Episode 12

2107 Words
Tulad ng nakagawian na niya pagdating ng boss niya, sumunod na siyang pumasok sa opisina nito upang bigyan ng kape at ibigay ang mga schedule nito ngayon araw. Nalulungkot siya dahil ilan araw nalang itatagal niya dito hindi man naging maganda ang naging relasyon niya ng boss niya bilang kalihim nito mami-miss pa din niya ito maging ang mga naging kaibigan niyang kawani dito. Ano kayang nakain ng boss niya kaniya pa niya nakikita itong nakangiti mula pa pagpasok. He's smiling like an idiot, ibang klase din pala ito, may pagka-bipolar. "sino kaya ka-date nito kagabi, nakailan kaya ito, nasatisfied siguro." bulong niya sa sarili. Imposible naman na-hit nito ang jackpot prize sa lottery. Naiiling nalang siya sa naiisip. Alam niyang may meeting ang boss niya kasama ang ilan head department pero hindi naman sinabing kasama siya isa pa may usapan sila ng kaibigan si Trina na sabay silang magla-lunch nito. Malamang abutin din ng lunch time ang meeting nito kaya malaya siya makakagalaw ngayon ng walang nagmamasid sa kanya. Sanay na sanay na siya kung anung dapat gawin kaya kahit hindi na siya utusan ng boss niya siya na ang nagkukusa. Sa kabila nun malungkot parin siya dahil sa nalalapit na araw mawawala na sa kanya ang lahat. Lahat ng nakasanayan na niyang gawin minahal na niya ang trabaho niya sa maikling sandali ng pananatili niya dito, pinasadahan pa niya ng tingin ang boong paligid, mahigit tatlong buwan na siyang nakakulong sa mga gawain niya dito. Kaakibat nito ay ang mga problemang papasanin niya. Walang trabaho, wala na din matitirhan. Next month daw darating na ang tiyahin niya, ipapa-renovate na daw ang bahay ng mga ito ibig sabihin kailangan na nilang lisanin ang nagsilbing tahanan nila ng ilan tao, kaya naman nawawalan siya ng ganang kumain. Kagabi ng matanggap niya tawag ng Mama niya halos hindi na niya malunok ang pagkain niya, kanina nagkape lang siya. Ayaw niyang maging mahina gagawin niya ang lahat maiahon lang niya sa hirap ang mahal niyang pamilya, kailangan maging determinado, matapang at natatag siya ngayon, susuungin niya ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay niya alang-alang sa pamilya. Ring tone ng cellphone niya ang nagpabalik sa diwa niyang naglalakbay, nang tingnan niya yun unknown number kaya, binaliwala nalang niya. Pumasok nalang siya sa opisina ng boss niya para ilagay nasa table nito ang mga folder pero nanglaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang news paper duon. The Young Bachelor Billionaire, Mr. Alfredo Antonio Hernaiz and he's fiancee spotted dating...... Hindi na niya tinapos pang basahin ang nilalaman ng pahayagan, nakita sa larawan na magkasama sila sa isang restaurant at yun magkakasama sila ng mga kaibigan nito, sa larawan nakikita dun na parang nakayakap ang boss niya sa kanya dahil yun isang braso nito nakalagay sa likod niya. Lahat yun kuha kahapon at kagabi ng yayain siya nito kumain muna bago siya hinatid sa kumpanya nito. Hindi niya alam ang gagawin kung itatago ba niya ang d'yaryo o itatapon dahil sa inis niya nalamukos niya yun, bahala na kung magalit ang boss niya. Naisip tuloy niya kung ito ba ang inginingisi nito simula pa ng pumasok, sa bandang huli inunat niya uli yun d'yaryo at inilagay sa ilalim ng iba pang mga folder na nasa table ng boss niya bago lumabas ng opisina nito. "Kailangan niyo lang i-submit ang mga report niyo ng up to date at kung meron mang maging problema ireport niyo agad sakin, ayoko nang maulit ito, dahil pagna-ulit pa ito pwede ko kayong kasuhan at tangalin sa trabaho, understand." "Yes sir" halos sabay sabay na sagot ng mga kawani niya, buti nalang at naagapan ang problema sa isang hotel nila kung hindi malaki ang mawawala sa kanila. "That's all for today" aniya at hinilot ang kanyang sintido, sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari. Kaninang umaga napakasaya niya sa nabasa niya sa pahayagan, tapos ngayon bubungad sa kanyang ang isang problema, pasalamat nadin siya sa Daddy niya dahil lagi itong naka-monitor sa mga hotel nila. Bago palang siya makapasok sa elevator natanaw na niya si Margie kasama nito ang kaibigan, sinundan niya ito ng tingin ng masiguro niya kung saan ito pupunta nagmamadali na siyang pumasok sa elevator. Gusto na niyang maupo sumakit ang ulo niya sa mga department head nila dahil sa maling report ng mga ito ilan sa mga board ang nagreklamo, pero hindi siya magpapasindak sa mga ito, hindi niya mararating kung saan siya ngayon kung nahina siya pwede nga niyang tanggalin ang dalawang board niya kung gugustohin niya, una napakaliit lang ng share ng mga ito, sisiguraduhin niyang sa susunod mawawala na ang mga ito, kayang kaya niyang bilhin ang share nito. Ayaw na ayaw niyang pinangungunahan siya para ano pa't ako ang naging CEO. Kinalma niya ang sarili at lumabas na siya ng opisina niya, alam na niya kung saan siya pupunta kung saan siya kakalma, isang tao lang ang nagbibigay sa kanya ng matiwasay na pakiramdam kahit na sa malayo lang niya ito natatanaw. Maligaya na siya makita lang niya ito, pero napakailap nito. Maingat siyang naupo katabi ng mesa ng mga ito nakatalikod ang mga ito sa gawi niya, abala sa pagkain ang magkaibigan dahil mukhan seryoso ang pinag-uusap. Dahil kunti lang tao duon kaya malaya niyang naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa. "Margie wag kang mag-alala malalampasan mo din lahat ng ito makakaraus din kayo, ng pamilya mo malalampasan ng Mama mo ang lahat ng hirap na ito. Huwag kang magpapaapekto may sakit sa puso ang Mama mo, yung operasyon niya alalahanin mo, kung mawalan ka man ng trabaho ngayon tutulongan kita" wika ni Trina dahil namomoblema siya na wala na siyang trabaho ilan araw nalang. "Ganito nalang para solve na problema mo gaya ng dati hahanapan kita ng bilyunaryo magkakapaligaya sayo, tiyak wala ka ng problema" dagdag pa nito para lang sumaya siya, kaya natawa naman siya dito. "Sige kailangan ko siya ASAP" sagot niya pagsakay sa mga biro nito. Samantala sa may likuran nila may dalawang pares ng mga matang nag-aapoy habang nakikinig sa pinag-uusapan nila, ng hindi na makatagal dahan-dahan itong lumisan na nakatiim ang mga ngipin at nakakuyom ang mga kamao. Isang malakas na pagsara ng pintuan ng ikinagulat nila ng lingunin nila yun wala naman silang nakitang tao. Ayun sa mga narinig nila baka daw isang malakas na hangin lang yun "Saan na kaya yun bilionaryung nag-sponsor ng birthday mo nun bakit hindi na siya nagparamdam uli. Napakasaya natin nun, halos lahat ng bata dumalo" ani Trina na nagbabaliktanaw sa mga nakaraan kamusmusan nila. "Hindi ko nga siya nakita basta ang sabi bilionaryo daw yun, di ba nangako ka sakin hahanapin mo siya para sakin" aniya dito at nagtawanan siya "Loka hanggang ngayon nga naghahanap parin ako. " anito. yun na ang biruan nila nuong bata pa sila. "Siguro pagnahanap mo na yun prinsipe ko mahahanap ko narin yun bilionaryo mo. anito at sabay pa kaming nagtawanan na parang walang tao sa paligid. Samantala pagbalik ni Al sa opisina niya halos ibalibag na niyang lahat ng gamit niyang nasa ibabaw ng table niya. Hinahanap niya yun news paper na dala niya kaninang umaga at ng makita niya ito pinakatitigan niya at sabay lamukos dito pinag punit punit niya yun at itinapon sa basuruhan. Masamang masama ang loob niya dahil sa narinig kung ganun hindi rin pala naiiba si Margie kay Kristel nagpapagamit din ito ng dahil sa pera. Pare-pareho lang lahat ng babae, akala niya naiiba ito nagkamali pala siya, mukha lang inosente pero sanay din pala sa lalaki, a goldigger, ginagamit ang katawan para sa pera, he hate it now. Dahil sa natuklas nakabuo siya ng isang plano, kung si Vincent binilhan ng kotse si Kristel nuon matikman lang ito pwes kaya din niyang gawin yun ngayon maikama lang niya si Margie sisiguruhin niya pagsasawaan din niya ito bago bitiwan, pahihirapan niya ito gaganti siya sa ginawa nitong panbubugbug sa kanya. Kanina pa hindi mapalagay si Margie simula pa kaninang bumalik galing sa meeting ang boss niya apat na beses na siya nasigaw nito, nagtataka siya kanina pagpasok nito hindi matanggal tanggal ang ngiti nito sa labi ngayon naman kabaliktaran ang nakikita niya dito. Halos maglabas na ng apoy ang galit nitong mata. Ano nanaman kayang nagawa niyang kasalanan dito may mali ba siyang nagawa? sana sabihin nalang nito kung ano. Napabuntong hininga nalang siya at nag-concentrate sa mga gawain total ilan araw nalang niyang pagtitiisan ang ugali ng boss niya. Naisip nalang niyang kausapin ang mga kaibigan ng boss niya baka may maitulong ang mga ito sa kanya dahil may mga sari-sarili itong kumpanya baka mabigyan siya ng trabaho kahit maliit lang ang sweldo papatusin na niya hangga't wala pang mapapasukang maganda pero paano ba niya makakausap ang mga ito wala naman siyang contact sa mga ito kahit si Sev hindi niya alam number nito. Hindi siya makapag-concentrate sa mga ginagawa niya ni hindi niya masagot yun mga Email sa kanya dahil hanggang ngayon blangko parin ang isip niya dahil sa nalaman, kaya sa tuwing malapit ito sa kanya nasisigawan niya kahit wala naman itong ginagawa, gusto niya itong saktan, murahin pero hindi naman niya magawa dahil simula palang mailap na ito sa kanya. Sasamantalahin niyang nasa gipit itong sitwasyon, minsan pa niyang sinilip ito nakita niyang subsub ito sa sariling gawain alam niyang magaling sa lahat ng bagay ito katunayan lagi niya ito binibigyan ng mga gawain na kung tutuusin hindi naman dapat ito ang gumagawa. Tama ang Mommy niya malayo ang mararating nito kung mabibigyan ng chance pero dahil sa nalaman niya ngayon palang pahihirapan na niya ito sisiguraduhin niyang gagapang ito sa harapan niya at magmamakaawa sa kanya. Tingnan natin kung gaano ka katibay. Hindi pa niya ito nakitang yumoko man lang katulad ng ibang empleyado niya na sa kaunting sigaw lang niya nakayuko na ang mga ito, pero ang secretary niya hindi niya nakita ginawa yun, binabaling lang nito sa ibang direksyon ang paningin nito o di kaya ay titingin lang ito sa baba pero naka-chin up parin ito, lagi itong nakataas noon kahit sinong kausap na parang laging may ipinagmamalaki. Tulad ng dati tambak na naman ang gagawin ng secretary niya sinilip niya ito nakita niya kumakain ito ng biscuit habang totuk ang mata sa laptop, alam niyang gutom na ito pero sisimulan na niyang pahirapan ito para umayon sa plano niya. Napatingin si Margie sa wrist watch niya it's 10:30pm gutom na talaga siya kailangan na niya makauwi kaya inayus na niya ang mga gamit niya, sinilip pa niya ang boss niya sa opisina nito busy parin ito. Nagmamadali na siyang nagpaalam dito ni hindi na nga niya hinintay na tugunin pa siya nito. Sumakay na siya ng elevator, meron pa naman siyang masasakyan taxi pag ganitong oras kailangan lang niyang maghintay ng ilang minuto minsan umaabot pa ng kakahating oras, sinasamahan naman siya ng guard maghintay ng taxi kaya hindi rin siya natatakot. Paglabas niya ng gusali laking gulat niya ng magbukas ang isang mamahaling sasakyan sa harap niya kaya naman napayakap siya dito hinalikan din niya ito sa pisngi dahil namis niya ito. Inakbayan na siya nito at iginiya sa passenger seat tsaka ito umikot sa driver side. Nanlilisik naman ang mga mata ni Al sa nasaksihan ganoon ba talaga kahilig sa lalake ang secretary niya. Sa tingin niya may kaya yun lalake kung pag babasihan ay ang sasakyan nito, malaki din ang katawan nito hindi nga lang niya masyadong nakita ang mukha nito, may edad narin pero matikas parin ang tindig nito. Sinundan niya ito para sana yayaing kumain tsaka niya ihahatid para malaman niya kung saan ito nakatira. Napahampas nalang siya sa manibela ng sasakyan niya ng dahil sa nakita. "Papa kanino sasakyan ito bakit kayo nagdito sinong kasama niyo?" nagtatakang tanong ni Margie sa Ama. "Ako lang mag-isa, sa anak ng boss ko ito ipinagkatiwala sakin, ipa-check ko daw dyan sa casa bukas, sa isang araw babalik din ako satin, kailangan din kasing ma-road test 'tong sasakyan" paliwanag ng Papa niya. Masaya siya at kasama niya ito. Sa edad na forty eight kitang-kita parin ang gandang lalaki nito na minana ng kapatid niyang si Andrew moreno nga lang ang balat nito dahil lagi itong nasisikantan ng araw di tulad ng dalawa niyang kapatid nagmana ng kutis sa mama nila mapuputi, matanda ng tatlong taon ang mama niya dito pero mahal na mahal nito ang mama niya. At kung may pinag-aawayan man ito nagkakabati din agad pero ilang beses palang niya nakitang nagkagalit ang mga ito nuong bata pa siya. Kaya idol niya ang mga ito. ............................................................please follow my account and add my stories in your library.. ......"Lady Lhee"..... thanksguys...loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD