Chapter Five: Francesca's Termination

1996 Words
Sobrang nahihirapan na si Francesca sa kanyang trabaho since nawala si Dennise dahil sa bagong Head HR. Lagi siyang pinapagalitan nito kahit naman na tama yung mga pinatrabaho sa kanya. One month simula nang nawala si Dennise e hirap na hirap na si Francesca. Gusto niya mag resign kaso wala pa siyang malilipatan. Kaya napag isip-isip niya na mag hanap ng ibang trabaho sa internet. “Hi Francesca!” bati ni Jasmen na assistant HR “Pinatatawag ka ni Ma’am Michaela” dugtong ni Jamen Agad naman tumayo si Francesca at pumunta sa office ni Michaela. Habang papunta si Francesca sa office ay nakita ni Jasmen HR sa PC ni Francesca na nag open ito ng Job Hiring Website kahit naka minimize ay kita agad iyon ni Jasmen. Sa loob naman ng office ni Michaela ay naabutan ni Francesca na may kinakausap pa sa phone si Michaela. Ngayon lang na realize ni Francesca na sobrang ganda ng office ni Michaela compare kay Dennise. Si Dennise ay walang sariling office kundi cubicle lang kasama ibang employees. “Good morning Ma’am” bati ni Francesca ng mababa na ang phone ni Michaela. “I want to be straight to the point to you Francesca, I found your records before na lagi kang late and it’s not good. I just want to remind you that it’s easy to replace you since Dennise wasn’t here anymore.” Sambit ni Michaela na may pagbabanta at habang humihigop ito ng kape. “ ok po” sagot naman ni Francesca na nakayuko at ayaw na tumingin kay Michaela dahil nga di niya kayang tumitig pabalik rito dahil di rin niya ito gusto kaharap. Buong araw na nakatuon lang si Francesca sa trabaho dahil sa dami ng pinapagawa sa kanya. Nawala na rin ang mga raket niya since hindi na dapat siyang ma late kasi baka mapa-alis pa siya sa di oras. Si Jasmen naman ay agad nag sumbong kay Michaela about dun sa pag open ni Francesa ng Job Hiring Website. Marami ang insecure kay Daniela sa office nila bukod sa sobrang galing nito magtrabaho ay sobrang bait nito at sobrang ganda rin. Kaya galit na galit si Michaela ay dahil sa sobrang galing nito magtrabaho at natakot na baka malamangan pa siya. Mas lalo din itong nagalit ng nabasa niya ang GC ng kanyang husband at mga kaibigan nito about kay Francesca. Minsan na kasi nakita ng Husband ni Michaela si Francesca pag hinahatid or sinusundo ito. Napag usapan nila si Francesca na sobrang ganda daw kaya naman pala baliw na baliw si Gustavo. Ang husband ni Michaela ay batchmate lang din ni Gustavo. Kaya sobrang nagalit si Michaela kay Francesca at gagawin niya lahat para matanggal ito sa company. Nagdaan ang mga araw ay di na talaga gusto ni Francesca ang trabaho dahil sobrang toxic na ng environment niya. Pero kailangan niya mag trabaho dahil ito nalang ang meron siya at marami pa siyang bayarin. Kinabukasan umagang umaga palang ay nagkagulo ang mga nasa pinaka unahan na cubicle dahil dumating ang mga auditor at nag check ng mga work sation nila. Walang ka alam-alam si Francesca na may auditor pala na dadating. Never na kasi siya nakipag usap sa mga workmate niya. She was just there to work and go home. Pero kahit na ni email wala siya natanggap unlike before na may matatanggap siya. Unti-unti ng palapit ng palapit ang mga auditor sa cubicle niya. Di na siya nag linis since naglilinis naman siya everyday. Tumayo agad si Francesca para magbigay daan sa mga auditor na e check ang table at mga files niya. Isa-isa binuksan ang drawer niya at may nakita siyang di pamilyar na brown envelop and she don’t know how it got there. Agad itong kinuha ng auditor at biglang may nahulog na bundle of money galing sa envelop na yun. Nanlaki bigla ang mata ni