DANNY POV Hindi pa ako tuluyang nakapasok ng gate pero kaagad nag-init ang ulo ko sa nakikita. Kasalukuyang inaagaw ni Mang Arturo ang hawak na hose ni Arrianne. Ang tigas talaga ng ulo niya, kahit paulit-ulit ko na ngang sinabi sa kan'ya na magpahinga muna. Dinaan ko pa sa paninisi at sermon, sundin niya lang ang mga utos at bilin ko. Pero wala talaga, ayaw pumasok sa utak niya. Lahat ng klase ng pag-intindi sa ugali niya ay ginawa ko na. Kahit minsan nakakasakit na ng damdamin ang mga inaakto niya na parang walang paki' sa kabutihang pinakapakita ko. Alam ko at ramdam ko, feeling niya ay kinokontrol ko siya. Kailan niya pa kaya niya marealize na kaya ginagawa ko ang lahat ng ito ay hindi dahil sa gusto kong kontrolin ang buhay niya. Kun'di dahil mahal ko siya. Pero wala din naman

