Hindi ko alam kung bakit tawang-tawa siya. Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Bukod kasi sa panay ang tawa niya ay panay din ang hampas sa kamay ko. Sa sobrang tuwa niya ay nakalimutan na yata niya na boss niya ako. "Arrianne ... anong nakakatawa?" Hindi na ako nakapagpigil, talagang nagtanong na ako. Nakakaloko na kasi ang tawa niya. Mahal ko 'to, pero sarap nang takpan ang bibig niya. "Sir... ano po kasi ..." tawang-tawa pa rin siya. Maluha-luha na rin ang mga mata niya. "Arrianne ..." med'yo irita ko nang sambit sa pangalan niya. Pambihirang babae. Hindi niya alam, kung gaano ako kinakabahan habang binubuksan ang usapang ito. Tapos siya, tawang-tawa? "Arrianne, ano ba? Tumigil ka na nga sa kakatawa!" Hindi ko na napigil ang magtaas ng boses. "Pasensya na po, Sir Danny," s

