hapon . naisip nyang aabutin sya nag gabi bago matawag ngunit kumukulo na ang kanyan tyan sa gutom dahil hindi pa sya kumakain simula kaninang umaga. ' bahala na titiisin ko nalang muna siguro ito. baka mabilis lang ang interview at matawag ang numero ko kung aalis ako sayang naman.' bulong nya sa sarili. May tumabi sakanyang isa pang aplikante at inabutan sya ng tinapay at tubig. ' kainin mo muna ito miss, masamang nag titiis ng gutom baka himatayin ka nyan' naka ngiting sabi nito sakanya. ' salamat '. alas sinco y medya na ng tinawag ang kanyang numero. kahit kumain na sya ng tinapay kanina ay sumasakit parin ang kanyang tiyan. ' 77! nandyan kaba ? pumasok kana dito ngayon.' sigaw ng matandang babae. Tumayo sya at agad na sumunod sa matandang babae sa loob ng kwartong pag iinterview-han sakanya. Dalawang tao ang naka upo sa isang hindi kalakihang lamesa sa loob ng kwarto. isang Babae na sa tingin nya ay nasa late thirty at isang lalaking nasa early forty. ' magandang hapon miss? ' tanong ng magandang babae sakanya. 'Shaina Mae Diaz po ' tugon nya dito. hindi matanggal ang tingin nya sa dalawang tao da harapan nya. pakiramdam nya ay matagal na nya itong kilala. ' magandang hapon miss Diaz. ' inulit ng ginang ang pag bati sakanya na nag pabalik sakanya sa ulirat. ' magandang hapon din po sainyo. ' at ngumiti sya ng tipid ngunit lumabas parin ang kanyang dalawang maliit pero malalalim na biloy sa kabilaang pisngi. Tinititigan sya ng ginang ng may lungkot sa mga mata nito. Naalala nito sakanya ang kanilang princessang nawala labing tatlong taon na ang nakakaraan. meron din kasing dalawang malalalim na biloy ito sa kabilaang pisngi nito. ' Ma'am may problema po ba ?' tanong nya sa ginang. ' huwag mo akong pansinin may naalala lamang ako sa iyong ngiti ' malungkot ngunit naka ngiti nito sabi sakanya. ' Okay let's start the interview, but please introduce yourself first Ms. Diaz' ani ng ginoo. ' I'm Shaina Mae Diaz, 16 yrs of age but im turning 17 this coming April 17.' nagkatinginan ang mag asawa ng marinig nila ang petsa ng kanyang kapanganakan sapagkat April 17 din ang araw ng mawala nila ang kanilang anak. ' may we ask why you want to become one of our sales clerk ?' tanong ni Mr. Gray. ' I'll be honest po sainyo. i badly need the work. any work will do po kahit hindi sales clerk kahit po janitress lang. Sabay po kaseng namatay ang nanay at tatay ko ilang linggo palang ang nakakaraan. wala din po akong kilalang kamag anak namin kaya naisipan ko pong maghanap ng trabaho para matustusan ang mga pangangailanga ko sa araw araw ' ' We heard that you're still a student, and a smart one. scholar ka sa ECC tama ba ako ?' tanong ni Mr. Gray. ' opo ' sagot nya dito. ' kayang mo bang pag sabayin ang pag aaral at pag tatrabaho iha ? hindi biro magtrabaho habang nag aaral ka. baka bumama ang marka mo at mawala ang scholarship mo kung hindi mo matututukan ang pag aaral mo'. nagaalalang tanong ni Mr. gray sakanya. 'Hindi po. pangako po pag bubutihin ko po ang pag aaral habang pinag bubutihan ko din po ang oag tatrabaho sa sainyo'. ' okay tanggap kana you start tomorrow afternoon. Sa G mall kita ia-assign. ' naka ngiting sinabi sakanya ni Mrs. Gray. ' maraming salamat po talaga. lalakad na sana sya palabas ng pinto ng sumakit ng sobra ang kaniyang tiyan. ilanv araw din kase nyang napabayaan ang sarili at hindi kumain ng ayos. kaya siguro biglang umataki ang sakit ng tyan . ' ms. diaz are okay?' tanong ng ginang. ' okay lang po sumakit lang po ng kaonti ang tiyan ko ' nanghihina nyang tugon habang namumuonna ang pawis sakanyang noo. ' Beth ! Beth ! alalayan mo si ms. diaz hindi sya mukhanv ayos ' natatarantang tawag ni mrs. gray sa matanda babae. Ngunit bago pa makalapit ang si mrs beth kay shaina ay nawalan na ito ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.3K
bc

Landscaper's Lust (SSPG)

read
31.0K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
86.4K
bc

Push It Harder (SSPG)

read
149.5K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
110.5K
bc

Manong Rex (SSPG) Virgin men series 1

read
92.4K
bc

Hot Nights with My Ex-Husband

read
98.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook