Matapos ang nakakagulat na sinabi ni Sir Danny. Agad na rin itong umalis na walang paalam, kahit kay Nanay. Talagang nakakagulat. Sa apat na buwan na nagtrabaho ko rito sa mansyon ay silid lamang ni Sir Danny ang hindi ko nakita at napasok, dahil ayaw naman niya ng bulaklak. Ayaw niya na maglagay ako ng bulaklak, dahil pambabae lang daw iyon. Bakit si Sir Dante, gusto ng bulaklak sa kwarto? Sa bagay iba nga ang utak ni Sir Danny. Bakit ngayon biglang nagbago? Siguro nasobrahan siya ng bagsak kagabi. Naalog ang utak. Pati tuloy si Nanay, nagulat sa akto ni Sir Danny. Pero wala naman siyang sinasabi. Basta naipunas niya lang ang basahan sa mukha niya. Muntik pa nga niyang makagat. Mabuti na lamang at nakita ko. Naawat ko ang nakakadiring gagawin niya. Nanay talaga. Matapos kong kumain.

