Kabanata 23

1613 Words

Naibuka ko ang mga palad ko. Mas lalong nanigas ang katawan ko habang walang kurap na nakatitig sa mukha ni Sir Danny. Gusto kong iangat ang kamay ko para sampalin siya pero hindi ko magawa. Parang ang bigat ng mga kamay ko. Hindi ko maigalaw. Inikot niya ako kasabay ang paghakbang. Animo'y magkahinang ang aming mga labi at hindi mapaghiwalay. Malapit na magsara ang mga mata ko. Hindi dahil sa sarap, kung hindi dahil sa malapit na akong maubusan ng hininga. Diniin niya ako sa lamesa at akmang ihihiga na. Ramdam ko na ang... "Aray!" hiyaw ko, nang bumagsak ako sa sahig. Napakurap-kurap ako nang makita ang puting kisame ng kwarto. Nakapa ko ang dibdib. Kapos pa rin ang paghinga ko. "Bangungot..." nasabi ko. Muntik na akong mamatay sa halik ni Sir Danny. Pastilan! Mas gusto kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD