Chapter 7

705 Words
. . Nagising si shaina dahil sa mabigat na nakadagan sakanyang tiyan. dahan dahan niyang minulat ang kaniyang mata hanggang sa makita niya kung ano ang naka dagan sakanyang tiyan. 'oh my ghad' sa isip ng dalaga. Dahan dahan niyang inalis ang braso ng binata na naka tanday sakanya tiyan at dali daling hinanao ang mga damit niya sa lapag. Nang mahanap niya lahat ng damit niya dali dali din niya itong sinuot at saka lumabas sa kwarto ng binata. Dumiretso siya sa kanyang sariling kwarto at napasandal sa likod ng pinto pagkatapos niyang isara ito . . . Ano bang ginawa mo shaina! ang ganda naman ng birthday gift mo sa sarili mo. arggh .. kausap niya sa sakaniyang sarili habang ginuguli niya ang kaniyang buhok sa frustration na nararamdaman. Tinignan niya ang oras sakniyang cellphone at nakitang 5am palang ng madaling araw. Tama, uuwe nako mag isa hindi ko na siya aantayin. jusko shaina anong mukha pa ang ihaharap mo kay sir Anton ! sabay impit na sigaw pa nito. Inayos niya ang dalang niyang mga gamit at dali daling lumabas ng kwarto. Nang makarating siya sa entrance ng hotel ay nagtanong siya kung saan ba ang sakayan pauwe ng CDO. Nakatulog agad si shaina pag kasakay ng bus dahil sa pagod na kaniyang nararamdaman . . . Samantalang pasado alas siyete na ng magising si Anton. kinapkap niya ang kama sa tabi niya at napabangon siya bigla ng hindi niya maramdaman ang dalaga sakaniyang tabi.Dali dali niyang sinuot ang kaniyang damit at hinanap ang dalaga ngunit laking dismaya niya ng malaman sa security na umalis na ito kaninang madaling araw. Nagalit ba siya sakin ? anong gagawin ko ? hindi niya malaman ang kaniyang gagawin . natatakot siyang tawagan ito sakaniyang cellphone at baka hindi nito sagutin ang tawag. hindi pa siya maka alis at mèron pang meeting na magaganap mamayang lunch time. Dahan dahan siyang naupo habang sapo sapo ang kaniyang ulo. Nang matapos ang meeting ay walang ng inaksaya pang oras si Anton at bumyahe na siya agad pauwe ng CDO. siyam na oras pa ang kaniyang byahe. . . . Hapon na nang makarating si shaina sakaniyang bahay. binuksan niya ang kaniyang cellphone na pinatay niya kanina bago bumiyahe pauwe at napaka dami message ang nag pasukan dito na binabati siya sakaniyang kaarawan. Ang isa pa rito ay galing kay jandrik na humihingi ng pasensya sa nangyare kagabi, ngunit ni isang text ay wala siyang natanggap mula kay Anton. Hindi manlang niya ako hinanap. kausap niya sakaniyang sarili. Pasalampak na humiga siya sa kama kaya naramdaman niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang hita. hay shaina! ano bang pumasok sa isip mo at uminom ka kagabi? yan tuloy wala kang maalala ! bakit parang mas nag aalala kapa na wala kang naalala kesa sa nangyari sainyo ni sir Anton? ani pa niya sa isip niya . marahan niyang ginulo ang buhok at bahagyang pinukpok ang kaniyang ulo sa inis na kaniyang nararamdaman. Hindi niya naramdaman na nakatulog na siya sa kakaisip kung paano at ano bang nangyari kagabi. . . Nagising si Shaina dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. sumilip muna siya sa bintana at nakita niyang gabi na, bahagya ring kumulo ang kaniyang tiyan. Hindi pa pala ako kumakain . sabay dampot sa cellphone niyang walang tigil sa pag iingay. hello? Happy birthday bessy! sayang hindi tayo makapag celebrate dahil wala ka. salamat bes, nakauwe nako gusto kumain tayo sa labas nagugutom nako din kase ako. Sige sige mag aayos nako text mo nalang san tayo magkikita. sige bye. pagka baba niya na tawag ay agad siyang nag tungo sa CR upang makaligo. Hinubad niya ang kaniyang damit at humarap sa salamin at laking gulat niya ng makitang marami siyang pantal na pula sakanyang dibdib. Saka biglang may pumasok na ala ala sakaniya sa nangyare nung nakaraang gabi. oh my gosh ! ako ba talaga ang nag udyok sakanya para mangyarin yun ? nakakahiya ka shaina ! kaya siguro hindi ka niya manlang hinanap at tinext. Aist bahala na. Pagkatapos ng ilang minutong pakikioag talo sa sarili niya sa harap ng salamin ay naligo na siya. naalala niya na magkikita pa nga pala sila ng best friend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD