Buong gabi hindi okay si Astriece, masama talaga ang pakiramdam niya at nilalamig pa nga siya. Nagawa niyang patayin ang aircon kagabi at naka-ilang patong siya ng kumot. Hindi na ito bago sa kanya, dahil nagkakasakit talaga siya ngayon ng dahil sa sobrang pagod, lalo na hindi siya sanay na ganito ang ginagawa niya. Iniisip ni Astriece na ngayon lang niya naranasan ang maghirap at akala siguro ng magulang nila ay ayos sila. Halos hindi na nga sila magpansinan sa buong araw at lagi siyang iniiwasan ni Persius. Pero ngayong magising siya sa pagkakatulog niya kagabi, gulat siya ng may maramdaman siyang isang bimpo. Maging ang mukha niya ay natapatan ng sinag ng araw, kahit na wala naman siyang nararamdaman na ganito sa umaga. Minulat niya ang kanyang mga mata at nakitang bukas ang binta

