Chapter 3

1738 Words
Erin's PoV: "Iakyat mo na lahat yan." Utos ni Ella sa akin matapos nyang makababa sa aking sasakyan. Napatanga naman ako dahil doon. Seryoso ba sya? Argh. "Huh? Anong pinagsasasabi mo dyan?" Nakakunot-noo kong tanong. No way. "Are you deaf? I said, iakyat mo na lahat yan." She said at itinuro pa talaga ang mga bagahe nyang nasa loob pa ng aking kotse. Mukhang hindi nga ako nagkamali ng rinig. "Hoy, hindi ako staff dito. Atsaka, sayong mga gamit yan. Bakit ako ang magdadala?" I saw how her eyebrows arched. Tama naman ako ah. "Atsaka sa cute kong ito? Pagbubuhatin mo lang ako nyan?" Dagdag ko pa. Kitang-kita na sa kanyang mukha ang inis. Dapat lang yan. Hmp. "Bakit? Gusto ko eh. May angal ka ba? Atsaka sarreh akala ko kasi kargador ka." Mataray nitong saad at nagflip-hair pa talaga. Aba't ang babaeng ito taaga! Napahilot ako sa aking sentido. Chill Erin. Bawal maistress ang katulad mong cute. "Wala. Wala akong angal." I said sarcastically. Hindi ko na maiwasang mapasimangot dahil sa kanya. "Oh well, that's good to hear. Baka kasi, gusto mo pang tawagan ko ang Mommy mo." At itinaas pa nito ang hawak nyang cellphone. "Grabe. Ang galing mong mangbanta. Natakot ako huhuhu..." I said sarcastically again. Pang-asar pa lalo sa kanya. At nagtagumpay naman ako dahil lukot na lukot na ang mukha nya "Argh, you little piece of s**t! Iniinis mo talaga ako ng sobra-sobra!" At dinuro-duro pa talaga ako. Hala, baka mamaya maputol na lang yun bigla. I innocently looked at her. Wala naman akong ginawang masama ah? Bakit ganyan ang reaksyon nya? Mukha atang nagising ang monster side nya sa ginawa kong pang-aasar. Wag kang mag-alala Ella. Mas pagbubutihin ko pa ang pang-iinis ko sayo. Dagdag kaalaman guys. Kapag may galit sayo ang isang tao, galitin mo pa lalo. Life hacks yan ah. Satin-satin lang. "I can't wait to tell this to your Mom. She said na you should treat me as your sis---" Naputol ang sasabihin ni Ella nang may nagsalita. "Mga iha, nag-aaway ba kayong dalawa?" Tanong ng kung sino. We both looked at that someone and we saw a middle aged man. "Uh... hindi naman po." Sagot ko at ngumiti pa ng pilit sa kanya. Napatawa naman ang lalaki. Bakit naman kaya? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Ano ka ba? Normal lang iyan sa mag-asawa, mga iha." At pinasadahan ako ng tingin. Sinunod naman nito ang babaeng kasama ko at parang napukol ang tingin nito sa kanya. I don't like the way that man looks at Ella. He's looking at her in a p*****t way. Hindi naman sa pagiging judger pero parang ganon na nga. Isang kamay ang naramdaman kong napahawak sa akin. And it was from Ella. She looks uncomfortable dahil sa lalaki. Well, ang suot lang naman nya ay isang fitted dress na talagang bakat na bakat ang kanyang dibdib. Wala sa sariling nahigit ko sya palapit sa akin. I just found myself hugging her. My arms were wrapped on her waist para hindi na mas lalong mapagmasdan ng lalaki ang kanyang katawan. "Mag asintahan pa lang po kami pero alam kung dadating din kami dyan." Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Isang kurot ang natanggap ko at alam ko kung sino ang may gawa non. Gusto kong dumaing dahil sa sakit huhuhu... "Ganon ba mga iha? Kung gusto nyo, pwede ko kayong tulungan sa pagdala ng mga gamit nyo." Offer nito. I saw how a smirk formed into his lips. Parang may kakaiba. Masama ang kutob ko sa lalaking ito. Nabaling naman ang tingin ko sa babaeng ngayon ay yakap-yakap ko dahil sa paghigpit ng pagkakahawak nya sa akin. Sinasabi ng mga mata nito na huwag akong pumayag or else ako ang mapapatay nya. Kinabahan ako bigla. I heaved a sigh first bago mag salita. "Thank you po sa alok nyo Mister pero hindi po namin matatanggap iyon. Papunta na po rito ang pinsan nh girlfriend ko para tulungan kami sa pag-akyat ng gamit." Magalang kong tanggi. Napasimangot naman sya bigla. Confirmed. May balak nga sya sa cute na si ako at sa masungit na kasama ko. "Hindi ba Mylabs?" I decided to kissed her forehead. kaso.... Nag-angat pala sya ng tingin sa akin. And mygoodness, I felt her soft lips are pressed into mine. Our eyes widen in shock. We can see each other dahil parehas nakabukas ang aming mga mata. Parang na-estatwa si Ella dahil sa nangyari. Nagtagal lamang ng ilang sandali ang kiss namin. Hindi ko nga alam kung matatawag bang kiss ang nangyari sa amin ngayon. Nagdampi lang naman yung mga labi namin. Wala namang kaso iyon sa akin. Ewan ko na lang sa kanya. Matapos kong magbawi ay isang Ella agad nakita ko. Para syang na estatwa sa kinaroroonan nya. Weird. Napalinga-linga ako sa paligid dahil parang bulang nawala ang lalaking nasa harapan namin. Wow. Baka may magic sya. Kinilabutan naman ako dahil doon. What if isa pala syang witch pero nagkatawang lalaki lang? Tapos tinetest lang pala kaming dalawa ni Ella. I snapped to reality nang may dumaang isang roomboy sa harapan namin. "Kuya." Pagtawag ko sa kanya. Humarap naman sya. "Yes po, Ma'am?" At ngumiti pa sa akin. "Uhm... Pwede po bang padala ng mga ito kuya?. Bibigyan ko po kayo ng tip." Itinaas ko ang isa kong kamay na para bang nanunumpa. I heard he giggled. "It's okay Ma'am. It's my job. Saan ko po ba ito dadalhin?" Magalang nitong tanong sa akin. Sinabi ko sa kanya ang room number ko pati na rin kung anong floor. Baka kasi maligaw pa sya. "Ella Sungit tara na." Pag-aya ko sa monster na kasama ko. Pero parang hindi man lang sya gumalaw sa kanyang pwesto. Anong nangyari sa babaeng ito? Hindi makamove on? Dahil mukha nga atang wala syang balak gumalaw, hinatak ko na sya papaalis. Sumakay na kami ng elevator. Malapit na kami sa unit ko nang bumalik ang katawang lupa nya at nagsimula nang magdada nang magdada sa akin. "What the f**k just happened?" Galit na galit na saad nya at hinampas pa ako. "How dare you?! Arrghh." "Napakadami mo ng atraso sa akin you damnit!" At marami pang iba. Hindi na ako nag-atubili pang pakinggan ang lahat ng sinasabi nya. Bahala sya dyan na mamatay sa inis or galit. As soon the elevator reached our destination, maagap akong lumabas at nagdire-diretso sa aking unit. Gosh. I quickly opened the door at isasarado ko na sana ang pinto nang maalala ko na mayroon pala akong kasama. Hinintay ko muna syang makapasok. Napakasama ng mga tinging ipinupukol nya sa akin. Parang any time ay pwede na syang mag evolve bilang Pokemon at kalabanin akk. "How dare you para dedmahin lang ako?!" Hanggang dito ay umabot ang paggaganyan nya. I really wonder kung hindi ba napapagod ang bibig nya sa pagsasalita. "Wag na wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita." Dagdag pa nya. Agad akong humarap kay Ella dahil baka mamaya ay atakihin na lang sya sa puso sa sobrang inis. "Ano ba yun?" Inosente kong tanong sa kanya. "You know what? f**k you!" Nanlaki naman ang mata ko dahil doon. Ano daw? Tama ba ako nang pagkakarinig f**k you? "Taympers lang muna. Bata pa ako para dyan sa f**k-f**k na sinasabi mo." I said at umiling-iling pa. Ang alam ko kasi, ginagawa lang yung ng magjowa or mag asawa. "Pero kapag ikaw ang nagsabi, magagawan ko ng paraan yan Ella." I smirked after I said that. Might as well, sakyan ang trip nya sa buhay. Nakita kong napatigil sya bigla. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero I saw a tint of redness on her cheeks. Malabo na siguro ang mata ko. "Damn you little fucker!" Sinimulan nya akong sugurin. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko. Nakatakbo agad ako palayo sa kanya. "Just wait until maabutan kitang bwiset ka!" Sigaw nya habang hinahabol ako. Alam kong magaling ako pagdating sa habulan pero parang it's my unlucky day. Nacorner ako bigla. Dapat pala hindi ako nangaliwa este kumaliwa. Dapat pala always right lang. "Finally, naabutan din kita." Ella said at tumawa pa na parang isang witch. Bagay na bagay. "Alam mo bang pinagod mo ako?" Unti-unti syang lumalapit sa akin. Hindi ko naman magawang umatras dahil pader na ang nasa likuran ko. "Ah..eh.. hindi ko alam." Kinakabahan kong sagot sa kanya. Napadasal na lang ako bigla kay Lord na sana, mawala bigla ang galit o inis na mararamdaman nya sa akin. Nang idilat ko ang mata ko ay saktong nakita ko kung paano sya natapilok. "Oh s**t! It hurts." Daing nya habang hawak-hawak ang isa nyang paa. Dali-dali akong lumapit sa kanyang kinaroroonan to check her condition. Naks. Parang doctor lang ang peg. Doctor Kwak-Kwak. I checked her ankle at parang may naipit na ugat don. Hindi naman sya masyadong malala which is a good thing. Konting hilot lang ay okay na iyan. Isama mo na rin ang pahinga. "Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat ha?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanyang ankle. Hindi ko maiwasang mag-alala. "Pinapagalitan mo ba ako?" At nakuha nya pa talaganh magbigay ng isang malakas na hampas sa akin. Grabe. "Huh? Hindi naman sa gan---" Napatigil ako bigla nang mag-angat ako ng tingin. Napakalapit namin sa isa't isa gosh. Hindi ko mameasure kung ilan ang distansya namin pero malapit talaga. As in kunting galaw lang ay magtatama na ang hindi dapat. Nakita kong natigilan din sya. Now, we're just looking in each other's eyes. Ang ganda pala ng mata nya. Hazel Nut ang kulay. Bakit ngayon ko lang napansin? Pero parang may iba. Parang nahihypnotize ako sa mga mata nya. Wala sa sariling naibaba ko ang aking tingin sa kanyang labi. Malambot iyon at mamula-mula pa. Parang nagflashback sa akin ang *ehem* kiss na nangyari. I just found myself biting my lips. Unti unting nababawasan ang distansya namin sa isa't-isa. She's slowly filling the gap between us. Nang biglang.... *Ding Dong* Mabilis na napalayo kami sa isa't isa. We're both blushing dahil sa nangyari. Mygoodness Erin. Nakuha mo pa talagang lumandi kahit na natapilok na si Ella nyan. "Stay here. Titignan ko lang kung sino yun. Wag kang tumayo. Baka mamaya lumala pa yan." Isang tango ang isinagot nya sa akin. Tumayo na ako para malaman kung sino ang istorb-- I mean taong nagdoorbell. "f**k it. Bakit ngayon pa may nang istorbo sa amin?" Bulong ni Ella sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD