Erin's PoV:
Agad kong binuksan ang pintuan upang malaman kung sino ang nang istor-- err nagdoorbell. Pagkabukas ko pa lang ay isang lalaking nakangiti ang sumalubong sa akin. Sya yung roomboy kanina na kinausap ko.
"Hello po Ma'am, heto na po yung pinadala nyong mga gamit." Saad nito sa akin.
Tinulungan nya akong ipasok lahat ng bagahe ng masungit na yun. Jusko po. Parang mag aabroad eh sa daming dala. Ano kayang laman ng lahat na bagahe nya?
"Thank you po talaga kuya." I said while smiling. Ibinigay ko na rin ang tip kong 3,000 sa kanya. Okay na siguro yun. Nagpaalam na rin sya pagkatapos.
Inilagay ko muna sa may gilid ang lahat ng gamit ni Ella. Marami pa namang space ang unit ko para sa lahat ng kaek-ekan nya.
Speaking of her, nawala sa isip ko ang situation nya ngayon. Oh shoot. Napatampal na lang ako sa aking sarili.
I saw her na nakaupo sa couch at hinihilot-hilot ang part ng kanyang paa na sa tingin ko ay masakit. Agad ko naman syang nilapitan.
"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Are you nuts? O malabo lang talaga ang mata mo? Kita mong nahihirapan ako diba?" Mataray nitong sagot sa akin. Hindi pa sya nakuntento dahil inikutan pa ako ng mata. I mentally slapped my self.
Gosh. Ang tanga mo naman Erin. Obvious naman kasi ang sagot. Hmp. Pero bakit ang sungit naman nya? Nagtatanong lang naman ako.
"Sorry naman. Tara, hilutin ko na yan." I said. Akmang hahawakan ko na sana ang kanyang paa nang bigla nyang tinabig ang aking kamay.
"Hey! Don't touch me nga tss. Marunong ka ba? Baka mamaya, mas lalo pang lumalala kapag hinilot mo."
"So, anong gusto mong gawin natin dyan? Pabayaan na lang?" Balik-tanong ko pa.
Baka mamaya kasi ay magsumbong ang babaitang ito kay Mom at pagalitan pa ako. Tsk. Knowing this girl? Napakaarte at sumbungera hmp.
"Dumbass. Call someone to treat or massage this! Use your brain nga." Ella exclaimed. Aba't! Mabuti na lang talaga at mahaba ang pasensya ko ha. Mahilig kasi ako sa mahahaba.
"Sige po masusunod, mahal na reyna." I said sarcastically.
"Whatever." At matalim na umirap pa sa akin.
"Tss. Ang arte." I whispered to myself.
"Hey, I heard that! Sa susunod kapag bubulong ka, siguraduhin mong hindi komaririnig."
Che! Bahala nga sya dyan. Just kidding. Kahit gustong-gusto ko nang jombagin tong si Ella ay hindi ko magawa.
Chill Erin. Bawal mastress ang mga cute na katulad mo.
I decided na magsearch na lang ng kayang I-accommodate si Ella. Yung malapit lang dito para hindi na sya magreklamo pa.
'Rapsy Massage and Therapist Services'
I asked for someone na available for today. Pinapili ako ng kausap ko kung ano daw ba ang mas prefer ko. Kung boy or girl. Syempre ang pinili ko ay girl para naman komportable si Ella.
Mabuti na lang talaga at mayroon daw na nagsuggest ng services nila at talagang isa sa mga may ari ng unit dito. Kaya any minute ay dadating na yung magmamassage sa kasama ko.
"Did you call na ba?" Kilala nyo naman na siguro kung sino yan diba? It was none other than Ella Monster. Ang conyo nya naman. She's giving me the Kris Aquino vibe.
"Oo, kaya kumalma ka lang dyan."
"Well it's good to hear. May maganda ka rin palang nagagawa." Ella smirked after she said that. Anak ata to ni Satanas eh. Hmm. Putulin ko kaya yung sungay nya.
"May injury ka na nga't lahat, nagawa mo pang mang-asar." Saad ko pero arang hindi man lang sya naapektuhan. Infairness, ang cute nya magsmirk.
"You can't stop me kahit ano pang gawin mo. Palibhasa, you're just a pikuning bata just like before. Hindi man lang naggrown up." Napamaang naman ako sa sinabi nya. Alam ko sa sarili ko na hindi ako pikon. In fact, sa aming dalawa ay sya iyon.
Kailangan mong mag-isip ng panlaban sa kanya Erin. Wag kang papatalo sa monster na toh.
"Edi wow... Sino kaya sa ating dalawa ang natatameme bigla kapag hinahalikan ko sya?" I said at binigyan sya ng mapaghamong tingin. I saw how she froze and later on ay namula.
Yey!
Erin won again against Ella Maldita!
Konti na lang ma na-knock out ko na sya hihihi.
"You shitty head! At talagang pinaalala mo pa ha. How dare you para gawin sa akin iyon?!" Ella said angrily. Napalunok naman ako bigla. Mukhang mali ata ang nasabi ko ha. Pero bakit parang ang sexy nya pa rin kahit galit na?
"Sorry na. Sorry na kung ginawa ko yun. Kailangan lang talaga." Paliwanag ko. Nagsalubong naman ang dalawa nyang kilay.
"What do you mean by that huh? Tsk. Just wait until I tell this to your Mom. I'm sure that she'll give you a punishment." She plastered a devilish smirk on her face.
"Wag naman!" Agad kong asik. Ayoko pa namang nagagalit si Mom. Nakakatakot. Argh this girl! Napakasumbungera kahit kailan.
"Hindi ba pwedeng palampasin mo na lang yon? Atsaka, parang hindi naman talaga tayo nagkiss. Naglapat lang yung mga labi natin. Isipin mo na lang na aksidente yung nangyari para happy-happy na tayong lahat." I said trying to be more reasonable.
Pinasigla ko pa ang boses ko para hindi nya mahimigan na kinakabahan ako.
"So ganon lang pala ang tingin mo ha? Don't you know na you're my first kiss!" Singhal pa nya sa akin. Halatang galit na sya.
Edi galitin pa lalo natin. Joke lang.
"Parehas lang tayo noh. First kiss ko rin yun pero hindi ako ganyan magreact." Simple kong saad. Parang anytime ah mangangain na sya ng tao. Scary. May lahi talaga syang monster.
Mukhang nasa akin talaga ang swerte dahil mayroon na namang nagdoorbell. Tamang-tama ang timing. Nice. Eto na ata yung ni-request kong mag mamassage sa kanya.
Agad kong binuksan ang pintuan.
"Hi Ma'am." Bati sa akin ng isang babae. Maganda sya. Pero mas maganda pa rin ang monster na yun.
Pasimple kong pinasadahan ang kanyang kabuoan. Well, ang suot nya kasi ngayon ay isang fitted na damit. Sa tingin ko ay kapag yumuko sya, makikita ang kanyang cleavage.
Gosh.
Akala ko sa orange na youtube ko lang nakikita ang mga ganito. Meron din pala sa real life.
I cleared my throat first.
"Halika, pasok ka na sa loob Maxine." Pag-anyaya ko sa kanya. Nalaman ko ang pangalan nya sa kanyang name tag.
Sumunod sya papasok sa loob habang may dala-dalang lalagyan. Doon siguro nakalagay ang mga gagamitin nya.
"Ma'am kayo po ba yung imamasage ko?" She asked while smiling pero parang may kakaiba sa kanyang ngiti.
I shooked my head. Baka mamaya nag-iimagine lang ako.
"Drop the formalities. Call me Erin na lang. Atsaka no, hindi ako. Yung kasama ko eh." Friendly kong saad. I noticed how her smile disappear for a moment.
Nabaling ang tingin ko kay Ella na nakatitig na pala sa aming dalawa. I gulped. Nakakatakot kasi ang mga tingin ibinabato nya sa amin. If looks could kill, I'm sure that I'm dead by now.
I flashed her an awkward smile ngunit inikutan nya lang ako ng mata. Oh diba? Napakamaldita. Hmp.
Walang hiya-hiyang pinasadahan nya ng tingin si Maxine na para bang kinikilatis nya ito.
"Marunong ka ba talaga?" Naniningkit ang mga matang tanong ni Ella. Parang nakakaoffend naman yun.
"Ella." Pagsaaway ko sa kanya .Jusko po. Nakakahiya naman kay Maxine. Pati sya ay na sample-an ng monster na ito.
I flashed an apologetic smile to the latter.
"It's okay Erin and yes Ma'am. Marunong po ako because that is my work po." Magalang na sagot ni Maxine. Napakaprofessional nya. Wow.
Napa-tsk na lang si monster. Wala pala sya eh.
Sinimulan na ni Maxine na gawin ang dapat nyang gawin. Heto ako at nanunuod sa kanila.
Mukhang tama nga ang hinala ko kanina na sa tuwing yumuyuko sya ay nakikita ang kanyang cleavage. Well, nangyayari na kasi yun ngayon.
Hindi ko maiwasang mamula sa aking nasisilayan.
Gosh. I looked like a p*****t right now.
Iniwas ko ang aking tingin at nabaling iyon kay Ella na hindi na maipinta ang mukha. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya. Mukha atang nakita nya ang tinitignan ko kanina.
Maxine gives a good service and yet halatang hindi naman ito nagustuhan ni Ella. Ang taas naman ng standards grabe ha.
Ramdam ko ang panaka-nakang tingin sa akin ni Maxine. At dahil friendly ako, nginingitian ko naman sya.
"Matagal pa ba toh ha?" Tanong ng monster.
"Dont't worry Ma'am, malapit na po matapos."
"Well it's good then. I didn't know na kasama pala sa work mo ang panlalandi sa customer." Halos manlaki ang aking mata sa aking narinig. That's too much.
Akmang magsasalita na ako nang bumaling sa akin si Maxine motioning me na okay lang.
I heaved a sigh. Wala na talaga akong magagawa kay Ella Maldita.
_____//_____
"Thank you sa service mo ha" I said habang ibinibigay ang payment sa kanya. Binigyan ko sya ng malaking tip.
"Don't worry and it's fine. Trabaho ko to." natatawang saad ni Maxine.
"Anyways, ang sungit naman nung kasama mo. Kaano-ano mo sya?"
"Friend ko yun. Pasensya na sa kanya ah. Maldita talaga sya." Kaibigan na lang ang sinabi ko imbes na kaaway para hindi na sya magtanong pa.
"Hey girl, why don't you just leave na noh? Becuse we don't need you here." Masungit na saad ni Ella. Bigla-bigla na lang nagsasalita eh. Hindi ko man lang napansin na andito sya.
"Kanina ko pa napapansin na parang ang init ng dugo nya sakin." Saad ni Maxine. Syempre mahina lang. Baka kasi marinig nung isa dyan.
"Nako, wag ka nang magtaka. Ganyan lang talaga anh babaeng iyan."
"You know what... Parang may something. Hindi ko maexplain. Sige na, sa susunod na lang uli Erin. Here's my calling card." At ibinigay sa akin ang isang papel.
"Bond us soon. Ciao~" She gave me a wink bago tuluyang lumabas. Napailing na lang ako sa kawalan.
I looked at Ella and I saw her frowned face. Nakacrossed rin ang mga kamay nito. Saan kaya sya pinaglihi? Sa sama ng loob kaya?
"Bat ganyan naman yung hitsura mo? Hindi ka ba masaya?" I asked. But she rolled her eyes to me at hindi sumagot. Aba't, nakaka ilan na sya ngayon araw ah!
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
"Obviously not. Bakit kasi sya ang pinili mo? Look, ni hindi nga maayos yung service nya. Panay kasi ang sulyap sayo. Tss. Ang harot!" Masungit nitong turan sa akin. Napakamot ako sa aking ulo.
What's wrong with her? Pero infairness, ang taas talaga ng standards nya.
"Luh. Ang galing nya nga eh. Hindi mo ba na-enjoy?"
"A big NO! Anong magaling don? Oh I know na. Ang ganda naman kasi talagang tanawin ang tinitignan mo kanina." I was caught off guard. Mukha nga atang nakita nya ako.
"Nakalabas kasi eh tapos ang laki pa... Atsaka iniwas ko naman agad yung tingin ko." I reasoned out.
"Yun na yung malaki sayo? Halata namang pinaretoke eh." Nakahalukipkip nitong turan.
"Pano mo naman nalaman aber? Atsaka don't hate, instead appreciate. " Napangisi ako nang hindi na sya nakasagot pa.
Yey ako na naman ang nanalo!
"f**k Goddamn it!?" Alma ni Ella nang akmang tatayo na sya. Agad ko syang dinaluhan dahil dumadaing sya sa sakit.
"Aish. Wag ka kasi munang maggalaw-galaw." Pinaupo ko muli sya sa couch.
"Akin na yung paa mo." I said. Mabuti naman at sinunod nya.
I saw how she flinched when I touched her. Ngunit kalaunan ay kumalma rin. I started to massage her. Don't worry dahil marunong naman ako nito.
Ramdam ko ang tingin nya sa akin pero hindi ko na lang pinansin pa.
"Ooohhh... Aaahhh..." Ungol nya. I quickly looked at her. Parang may iba kasi.
"Hey, bakit naman ganyan yung ungol mo?"
"Paki mo? Nasasarapan ako eh." Masungit nyang sagot. I heaved a sigh at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
Ganon din ang ginawa ni Ella. Patuloy pa rin ang pag-ungol nya. Gosh. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Hindi ko alam kung nang-aasar ba sya o trip nya lang gawin yun.
"Hmmm... Ugghh..."
"Stop mo nga yan." I said but she just smirked at me.
"Why? Does it turns you on huh?" At inilapit pa ang kanyang mukha sa akin.
"Layo ka nga. Atsaka hindi noh. Si Levi ka ba para maturn on ako? Ang assuming mo naman." I said confidently. Nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay.
"Who the f**k is that Levi?!" She asked in a dangerous tone.
"Wala lang yun. Wg mo nang isipin pa." Agad na tinapos ko ang aking ginagawa.
"Answer me. Who the heck is that Levi huh?! Babae mo ba?" Nagtitimpi nitong saad sa akin. Ang scary nya.
"Sige na nga. Anime Character si Levi. Atsaka hindi sya babae noh. Lalake yun." I said while biting my lips.
Wala akong narinig na imik mula sa kanya. I gulped nang mapansin na nakatingin pala sya sa aking labi. She's staring at it intently. I unconsciously looked at her lips too.
Gosh. Parang gusto ko ulit mafeel.
And in a blink of eye, I just noticed that our lips collided.
Ang lambot talaga ng lips nya. Grabe. Tapos lasang vanilla pa. Nag-iba bigla ang t***k ng puso ko. Mas lalo itong bumilis.
Parehas kaming nakadilat all through out the kiss. Although magkalapat lang naman talaga ang mga labi namin.
I decide na magbawi na. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya.
When suddenly...
A pair of arms slowly snaked on my nape. Intending me not to end what we're doing. I guess, she's not yet satisfied and she wants more.
Edi pag bigyan natin hihihi.
I started to bit her lips katulad ng mga napapanood ko sa anime. Mukha atang wala pang experience sa ganto si Ella. Ako na lang ang magiging guide nya.
"Open your mouth." I commanded to her. Her eyebrows arched because of that.
"Inuutusan mo ba ako?"
"Dali na. For better experience din yon." Pangungulit ko sa kanya. She rolled her eyes again and pulled me into a kiss.
At hindi nga ako nag kamali. I reached for her tongue and slowly sucked it. Naramdaman kong napaigtad sya.
"Hmm..." Ungol nya sa pagitan ng aming halikan. Kakaiba ang hatid nito sa akin. An idea suddenly popped into my mind.
I started to teased her for a while. Mukhang nainis si Ella sa akin kaya gumanti na rin sya ng halik. Kahit na beginner pa lang sya ay okay lang sa akin. I like it though. Fast learner din naman sya.
We parted our ways and we're both gasping for air.
At doon lang ako biglang tinamaan ng realization.
Mygoodness.
Ano ba itong ginawa ko?
Jusko, bahala na nga si Wonder woman nito.