PAINFUL LOVE 10

1029 Words
Ilang oras ng naiinip si Astriece at hanggang ngayon ay wala pa rin ang iniintay niya. Nagawa niyang tumayo at hinipo niya ang ulam at malamig na, kaya naman nilagay niya ito sa microwave. Nakakunot ang noo niya at nakataas ang isang kilay, damang-dama niya ang inis pero wala siyang magawa. Kailangan niyang magtyaga dahil magpapakitang tao lang siya sa dalaga. Habang hinihintay ni Astriece, hindi niya maiwasan na mapahawak sa lababo na malapit sa lamesa. Hinipo niya ang kanyang leeg at nag-aapoy na siya sa lagnat. Medyo mainit na rin ang paghinga niya at ang mata niya ay mainit din. Hindi naman na ito bago kay Astriece dahil sa palagi siyang nagkakasakit. Simula ng maging asawa niya si Persius ay hindi na siya nagpapagamot sa hospital o kaya inaalagaan ng mga private doctor nila sa bahay. Palibhasa ay ayaw niyang malaman o makarating sa pamilya nila na hindi siya inaalagaan ni Persius. Kaya si Astriece na lang ang gumagawa ng paraan para gumaling siya. Kinuha niya ang pagkain at mainit na ito ulit. Sakto naman ang dating nila at bumukas ang pinto at nakita niya si Kenney at Persius. Hindi alam ni Astriece kung bakit bigla siyang nahiya at kinawayan niya ang dalawa. Ayaw niyang ipakita kay Persius na may masama siyang balak kay Kenney sa mga susunod na araw. "Pwede bang sabay-sabay na tayo kumain? Pasensya ka na hindi ako marunong magluto," sambit ni Astriece at nginitian siya ni Kenney. Ang ngiti nito ay puro at walang halong galit o inis. Talagang puno ng kabutihan ang kalooban ni Kenney, kaya rin siya ginusto ni Persius. "No need, kumain na ka-" hindi naituloy ni Persius ang nais niya ng hablutin siya ng kasintahang si Kenney. Napilitan itong umupo sa upuan at pinaghain siya nito ng pagkain na nakahain sa lamesa. "Salamat Astriece," pagpapasalamat ni Kenney at medyo nainis pa nga ito dahil sa binanggit ang pangalan niya. Pigil na pigil ang inis niya habang tahimik silang kumakain, wala rin siyang gana ng dahil sa masama talaga ang pakiramdam niya. Ayaw ni Astriece na hindi kumain, kaya pilit siyang kumain ng pagkain na kanyang hinanda. "Let's finish this, I want to sleep," ani ni Persius at hindi naman nagsalita si Kenney. Na-i-kuyom ni Astriece ang kanyang isang kamay at humigpit ang hawat niya sa tinidor. Parang isang bulang nawala ang dalawa sa harapan niya at hindi pa nga na-u-ubos ang pagkain na hinain niya. Nais niyang ibato ang mga ito, pero hindi niya magawa. Humawak siya sa kanyang sintido dala ng sakit ng ulo at pati na rin ang mainit na pakiramdam. Inilagay niya sa basurahan ang lahat ng natirang pagkain at pilit niyang inilagay sa lababo ang lahat ng plato, pero sa hindi inaasahan ni Astriece, ang panghuling plato ay nabasag niya. Nagising ang diwa ni Astriece at nais niyang kuhanin ang plato, pero hindi niya magawa. Baka bigla siyang matumba at mas lalong lumala ang sakit niya. Kukuhanin na sana ito ni Astriece ng bigla siyang magulat ng may biglang pumulot no'n at nakita niya si Kenney. Kinukuha niya ang mga maliliit o malalaking basag na plato. Napansin din ni Astriece na hindi man lang ito gumagamit ng walis, talagang kinakamay ni Kenney. Kaya naman hindi maiwasan magulat ni Astriece ng makita niya si Persius sa kanilang harapan at nakakunot ang noo sa kanya habang ang isang kilay naman ay nakataas. Bigla nitong tinuon ang sarili sa kasintahang si Kenney at tinulungan sa kanyang ginagawa. "You don't need to do this, siya ang nakabasag kaya siya ang magpulot. May kamay siya Kenney, umakyat ka na sa itaas at matulog," inis na sambit ni Persius at parang isang bata si Astriece na walang magulang at laging kinakawawa ng tiyuhin. Samantalang hindi nagpatinag si Kenney at kinuha pa rin niya ang mga bubog sa palag at itinapon sa basurahan. Hindi nito pinakinggan ang sinabi ni Persius, bagkus ay winalis pa nga niya ito pagkatapos. Kitang-kita ni Astriece ang ginagawa ni Kenney at iniisip niya na nagpapasikat lamang ang babaeng ito at may baho rin na tinatago. Biglang nakaisip ng hindi maganda si Astriece at iyon ay palalabasin niya ang masamang ugali nito, kahit na kabaligtaran naman ang ugali ni Kenney sa sinabi niya. "Ayos ka lang ba? Pwede ka na magpahi-" hindi naituloy ni Kenney ang sasabihin niya ng hawakan niya ang braso ni Astriece. Nag-aapoy ito sa lagnat at nagawa rin nitong hipuin ang kanyang noo. Doon napagtanto ni Kenney na talagang nilalagnat si Astriece at napakainit niya. Hindi naman makapagreact si Astriece at alam niyang alam na ni Kenney na nilalagnat siya. Hindi na mabuka ni Astriece ang bunganga niya at parang umurong ito bigla. Masakit na ang kanyang katawan at parang tutumba na siya kanina pa. Hindi piannsin ni Astriece kung naka-alalay sa kanya si Kenney, parang bingi siya at walang maintindihan. "Nilalagnat ka?" hindi makapaniwalang sambit ni Kenney at tumingin ito sa kasintahang si Persius. Walang emosyon si Persius at kahit na ito ang unang beses niyang narinig na nilagnat si Astriece ay wala naman ito sa kanya. Hindi ito nagreact at nakatingin lamang sa kanila at tanging si Kenney lang naman ang iniintay nito para makapagpahinga na sila at pagod din siya sa trabaho. "Persius, nilalagnat si Astriece," sambit ni Kenney, pero hinawi lang ni Astriece ang kanyang kamay na naka-alalay sa kanya. Sa ngayon ay talo siya, ayaw na muna niyang makipagtalo rito at kapag okay na siya bukas ay gagawin niya ang nais. Naglakad si Astriece papunta sa hagdan at hahawakan na sana siyang muli ni Kenney, pero pinigilan niya ito. "Kaya ko ang sarili ko," seryosong sambit ni Astriece, pero talagang matigas din ang ulo ni Kenney at isinukbit niya sa leeg ang braso ni Astriece at umakyat sila sa kwarto nito. Gulat na gulat si Astriece sa ginawa sa kanya ng dalaga, ayaw niya rito, pero ngayon ay hindi siya maka-angal. Inayos ni Kenney ang magulo niyang kama at saka inalalayan siyang humiga. Lumabas na si Kenney at agad ni-lock ni Astriece ang pinto at alam niyang papasok nanaman ito. "Astriece, buksan mo ito at pupunasan kita," rinig niyang sambit ng dalaga, pero nagbingi-bingihan lamang siya at pilit na natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD