.
.
.
Dalawang linggo makalipas ng dalhin ng mag asawang Gray si shaina sa ospital ay dumating ang resulta ng pinagawa nilang DNA test. Nasa loob ng study room si Ameila at george pati narin ang bunso nilang anak na si Aryana . Kabadong binubuksan ni George ang envelope na nag lalaman ng resulta ng DNA habang naka abang ang kaniyang mag ina sakanyang babasahin.
.
.
.
.
99.99% NEGATIVE ang naka sulat sa ibaba ng documento. Hindi maka paniwala ang pamilya sakanilang nabasa dahil malakas ang kutob ng mag asawa na si shaina ang anak na matagal na nilang hinahanap. hindi yan totoo george, alam ko ! nararamdaman kong si shaina ay si aleina. hindi ako naniniwala diyan. humahagulhol na usal ng ginang. Dali dali namang inalo ni Aryana ang ina umiiyak, maging siya ay hindi maka paniwala ilang beses na niyang nakasama ang dalaga at sobrang gaan ng pakiramdam niya dito. Madalas pa silang mapagkamalan na magkapatid kaya naiintindihan niya ang nararamdaman ng kaniyang ina.
.
.
may isa pang sobre ang kasamang dumating ng DNA result ni shaina, dalawa kase silang pina DNA ng mag asawa ngunit mas magaan talaga ang loob nila kay shaina. 99.99% POSITIVE naman ang nakalagay sa isang documentong binasa ni George. ameila, nag positive ang kay nisha. siya ang tunay natin anak siya ang tunay na Aleina. ngunit hindi kumibo ang ginang at tuloy parin ito sa pag tangis.
.
.
.
Lingid sa kanilang alam ay may nag palit ng resulta ng DNA ng dalawang dalaga. Si Shaina talaga ang tunay na Aleina na matagal na nilang hinahanap.
.
.
.
----+----+----+----+----+----+----+----+---+----+----
.
.
.
Sa kabilang dako ay hapon na ng makarating si shaina at anton sa maynila. Buong biyahe ay hindi na sila muling nag usap dahil sa ilang na naramdaman ni Anton ng malaman niyang wala pa sa hustong edad ang babaeng kaniyang napupusuan. Hinatid ni Anton si Shaina sa kaniyang magiging kwarto para makapag pahinga ng kaonti at makapag bihis para sa gaganaping conference mamayang 7pm.
.
.
.
Pagkahatid ni anton kay shaina ay agad siyang humiga sa kama. hay salamat, nakarating din kami ng matiwasay. akala ko ay hindi matatapos ang nakakailang na biyaheng iyon . Maya maya lang ay naka iglip siyang muli.
.
.
.
Samantalang si Anton ay nag hanap agad ng wine ng makarating sakanyang silid. Hindi niya lubos maisip na napaka bata pa shaina, hindi kase halata sa itsura nito na siya ay 17 palang. Ngunit kahit ganoon ay mas lalo lang yatang nahulog ang binata sakanya.
.
.
.
5:30 ng magising si Shaina sakanyang pagkaka iglip. Dali dali siyang umahon sa pagkaka higa at tumungo sa paliguan upang makaligo at makapag ayos. May 30 minutos lang itinagal niya sa pag ligo. Nag suot lang siya ng isang Simple Champagne colored dress. Hapit sa katawan niya ito at hanggang tuhod lang ang haba. Pinaresan niya lang ito ng isang flat sandals na nabili lang niya sa palengke nung buhay pa ang kaniyang mga magulang. Pagkatapos niyang mag bihis ay naglagay lang siya ng kaonting pulbo at lip gloss at tsaka pinatuyo ng kaunti ang kaniyang buhok na aabot na sakaniyang puwitan. Ilang minuto lang matapos niyang matapos ay nakarinig na siya ng katok sa kaniyang pinto. kinuha lang niya ang maliit niyang sling bag na pinaglalagyan niya ng cellphone at wallet at dumiretso na siya sa pinto upang pag buksa. ang kumakatok.
.
.
.
Si Anton ang inabutan niya sa labas ng kaniyang kwarto na ngayon ay naka tulala na sakaniyang mukha. Nahihiya niyang inaya si Anton patungo sa conference hall dahil siya man naiilang na sa tingin ng amo sakanya.
.
.
.
.