Kanina pa ako pabiling-biling sa higaan ko hindi talaga ako makatulog dahil hindi ako makapaniwala sa inakto ng boss ko ilang beses din akong sinubuan, pinaghimay din ako ng seafood, nakita ko din kung gaano siya kagwapo pagnaka-ngiti, may dimple pala siya sa kaliwang pisngi, for the first time na hindi siya nagsungit sakin.
Napapikit ako ng madiin "wag ko lang makikita nang malapitan ang mga asul niyang mata, hindi ko kayang titigan yun, isang masamang bangungot na pilit ko ng iwinawaglit sa aking isipan, alam ko namang hindi lang iisa ang may ari ng ganun kulay ng mata, madami sila" pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Kailangan ko ng makatulog, usapan namin six ng umaga ako susunduin sa office ng boss ko buti nalang nakumbinsi ko kagabi na wag na akong ihatid.
Napapangiti ako habang umiinum ng paborito kung alak dito sa counter bar ng mansion namin naalala ko kung paano mamula ang pisngi ng secretary ko pagbinibiro ko lalo na ng subuan ko siya gamit ang aking kamay. Masaya na ako kahit alam ko kung gaano siya umiwas na wag magdikit ang balat namin, hindi ko lubos maisip kung bakit parang takot siya or talaga lang ayaw niya sakin. Alam kung ayaw niya sa pinakikita kung ugali sa kanya dahil narinig ko ang usapan nila sa pantry, pero napapansin kung parang may mali.
"Matutuklasan ko din kung anong bumabagabag sa isip mo." bulong ko sa isip ko." Lahat gagawin ko maging akin ka lang kung kailangan makipag-agawan ako gagawin ko, kung may masagasaan man ako wala akung pakialam." usal niya bago pa niya pinikit ang mga mata.
Isang oras mahigit din ang naging biyahe namin bago kami nakarating dito sa venue isa ito sa pag-aaring hotel ng mga Hernaiz, a five star hotel. Paghinto palang ng sasakyan nauna ng bumaba ang boss ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang black audi, a gentleman epic, inalalay pa ako nito na ikinataas ng kilay ko, pero ngumisi lang ito ng makita ang ginawa ko. Hinapit pa ako nito sa bewang na ikinagulat ko kaya pinalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa bewang ko at sinamaan siya ng tingi.
"Sinisiguro ko lang na andito kalang sa tabi ko" bulong niya sa punong tenga ko na nakapag pataas ng aking balahibo dahil naramdaman ko ang init ng kanyang hininga.
"Tse" angil ko sabay irap sa kanya, napa-smirk naman siya at hinila na ako sa kamay, kung wala pang bumati sa kanya hindi pa bibitiw sa kamay ko.
Maganda ang loob ng venue talagang halatang mamahalin lahat ng makikita mo, madami ding tao na puro mga business elite. Bawat naririnig kung usapan ng mga tao puro tungkol sa negosyo habang nasa tabi ko lang ang boss ko dahil yun ang sabi niya wag daw akung aalis sa tabi niya. Sunod lang ako sunod sa boss ko minsan hinihila ako sa kamay minsan sa siko ako hinahawakan.
"Ohh.. It's nice to see you again Mr. Hernaiz" ani ng isang may edad na babae sa boss ko.
"Hi.. How are you Mrs. Guenteblle? Nice to see you here" ani naman ng boss ko at bumeso pa dito.
"Who's this gorgeous lady? May girlfriend ka na ba?" tanong uli ng babae na nakataas pa ang halos iginuhit na kilay
"This is Margie, she's special to me" ani ng boss ko.
"Anyway kasama ko pala ang aking anak kadarating lang niya from Italy... Ohh here she is" aning maarteng matanda na hindi man lang pinagaksayahang abutin ang kanyang kamay para sana makipag kamay dito.
"Hi Darling, I miss you" ani ng isang babaeng utod ng arte at bigla nalang kumonyapit sa leeg ng boss ko sabay halik sa mga labi nito hindi man lang inalintana na may mga tao sa paligid kaya naman lumayo nako bago ko pa bangasan ng mukha silang dalawa.
Umupo nalang ako sa may bakanteng mesa, nagpalinga-linga pa ako dahil nagugutom nako pero wala naman akung makitang pweden kainin, ni hindi nga ako nakapag kape kanina sa bahay sa kamamadali ko.
"Hi pwedeng maki-share sa table mo" ani ng isang baritunong boses, kaya napatingin naman ako sa may likuran ko. Isang malaking lalaking balbas sarado na may malawak na ngiti ang nakita ko pantay-pantay ang mapuputi nitong ngipin. Gwapo din ito, abuhin ang kulay ng mga mata nito mamula-mula ang makinis nitong kutis. Bagay na bagay ang kasuotan nito, ruggedly look handsome, kaya napa kagat labi siya.
"Okay naba? Pasado naba ako sa panlasa mo? Pwede naba akung umupo?" sunod sunod nitong tanong na may pakindat pa sa kanya kaya napahiya naman siya dito at tinanguan nalang niya.
"By the way i'm Sev." pakilala nito
"Margie" aniya at inabot niya ang nakaumang na kamay nito sa harap niya.
"Who's with you? ani Sev na may malawak na ngiti sa labi.
"My boss, Mr. Alfred Hernaiz" aniko at tinanaw pa ang aking boss na kasama ang maharut na babaing nakunyapit sa braso nito.
"Ohh.. The bastard, ruthless" anito at umiling pa ng ilang beses, mukhang kilala nito ang boss niya.
"Anyway kumain ka na ba" tanong ulit niya. Kaya umiling lang ako sa kanya, nakita kung may tinawag siya, ng mapalingon ako sa ibang mesa may mga nagse-serve nadin ng mga pagkain dun.
"Ket's eat, gutom nako don't mind him, kasama niya yung fiancee niya." maawtoridad na utos nito, kaya kumain nadin ako, wala nakung paki sa boss ko dahil natanaw kung kasama nito yung babaeng kahalikan nito naka-abresyite sa braso ng boss niya na fiancee daw nito.
Masayang kausap si Sev, kaya naman nakapalagayan loob agad niya ito, galing pa daw ito ng Mexico kadarating lang daw nito kagabi.
"Ano naman business mo, mukhang masayado kang busy" tanong ko dito.
"Alcoholic beverage, but more on tequila kaya lagi ako sa Mexico" anito
"Ikaw ba wala ka bang ibang pangarap sa buhay mo, ilan taon ka na ba?" sunod-sunod na tanong nito sakin
"Someday i wish na makapag tayo din ako kahit na mallit na negosyo, 22 ko palang ikaw ba ilan taon mo na" aniko, nakita kung tumango tango siya
"Ako, 28 ko na next week" aniya
"Advance happy birthday, siguro may asawa ka na?" aniko pero nakita kong biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya, sabay iling.
Masaya kaming naguusap ni Sev. ng mag salita ang EMCEE, ipinakilala nito ang isang pamilya na kilalang ipinaka magaling daw na business tycoon sa boong mundo, presidente daw ito ng business industry sa boong Asia at Europa kaya naman pala naparaming mayayamang tao ang mga dumalo, pero semi-casual lang ang tema ng okasyon. Aalis din daw ang mga ito mamayang hapon ayun pa kay Sev.
Nakita niyang papalapit sa gawi nila ang Ginang na napapalibutan ng apat na guardya matamis na nakangiti ito, nakatingin sa kanya, kaya napatayo sila ni Sev ng makalapit ito sa mesa nila. Tiningnang siya nito mula ulo ang hanggang paa na nakangiti na parang bang matagal na siyang kilala nito. Nagpakilala pa eto sa kanila bago bumeso sa kanya ganun din ang ginawa nito kay Sev.
"You look familiar iha you looked like him, sayang wala siya dito" anito na may malawak na ngiti sa mga mapupula nitong labi pansin niyang hindi matatas managalog ang Ginang.
Habang ang mga camera naman ay nagkikislapan sa harap nila ng Ginang kaya todo tago niya sa may kili-kili si Sev para hindi makuhanan ng picture ang kanyang mukha.
"Don't be shy Margie" anas ni Sev sa kanya, at hinapit pa siya nito sa bewang, kaya naman napagkamalan pa tuloy silang magkasintahan ng Ginang.
Napansin niyang nababawasan na ang mga tao sa bulwagan pagkaalis ng pangulo ng samahan ng mga negosyante kasama ang buong pamilya nito, kumayaw pa sa kanya ang Ginang bilang pagpapaalam ng mapatapat ito sa kanila ni Sev, gumati lang siya ng mabining ngiti saka yumukod ng bahagya bilang pag-galang dito, ganun din ang ginawa ni Sev.
Habang kasama niya si Sev ipinakikilala siya nito sa mga taong bumabati dito. Ini-scan ng mga mata niya ang boong bulwagan kung asan naba ang boss niya pero hindi na niya nakita ito.
"Let's go ako na maghahatid sayo mukhang kinalimutan kana ng boss mo" aya na ni Sev sakin dahil hindi ko na kasi makita ang boss ko, pawala na din ang mga tao. Hinila na niya ako sa kamay papunta sa kung saan naka-park yun sasakyan niya, isa yun red 2020 Ferrari SF90 Stradale kaya napanganga ako alam kung mahal yun dahil mahilig akung mangulekta ng mga picture ng mga sports car.
"You like it" tanong niya sakin bago pako nakasakay ng sports car niya.
"Ang ganda, mahal ang ganito salamat sa pagpapasakay" ani ko, nginitian lang niya ako.
"Marunong ka bang mag-drive Margie" tanong niya sakin.
"Oo may sasakyan kami dati" aniko
"What if may magregalo sayo ng sasakyan tatangapin mo ba, halimbawa boyfriend mo o manliligaw mo?"
"Sa panahon ngayon wala ng matinong taong magreregalo sayo ng sasakyan ng walang hinihinging kapalit, mahirap kumita ng pera, hindi yun pinupulot lang kung saan." aniko sa kanya, kaya natahimik siya.
"Ah Sev matagal mo nabang kilala yung Ginang na lumapit satin kanina yung asawa ng presidente ng business organizations" tanong ko sa kanya napansin ko kasing parang bigla siyang natahimik.
"Hindi gaano sila Daddy ang may kilala sa kanila kaya nga nagtataka ako nilapitan ka niya kanina."
"Hindi ko kasi naintindihan yun ibig niyang sabihin kanina, parang may kahulugan" aniko at nilingon siya.
"Oarang kilala ka niya, lagi kabang sinasama ni Al sa mga parties or business meeting niya, baka na-met mo na siya before." tugon nama niya.
"Pangalawa palang ito" aniko.
"Actually hindi naman sila talaga ang presidente, vice president lang sila, nagbitiw yun dating presidente dahil madami daw nagpapangap na mga anak nun matanda, pero pag dinaan na daw sa DNA test bagsak lahat, kilala kasing playboy dati nung kabataan niya madami daw naanakan at hinahanap na daw yun mga anak dahil mahina nadin yun matanda, kaya umiiwas nadin sa media." mahabang paniwanag nito.
"Ganun ba, ibig mong sabihin mas mayaman yun matanda kaysa sa presidente ngayon?" tanong niya dito.
"Oo sila daw yun pinakamayaman, magaling kasi sila sa business, marami silang nagkalat na negosyo saan man parte ng mundo, mga investment"
"Wow ang galing naman ng utak nila pag-dating sa negosyo" aniko at tumawa pa ako ng mahina, kaya nakitawa nadin si Sev.
Sa isang oras mahigit namin biyahe hindi ko namalayan nasa tapat na kami sa building kung saan ako ng oopisina. Hindi ko na tuloy naitanong kung matagal na ba silang magkakilala ng boss ko.
"Maraming salamat sa paghatid" wika ko at matamis siyang nginitian.
"Walang anuman, alagaan mong mabuti boss mo" anito at kumindat pa kaya natawa nalang ako.
Kanina ko pa gustong umalis kung hindi lang sa mag-inang baliw na kasama ko ngayon hindi ko sana iiwan ang secretary ko. Alam ko kung iiwanan ko ang mga ito may hindi magandang mangyayari kaya tiniis ko nalang na nakadikit na parang linta ang mga ito sakin. Hindi ko na napansin si Margie kung saan na magpunta.
"Mrs. Guenteblle sino po bang kasama ninyong nagpunta dito, ahh-mauna napo ako may meeting pa po akung dadaluhan" aniko at inalis na ang mga kamay ng anak nitong parang tuko kung makakapit sakin. Kailangan kung gumawa ng kasinungalingan para makaalis dito
"Darling sasama ako sayo, namiss kita" anito.
"Sige na iho isama mo na si Aletha ako ng bahala sa sarili ko dito" ani pa ng ina nito kaya mas lalo pa akung naiinis.
"I have to go na mala-late nako" aniko sabay baklas ng mga braso nitong nakapulupot na naman sakin at tumalikod nako at nagmamadali ng sumakay sa elevator na hindi pinakingang ang tawag nilang mag-ina. Pinindot ko ang button pataas, dahil hindi naman talaga ako aalis baka hintayin ako ni Margie ibang klase pa naman yun magalit.
Pagkaraan ng halos kalahating oras tinawagan ko ang isang staff ko para alamin kung nakaalis na ang mag-ina. Para makabalik na ako sa venue.
Nilibut ko ang boong venue para hanapin si Margie ng masiguro kung wala na ang mag-ina, kunti nalang ang mga tao kaya alam kung madali ko nalang siyang makikita, pero sa kasamaang palad iba ang nakita ko.
"Mr. Hernaiz" tawang ng mga kakilala kung mga negosyante din. Nakasama ko ang mga ito sa isang convention.
Kung hindi lang nakakahiya kanina ko pa gustong iwan ang mga ito, kasama pa ang mga asawa nila. Mabait kasi sila sakin maging ang mga asawa nito magiliw din sa bisita. Tumingin nalang ako sa tv na nasa wall malapit samin mahina lang ang sound nun. Maya maya pa nanglaki ang aking mga mata ng nag-flash ang isang entertainment news sa tv, kitang-kita ko si Margie na halos makipagyakapan na sa lalaki habang kausap ng asawa ng presidente ng business industry, kilalang-kilala ko siya kahit halos hindi makita yun mukha niya, nakipag-beso din ito sa Ginang na para bang matagal ng magkakilala. Kilala ko din ang lalaking kasama nito, si Sevees Vincent Alonzo. Mauulit na naman ba ang nangyari six years ago. Bulong ko sa isip ko kaya naikuyom ko ang aking palad.
.......................................................
...please follow my account and add my stories in your library...
......"Lady Lhee"....
thanksguys..loveu...lrs.