Francesca dahil alam niyang di sa kanya yun. “Ano to Ms. Jiminez ? can you explain about this? The auditor asking Francesca calmy habang hawak ang mga naka bundle na pera na nagkakahalaga sa higit na Php500, 000.00 Shock pa rin si Francesca, pero agad naman ito sumagot. “Si.. S.. Sir di ko po alam yan, di ko po alam panu napunta yan sa drawer ko” nauutal na sagot ni Francesca. “okay, we will go to conference room at pag usapan natin to duon. May nawawala kasing funds na ni withdraw ng accounting last week.” Salaysay ng auditor kay Francesca Sumunod naman si Francesca at pumunta sa Conference Room at nakayuko lang siya kahit sa sarili niya wala siyang ginagawang masama. Kita niya at rinig niya mga bulongan ng mga tao sa office. Pagdating sa Conference Room ay nandun na mga auditors, managers and HR. Dun pinag explain si Francesca at nanindigan talaga siya na wala siyang ginagawang masama at di niya alam pano napunta yun dun. Tinawag nila ang IT department to check the CCTV but the IT said that last Saturday ay bigla raw na off ang CCTV. Kaya tinanong nila si Francesca kung asan ito nung Saturday. “Saan ka nung Saturday Francesca” tanong ng manager sa kanya. “pumunta po ako ng puntod ng magulang ko” sagot naman niya. “may proof ka ba to prove na nandun ka” tanong naman ni Michaela Walang masagot si Francesca dahil wala siyang proof bukod sa walang tao dun sa cemetery that time ay di naman din niya naalala mga nasakyan niya. “Wala po” sagot ni Francesca habang nakayuko. Alam ni Francesca kung paano ito magtatapos at yun ay e terminate siya. “Labas ka muna Francesca” sabi ng secretary sa kanya Agad naman lumabas si Francesca at dun naghintay ano decision. Sa paghihintay niya dami na niyang iniisip. Saan siya magsisimula ulit? paano na mga bayarin niya? Bigla nagbukas ang pinto at pinapunta ulit si Francesca sa silid. Pagpasok niya lumabas na mga auditors at managers at si Michaela nalang ang nandun “Francesca, napagdesisyonan namin na e terminate ka. We will email nalang yung notice and you can go now” agad na tumayo si Michaela na di man lang hinintay si Francesca. Nang malapit na sa pinto si Michaela agad na nagsalita si Francesca “ang unfair naman Ma’am di niyo man lang kayo nag imbestiga ng maigi at agad agad kayo nakapag decide na e terminate ako. Siguro nga sobrang atat niyo na terminate ako. Kung yan gusto niyo, okay po.” Sambit ni Francesca na sa pagkakataon nay un ay sobrang kalma pa rin niya Agad din lumabas si Francesca at nilagpasan niya si Michaela. Pumunta agad si Francesca sa table niya at agad na niligpit ang mga gamit niya. Di niya akalain na uuwi siyang wala ng trabaho at di niya alam saan siya pupunta. Pagdating niya sa condo ay agad siya nag browse sa kanyang laptop na mga hiring at nag send ng resume. Nakatulog nalang si Francesca at nagising siya sa tawag ni Dennise. She open her laptop at sinagot ang video call. “ Hello” bati niya kay Dennise at nag on siya ng camera. “ Hi!” masayang bati ni Dennise kay Francesa. “ Birthday ngayon ni Gustavo at dadaan siya diyan. Sabi ko kasi na baka bored kana Kasi puro kana lang work.” Sabi ni Dennise na parang naghahanda na ata para lumabas “ Sige” kahit na walang gana si Francesca ngayon dahil sa nangyari ay pumayag at ngumiti lang ito kay Dennise. Ayaw na din niya sabihin kay Dennise ang nangyari kasi alam niyang ma stress at problemahin pa niya. “ A sige France ah e off ko na kasi may pupuntahan pa kami.” Paalam ni Dennise “ A sige bihis lang ako at nag chat na din si Gustavo” paalam din ni Francesca na ngayon ay nakahawak na sa phone niya. Agad naman nag off si Dennise ng videocall at si Francesca naman ay agad na nagbihis kasi malapit na si Gustavo. Di pa nga siya nakapag ayos ay bigla nalang may kumatok. At dali-dali siyang nagbukas “Ang bilis mo naman” bungad ni Francesca kay Gustavo “Basta ikaw sobrang bilis ko talaga” pilyong sagot ni Gustave at natatawa pa ito “Yan lang ba bati mo sakin” pagpapatuloy niya na parang nagtatampo. “Ayy hindi Happy Birthday” bati ni Francesca at agad niya itong niyakap “yun lang?” tanong ni Gustavo na parang may iba pang gusto. “ah sorry busy ako kaya nakaligtaan ko ang birthday mo kaya wala ako nabili na gifts” pagpapaumanhin ni Francesca “ikaw di naman mabiro di material na gifts gusto ko” sambit ni Gustavo na pumasok na sa condo ni Francesca at sinundan naman ito ni Francesca at sinara agad ni Francesca ang pinto. “e ano gusto mo?” tanong ni Francesca na naupo na sila sa living room at nahiga si Gustavo “kiss mo!” bulong ni Gustavo sa sarili “Wala biro lang yun pero kung gusto mo, e gift mo nalang sarili mo sakin” At napatayo si Gustavo sa pagkahiga at tawa ng tawa at si Francesca naman ay tumayo na rin para ituloy pag aayos niya sa sarili. Di niya pinansin si Gustavo na tumatawa pa rin. “Gago ka talaga Gustavo!” sambit ni Francesca at inirapan ito. Sa isip ni Francesca minsan din talaga okay na nandito si Gustavo sa tabi niya kasi kahit na pilyo ito ay nakakawala ng problema. Pagkatapos mag ayos ni Francesca ay tumungo na sila sa party ni Gustavo. Ginanap ang party sa club na pag aari sa pamilya ni Gustavo.Kay Gustavo ito nuon kaso binawi iyon ng pamilya matapos di siputin ang babaeng ipagkasundo ng kanyang kapatid at parents niya. Sobrang big deal talaga ng pamilya yung date dahil sa gustong gusto si Gustavo nung babae at malaki din maiambag ng babae sa kanilang negosyo. May maraming lupain ang babae na makakatulong sana sa real estate nilang negosyo. Pero di iyon sinipot ni Gustavo dahil ayaw niya sa babae at ang gusto lamang niya ay si Francesca. Dumating na nga sila sa club at pagkabukas ng pinto ng club ay biglang may nagputokan na mga ballons at pina tugtog ang happy birthday. Agad naman na pumunta sa stage si Gustavo at biglang sulpot ng kapatid niya na may kasama itong babae. Pagkatapos mag blow ng cake ni Gustavo ay kinuha nito ang microphone. “Good evening everyone! I didn’t expect ganito ka laki yung madadatnan kung birthday!Kasi ang sabi ko bigyan ako ng VIP lounge at dun mag iinom at magpaparty hahaha” sambit ni Gustavo na tatawa tawa parin kasi di niya alam na ganito pala madatnan na party. “Pero thank you pa rin and Let’s start the party!!!!” patuloy ni Gustavo at ngayon ay sumasayaw na ito sa tugtog. Music in the background: The Nights by Avicii Si Francesca naman ay nasa gilid lang at ayaw makihalubilo dahil sa nandun ang kapatid ni Gustavo at ayaw niya ng gulo. Bored na bored na si Francesca kasi wala naman siya kakilala dun at yung mga kakilala niya na mga kaibigan ni Gustavo ay nandun sa may stage at ayaw naman din niya lumapit duon. Lumabas nalang si Francesca baka kasi nakalimutan na siya ni Gustavo at naiintindihan naman niya ito kaya okay lang sa kanya. Nag text siy kay Gustavo Francesca: Happy Birthday ulit enjoy your party! btw, nakauwi na ako. Don’t worry about me. Medyo inaantok na din kasi ako. Agad iyon nabasa ni Gustavo. Kaya pala di na niya nahagilap si Francesca dahil sa umuwi na ito at sa isip niya kasalanan din niya bakit umuwi ito dahil di niya naasikaso. Nag reply naman si Gustavo Gustavo: Bakit di ka lumapit sa akin? I’m really sorry din kasi di kita naasikaso. Francesca: Okay lang! Alam mo din naman na di naman ako ma party. Sige goodnight
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD