Chapter 8: Niko’s Retirement

1540 Words
Binalita na sa TV at radyo ang retirement ni Niko. Maraming nagulat—hindi nila akalaing gagawin niya iyon nang ganoon kaaga. Trending na sa social media, puro fans ang nagtataka, nagdadalamhati, pero karamihan ay nagpasalamat pa rin sa kontribusyon niya sa laro. Sa condo ni Niko, mahimbing pa rin siyang natutulog, walang kaalam-alam sa gulong nagaganap online. Pumasok si Erika, halatang inis at puno ng tanong. Agad niyang tinapik si Niko. “Niko, wake up! Almost 12 noon na!” sigaw niya, halos manginig sa pagkainis. Napabalikwas si Niko, mabigat pa ang ulo dahil sa pagod at dami ng iniisip kagabi. Hindi man lang siya lumingon kay Erika; diretsong pumasok sa banyo para maghilamos. Ilang minuto ang lumipas bago siya lumabas at humarap sa dalaga—mukhang pagod, mukhang wala sa mood. “Ano bang kailangan mo?” tanong niya, boses mababa, halatang antok pa. “Anong plano mo, Niko?!” singhal ni Erika. “Maraming rumors na! Sinasabi nilang mag-aartista ka na raw dahil nag-retire ka.” Napangisi si Niko, puno ng sarkasmo ang sagot. “Rumors? O ikaw lang ang nagpakalat niyan?” “Ha?! Nagta—nagta—tanong lang ako!” halos mabasag ang boses ni Erika sa inis. Tumayo siya, nagdabog, at naglakad palabas ng kwarto. Pero bago pa siya makalabas, nagsalita si Niko—kalma, pero diretso. “Tomorrow… lilipad na ako papuntang Cebu.” Napalingon si Erika, gulat na gulat. “For what?” “Para tumira doon. For good,” sagot ni Niko, malamig pero matatag. Parang nanlamig si Erika sa narinig. Lumapit siya muli, halos mamasa ang mata. “You didn’t even tell me this…” bulong niya, puno ng lungkot. “Because this is what I want,” sagot ni Niko, tinitigan siya nang diretso. “Pero, babe…” halos pakiusap na ang tono ni Erika. “Your life is here. Opportunities, fame, money, friends… ako. Lahat nandito!” Pero biglang sumabog si Niko, boses matatag at puno ng galit na naipon. “No! That’s not what I want! Hindi ko kailangan lahat ng ‘yon. Ikaw lang ang may gusto niyan, Erika!” Tumayo siya, lumapit sa bintana, pinagmamasdan ang lungsod sa labas. Sa isip niya, pinapatunayan niyang tama ang desisyon niya—na hindi ito ang buhay na gusto niya. Ang gusto niya… ay bumalik ng Cebu. Walang nagawa si Erika kundi umalis. Alam niyang hindi na niya mababago ang isip ni Niko. Sa pintuan pa lang, ramdam niya—hindi lang si Niko ang mawawala sa career na minahal niya. Baka balang araw ay mawawala rin siya sa buhay ng lalaking mahal niya pero gagawin niya lahat para di mangyari yun. Pagkaalis ni Erika, agad na nag-ayos si Niko ng mga gamit na dadalhin niya sa Cebu. Hindi naman ganoon karami ang isinilid niya sa maleta—ilang paboritong damit, sapatos, at ilang gamit na personal. Hindi ko naman kailangan ng marami, bulong niya sa sarili. Pwede naman akong bumalik sa Manila kapag kailangan. Habang inaayos ang zipper ng maleta, tumingin siya sa paligid ng condo na minsang naging simbolo ng tagumpay niya. Malaki, moderno, puno ng mamahaling gamit. Pero ngayon, parang wala nang halaga ang lahat ng iyon. Ang pakiramdam niya, isa lang itong hawla na nagkulong sa kanya sa buhay na hindi na niya gusto. Hindi rin siya nagpaalam kay Erika. Wala namang mensahe o tawag mula rito. Siguro pagod na rin si Erika sa pakikipagtalo at sa mga desisyong hindi nito gusto. Naramdaman ni Niko ang bigat ng guilt sa dibdib niya. Mahal niya si Erika, pero mahal nga ba niya? At bakit parang mas mahalaga sa kanya ngayon ang sariling kalayaan? Gusto ko sana maintindihan niya ako, naisip niya habang inaayos ang pasaporte at ticket. Pero parang lahat na lang, gusto niyang kontrolin. Mula sa suot ko, sa endorsement na tatanggapin ko, hanggang sa kung kailan kami magpapakasal. Isang buntong-hininga ang kumawala sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya maisip ang ideya ng kasal. Hindi dahil takot siya sa commitment, kundi dahil pakiramdam niya, hindi iyon para sa kanila. Kinabukasan, maaga siyang gumising at agad nagtungo sa airport. Dalawang malalalim na hinga bago siya pumasok sa terminal. For the first time in a long while, magaan ang pakiramdam niya. Walang pressure. Walang spotlight. Walang ingay ng Maynila. Habang nakaupo siya sa waiting area, biglang nag-ring ang cellphone niya. Dennise. Dennise: “Hello?” bati nito. Niko: “Hi,” sagot niya, mahinahon. Dennise: “I just want to ask… any update about sa favor ko?” Diretso ito, walang paligoy. Niko napatingin sa sahig. Para bang hirap banggitin ang pangalan na ilang taon na niyang pilit kinakalimutan. Niko: “Ah… yeah. I will message you the email, paki-send na lang ng resume.” Sandali itong natahimik. Dennise: “Ah, so… hindi pa sure na matatanggap siya?” Parang may lungkot sa boses. Niko: “No. She could start next week, Monday. Pero we just want to check her resume para alam namin kung saan siya babagay—kung anong position fit sa experience niya.” May bahagyang ginhawa sa tono ni Dennise. Dennise: “Ah okay. Thank you talaga, Niko.” Niko: “No, it’s fine. I’ll also send the address and details ng company para next week diretso na siya. Sabihin mo na lang sa kanya to dress in formal office attire since corporate siya ma-aassign. Wala kaming uniform provided.” Dennise: “Okay, copy. Bye.” Niko: “Bye.” Landing in Cebu.... Makalipas ang ilang oras, boarding na ang flight niya. Habang naglalakad papunta sa gate, ramdam niya ang excitement sa dibdib. Hindi ito kagaya ng tuwing lilipad siya para sa laro o endorsement. Ito ay… pag-uwi. Paglapag ng eroplano sa Mactan, hindi niya naiwasang mapangiti habang tanaw ang dagat mula sa bintana. Ang simpleng ingay ng dialectong matagal na niyang hindi naririnig—lahat ito parang yakap ng tahanan. Finally, bulong niya habang dinadala ang maleta palabas ng terminal. Finally, I’m home. Matagal na niyang hinahanap ang ganitong katahimikan. Oo, maganda ang Maynila para sa mga nangangarap—para sa pera, sa kasikatan, sa karera. Pero para sa kanya? Wala nang tatalo sa kapayapaan ng Cebu. Dito siya huminga nang maluwag. Dito siya magiging buo ulit. At dito rin niya muling haharapin ang isang pangalang pilit niyang tinakasan pero hindi kailanman nawala sa puso niya. Francesca. Pagdating sa condo niya sa Cebu, hindi muna siya lumabas. Ayaw niyang pag-usapan ang social media na ngayon ay trending dahil sa biglaang retirement niya. Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ng press, ng fans, ng lahat. Ang gusto niya lang ay katahimikan. Lumipas ang dalawang araw na halos hindi siya umalis ng unit. Nagpapahinga, nag-iisip, sinusubukang linisin ang isip sa lahat ng gulo sa Maynila. Hanggang isang hapon, naisipan niyang mag-drive palabas ng lungsod. Walang destination. Basta lang makalanghap ng hangin. Habang umaandar ang SUV niya sa kahabaan ng highway, biglang tumunog ang cellphone niya—isang notification mula sa IG. Pero hindi niya pinansin. Pagkatapos ng mahabang biyahe at excitement na makabalik sa hometown niya, bigla na lang napadpad si Niko sa isang maliit na kainan malapit sa dagat. Yung tipong karinderya na may bamboo tables at amoy ng sariwang hangin mula sa dagat. Umupo siya sa sulok at umorder ng simpleng meal—paborito niyang sinigang na baboy at grilled pusit. Habang kumakain, ramdam niya yung katahimikan na matagal na niyang hinahanap. Pero ilang minuto pa lang, napansin niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Hindi iyon basta tingin ng curiosity—kilala siya ng mga tao. May narinig siyang bulungan mula sa kabilang mesa: “Di ba si Niko na? Katong basketball player?” “Bitaw noh? Murag siya lagi!” Unti-unting dumami ang usisero. May mga ngumiti at kumaway lang, may ilan na palihim na nagvivideo gamit ang cellphone. Pero kahit ganun, walang nag-approach ng bastos o nanggulo. Yan ang maganda sa Cebu—kahit kilala ka, they respect your space. Nagpatuloy siya sa pagkain, pinili niyang huwag magpaapekto. Pero alam niyang hindi na magtatagal, kakalat na naman ito sa social media. At hindi nga siya nagkamali. Habang umiinom ng malamig na coke, napansin niya ang cellphone niya na nagvibrate nang sunod-sunod. Erika is calling. Napabuntong-hininga siya bago sinagot ang tawag. “Hello,” galit na boses agad ang sumalubong sa kanya. “Ohh,” malamig niyang sagot habang umiinom ng coke. “Why didn’t you tell me you’re already in Cebu? Wala ka man lang update!” mariin ang tono ni Erika, halatang pigil na pigil ang inis. Niko pinikit ang mata, pilit pinapakalma ang sarili. “I already told you, Erika. Sabi ko sa’yo pupunta ako dito. WTF do you want?” madiin niyang sagot, may halong pagod. “Yeah, but at least you should’ve told me you’re there now!” balik ni Erika, di pa rin nagpapatalo. “Okay! Okay!” sagot ni Niko, biglang natahimik at pinisil ang tulay ng ilong niya. Wala siyang energy makipag-argue. “May sasabihin ka pa?” malamig na dagdag ni Niko. “Nothing,” sagot ni Erika bago tuluyang ibaba ang tawag. Napailing si Niko, binalik ang cellphone sa mesa at tumingin sa malawak na dagat sa harap niya. Ganito dapat ang buhay ko. Tahimik. Simple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD