Kinabukas laman ng balita, local man o international television maging sa mga pahayagan ang pagbisita sa Pilipinas ng Presidente ng Business Chamber and Commerce ng Asia at Europa kasama ang pamilya nito. Makikita ang mga lawaran ng mga ito at ilan sa mga iyon ay kasama si Margie hindi man nakuha ng malinaw ang mukha niya pero nakikilala naman siya ng ibang kakilala niya isa na dun ang Hernaiz family.
"Is this Miss Rio" tanong ng kanyang ina kay Al habang nagkakape sila, pinakita nito ang news paper na hawak nito makikita sa larawan na magkadikit ang mga mukha ng dalawang babae kahit hindi gaano kita ang mukha ni Margie makikilala parin siya, meron din naka-cover ng bahagya ang mukha niya sa may balikat ni Sev, kaya nagsalubong ang mga kilay niya bangama't nakita na niya yun kahapon pa sa news sa tv.
"Yeah.. she is" matamlay na aniya.
"With Sevees Vincent Alonzo?" dagdag pang wika ng Daddy niya, napatango nalang siya sa mga ito.
"I heard that he's stay here for good na, salamat naman at maayos na siya" ani pa ng kanyang ina, alam niya ang tinutukoy ng kanyang ina, saksi siya sa hirap na pinagdaanan nito.
Nagkalat nadin sa mga social media ang mga sari-saring haka-haka tungkol sa mga larawan. Lalo na ang tungkol kay Vincent na dating naging modelo kaya naman madami ring nakakakilala dito. Ang masakit para sa kanya ang kumalat na balitang girlfriend nito si Margie, pero ng papasalamat pa din siya at hindi nakilala kung sino ang babaeng kasama nito dahil halos kalahati lang ng mukha nito ang nakalitaw. Nabasa din niya sa mga pahayagan ang tungkol dito.
"Who's the gorgeous lady with Mr. Sevees Vincent Alonzo?"
Model Mr. Sevees Vincent Alonzo showed up with he's beautiful girlfriend, after traumatic incidents three years ago.
Ilan lang yan sa mga nabasa niya ng nagpapainit na naman ng ulo niya, dalangin nalang niyang huwag ng magpa-interview pa si Vincent para magkaroon ng privacy si Margie.
Nagsisi tuloy siya kung bakit pa niya isinama si Margie hindi sana nagkrus ang landas nila Margie at Vincent.
Hindi na alam ni Margie kung paano ipapaliwanag sa mga nakakakilala sa kanya tungkol sa nalathala sa television at mga pahayagan, kahit hindi niya aminin makikilala pa din siya.
Hindi naman niya alam na dating model pala si Sev kaya lalong silang pinag-p'yestahan ng mga tao lalo na sa social media. Maging ang kapatid niya ay tinawagan nadin siya, sinabi naman niya dito ang totoo. Sa jeep palang madami ng nakatingin sa kanya kanina bilaliwala lang niya, pagdating sa opisina dun lang niya nalaman ang totoo, saktong naka-flash sa tv yung welcome party na ginanap sa isang hotel na pagaari ng boss nila. Kaya siya mismo ang nakakita nuon, hindi na niya naitangi sa mga ito kaya sinabi na din niya ang totoo. Hindi naman kasi siya nanunuod ng tv dahil wala na siyang time pagdating niya ng bahay maglilinis na siya ng katawan at matutulog kaya wala siyang alam sa nagyayari sa palingid.
Naupo sa siya sa swivel chair niya para nasimulan na niya ang mga gawain niya kailangan na niya makuha ang mga monthly reports ng accounting department para malaman nila ang in and out cash flow lalo ang may kaugnayan sa lahat ng expenses sa mga project nila.
Maya-maya pa nakita na niyang naglalakad ang boss niya, may kausap ito sa cellphone niya, kaya hindi na niya pinansin ito. Muntik pa siyang napatalong sa gulat ng bigla nitong ibinagsak sa harap niya ang isa d'yaryo, nilingon niya ito pero patuloy lang naglakad papasok sa opisina nito. Pinasadahan niya ng tingin ang d'yaryo nanglaki ang kanyang mga mata sa headline.
Model Mr. Sevess Vincent Alonzo showed up with he's beautiful girlfriend after the traumatic incidents three years ago.
Nakalagay duon ang picture nila, nakasiksik siya sa may balikat nito, iyun yung binubulongan siya nito ng wag daw siyang mahiya pero kung titingnan mo yun larawan parang nakahalik ito sa pisngi niya. Buti nalang hindi nakita ang buong mukha niya. Sinilip niya ang boss niya wala yun sa upuan nito. Tumayo nalang siya para magpunta sa accounting department, bago pa magalit ito.
Alam niyang walang schedule ng meeting ang boss niya ngayon dahil pina-cancelled nito lahat kahapon hindi daw siya tatanggap ng appointment until tomorrow, parang may napapansin siya sa boss niya last week pa, may kakaiba dito.
Busy na siya sa kanyang gawain ng tawagin siya ng boss niya buti nalang at tapos na niyang ma-review yun mga folder na kailangan nito. Tama nga siya yun nga ang hinintay nito. Nakita na naman niya yun news paper sa ibabaw ng mesa niya "anong traumatic incidents kaya yun nagyari kay Sev?" tanong niya sa sarili niya.
Lumipas pa ilang oras ng may maulinigan siyang mga boses nagtatawan ang mga ito, ng mag-angat siya ng mukha nakita niya isang grupo ng mga nag-gu-gwapuhang kalalakihan napansin din niyang naghahabaan ng leeg ang mga kasamahan niyang babae.
"Wow the gorgeous lady is here" ani ng isa.
"Good morning gorgeous" bati uli ng isa.
"Morning Margie andyan ba boss mong selfish" mga pagbati sa kanya ng grupo ng mga kalalakihan bagong dating, tumango lang siya sa mga ito. Kaya pumasok na ang mga ito sa loob ng opisina ng boss niya. Makalipas lang ang ilang minuto lumabas ang isa humila pa ito ng isang banko at naupo sa tabi ng mesa niya.
"Kamusta na Margie hindi kaba pinahihirapan ng masungit mong boss?" tanong nito.
"Ok naman ako, bakit lumabas ka?" balik tanong niya dito
"Wala lang bubwisitin ko lang boss mong masungit." anito
"Nakita mo na ba 'to" tanong niya dito sabay pakita sa d'yaryong nasa table niya.
"Never mind that, ignored mo lang yan, hindi nako nababasa ng d'yaryo" anito
"Model ka pala?" tanong ko sa kanya.
"Matagal na yun, wala nakong balak pang bumalik, masaya na ako kung ano ako at kung anong meron ako ngayon." paliwanag nito.
"Matagal naba kayong magkakilala ni Sir Al?"
"Yeah, bata palang kami, family friends." matamlay nito tugon
Masaya silang naguusap ni Sev ng biglang lumabas ang boss niyang masama ang tingin sa kanila kasunod ang mga kaibigan nito, habang si Sev patawa-tawa lang.
"You motherfucker stay away from her" ani ng boss niya mahina lang yun pero madiin ang pagkakabigkas. Nakita naman niyang papalapit sa kanya si Brandon.
"Margie sumama kana saming mag-lunch" anito bago siya lampasan
"Let's go gutom nako" ani Noel at kinuha na nito ang bag niya ng walang paalam sabay talikod, hinila nadin siya sa palapulsuhan ni Sev.
Habang ang ibang emplyado nama'y pinatitinginan sila.
"Dito kana sakin sumabay" aya ni Sev pero may biglang humila sa kamay niya.
"Possessive" ani Sev na natatawa, hindi naman yun pinansin ng kanyang boss hinila siya papunta sa sasakyan nito kasunod nila si Noel
"Get in" utos ng boss niya ng mabuksan nito ang pinto ng sasakyan nito, kinuha din nito ang bag niyang dala ni Noel.
"Bantayan mo yan, Vincent stay here for good na" ani Noel bago pa ibinigay ang bag niya. Tumango lang ito at ibinigay ang bag niya.
Sa isang Italian restaurant sila nagtungo hinayaan nalang niya itong umorder ng pagkain para sa kanya. Masaya naman kasama ang mga ito, pansin niya kung minsan nagpapasaringan ang boss niya at si Sev. Bago pa dumting ang order nila may isa pang lalaking dumating nakita niyang nag-man hugged ang mga ito, matangkad at gwapo rin ito, malaki rin ang katawan, ipinakilala din siya dito, ayun sa mga ito ngayon lang daw silang magkakaibigan nakumpleto, kadarating lang daw nito galing ibang bansa.
Nakita niya kung gaano kasaya at kagulo ang mag-kakaibigan kasama na ang boss niya na kung tumawa para bang wala ng bukas ganun din ang mga kaibigan nito. Naiilang din siya dahil nakadikit ng masyado ang boss niya sa kanya sa kabila naman niya si Noel. Minsan nakikisali din siya sa mga biruan ng mga ito. Kaya naman pinagtitinginan na sila ng ibang customers na kumakain din dun.
Napansin din niyang may kumislap ng liwanag kaya napasiksik siya sa likod ng boss niya, alam niya kung ano yun, napansin naman nito ang ginawa niya kaya hinapit siya nito kaya mas lalo nagdikit ang katawan nilang dalawa, naisip niyang baka headline na naman sila bukas lalo na't kilalang mga negosyante ang mga kasama niya.
Nalibang na silang lahat sa kwentuhan at tawanan kaya hindi na nila napansin ang oras.
"Mga bro mauna nako sa inyo wala pa kung tulog, san ba tayo mamaya? dating gawi ba?" tanong ni Lucas
"Ano pa nga ba" ani Steve
"Aama ka samin mamaya Margie" ani Brando
"Oo nga sama ka para masaya ng makilala ka naman naming mabuti" ani Lucas at kinindatan pa siya nito.
"Huwag niyo ng yayain si Margie hindi naman yan umiinom baka malasing lang" sabad naman ni Sev.
"Ako na bahala sa kanya" ani ng boss niya.
Pagkalabas nila ng restaurant hinila na siya ni Al sa kotse nito, ng kanya-kanya naman ng sakay ang kaibigan nito sa mga sasakyan nila, tahimik lang sila sa biyahe ng mapansin niya ibang way ang tinatahak nila, nilingon niya ang katabi niya pero diretso lang ang tingin nito.
"Sir saan po tayo pupunta?" tanong niya dito.
"Meron lang akung kakausapin" anito alam niyang papuntang south na iyon, nanahimik nalang siya dahil tahimik lang din ang kasama niya.
Tagaytay basa niya sa arkong nadaanan nila, kaya nilibang nalang niya ang mga mata sa magandang tanawin. Kulang isang oras pa ang naging biyahe nila bago sila huminto. Taan Vista Hotel.
"Let's go baka naiinip na sila kahihintay satin" anito at nagmamadali ng bumaba ng sasakyan ganun din siya ng magpantay sila hinapit siya nito sa bewang na mabilis naman niyang nahawi ang kamay nito sabay irap dito, nginisihan lang siya nito.
"Sungit" bulong nito sa kanya.
Lumapit sila sa isang mesa kung saan may mga nakaupong limang tao, apat na may edad na at isa nama'y babae medyo bata pa, na kung makatingin sa boss niya ay parang hinuhubaran na nito, kita rin ang cleavage nito, katabi ito ng boss niya napansin din niyang halos ikiskis na nito sa braso ng boss niya ang ng huhumiyaw nitong dibbid baliwala naman ito dun.
Narinig niyang tungkol sa lupa ang pinag-uusapan ng mga ito, kung minsan tinatanong din siya nito kung anong ipinion niya. Wala naman siyang masabi, katwiran niya hindi pa niya nakikita ang lugar kung angkop bang pagtayuan ng hotel depende kasi sa lugar. Kung madali lang bang puntahan ng mga tao at kung masasalamin ba dito ang kagandahan ng lugar dahil maraming tao ang nature lover na tulad niya. Tumango tango naman ang boss niya bilang pagsang-ayon sa opinion niya. Napag-alaman niyang isa sa kaharap nila ay abogado at ang iba nama'y may ari ng lupang gustong bilhin ng boss niya, anak naman yun babae kulang nalang kumandong sa boss niya. Gusto pa nga silang i-tour ng may ari ng lupa pero tumangi na ang boss niya. Anito may meeting pa daw ito kaya kailangan ng bumalik ng Manila.
"Sir nakita niyo na ba yung lugar i mean nai-inspect niyo na ba baka kasi malambot yun lupa?" tanong niya dito habang nasa biyahe sila.
"Hindi pa may nagsabi lang sakin, sabi maganda yun lugar malapit sa bulkan" anito
"Check niyo muna sir baka masayadong malapit sa bulkan, paano kung mag-erupt yun bulkan, ayus lang sir kung malayo basta natatanaw ng maayus yun bulkan, yun kasi ang danarayo ng ibang tao dito." paliwanag niya dito, nakita niyang tumango- tango ito at mukhang nakikinig sa kanya.
"Minsan pasyalan natin, mag-set ka ng meeting" anito kaya mapatango nalang siya.
Nakita siya nitong nanghahaba ang leeg niya kaya naman nagdahan-dahan ito ng pagda-drive.
"What? Do you forgot something" tanong nito halos ihinto na nito ang sasakyan, habang siya nama'y tinatanaw ang bahay na gusto niyang bilhin para sa pamilya, tiningnan niya kung may nakapaskil ng "for sale" doon pero napangiti siya ng wala siyang makita, ewan ba niya kung bakit nakiusap siya sa caretaker ng bahay na huwag muna itong ipagbili ng wala siyang abiso, humingi siya dito ng apat na buwan palugit para magawan ng paraang makalikum ng sapat na halaga, pumayag ang mga ito, sabi sa kanya ipagbibigay alam daw nito sa may ari na naka-base na sa England.
"What" singhal ulit ng boss niya na nagpalik sa kanya sa kasalukuyan.
"Wala sir may nakita lang akung magandang tanawin" aniya pero alam niyang hindi kumbinsido ang boss niya, ayun narin sa hitsura ng g'wapo nitong mukha.
Gabi ng makarating sila sa Manila kaya niyaya na siya ng boss niya kumain muna bago bumalik sa opisina. Sinabi nitong tapusin daw niyang lahat ng trabaho niya, hindi daw siya pwedeng sumama mag-bar for the boys lang daw yun.
Pagkatapos nilang kumain hinatid nalang siya nito sa tapat ng building kung saan sila nag-oopisina pagbaba niya ng sasakyan pinaharurut na nito ang sasakyan paalis.
...........................................................please follow my account and add my stories in you library....
....."Lady Lhee".....
...thanksguys...loveu..lrs..