PAINFUL LOVE 09

1030 Words
Masakit ang ulo ni Astriece at nakatulog siya bigla. Hindi niya alam kung paano siya babangon ng walang katulong. Ramdam niya ang bigat ng katawan at nilalagnat na siyang maigi. Kasunod no'n ang tunog ng kotse na nakaparada sa kanilang garahe. Kaya naman pilit na tumayo si Astriece at lumabas sa ka yang kwarto. Ginawa niyang alalay ang pader ng sa gano'n ay hindi siya matumba sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam at sa nahihilo niyang ulo. Bumaba si Astriece sa hagdan ng dahan-dahan at kumapit siya sa hawakan. Nang makababa siya ay sakto naman ang pagpasok ng kanyang asawa. Nginitian niya ito, pero tulad ng inaasahan niya ay wala siyang emosyon. Nilagpasan lang siya ni Persius at kumirot ang dibdib ni Astriece. Kinagat niya ang kanyang labi at pinipigilan ang sarili na hindi mapaiyak. Narinig niya ang yabag ng sapatos nito na pa-akyat sa itaas ng kwarto niya. Hindi alam ni Astriece kung paano niya sasabihin ang nais niya, kasi hindi niya ito gusto. Ayaw talaga niyang dumating sa punta na maghiwalay sila. Tumalikod si Astriece at tumingin kay Persius na malapit ng makarating sa kanyang kwarto. "Sandali!" sigaw ni Astriece at natigilan si Persius, pero hindi ito lumingon. "Importante ang sasabihin ko, makikipagdivorce na ako," ani ni Astriece at nasaktan si Astriece ng makita niya ang ekspresyon nito. Parang sobrang saya ni Persius at bumaba ito ng hagdan. Sa ginawa nito, halata na ni Astriece na gustong-gusto na talaga ni Persius na makipaghiwalay sa kanya. Lumunok ng laway si Astriece at nais niyang umiyak ng sobra at hindi niya matanggap na gano'n lamang kadali sa asawa niya na iwan siya. "What did you say?" tanong nito at ngumiti siya ng tipid. "Divorce ang gusto mo hindi ba?" tanong ni Astriece at kumunot ang noo ni Persius, tila hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Isa lang ang hihilingin ko," duktong ni Astriece at hinihintay naman siya ni Persius na sabihin ang gusto niya. "Gusto kong dito tumira si Kenney sa loob ng isang taon kasama ka." Sabay tingin ni Astriece sa ibang bagay. "What! I won't allow that Astriece, anong binabalak mong isipin? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Tumawa bigla si Astriece ng marinig niya ang sinabi ni Persius. Gusto niyang umiyak, pero hindi naman niya magawa. Talagang nasisiraan na siya ng ulo at hindi na niya alam kung paano nga siya mamahalin ng taong ito. "Bakit ayaw mo? Isang taon lang ang hinihiling ko, iparamdam mo naman sakin na asawa mo ako." Hindi na napigilan ni Astriece ang umiyak at nangangatog ang kanyang mga tuhod. Nilalagnat kasi siya at sobrang sama ng pakiramdam niya. Lalong sumama ito ng dahil sa usapan niya ni Persius na alam naman niyang hindi rin ito papayag sa nais niya. Muntik ng madulas si Astriece, buti na lang ay nasalo siya bigla ni Persius. Laking gulat nito ng saluhin siya ng kanyang asawa. Ito ang unang beses na ginawa ni Persius ang mga bagay na ayaw niyang gawin noon. Kaya naman parang nagising ang diwa ni Astriece at inalalayan siya nito sa sofa para umupo. "It's a promise Astriece, isang taon lang ang hinihingi mo," tugon ni Persius sa kanya at ngumiti ng tipid si Astriece at panay ang tango niya. Tumayo naman si Persius at hindi niya maiwasan ang magtaka. Hindi niya alam kung bakit lalabas nanaman ito sa pinto ng kanilang bahay habang hawak-hawak ang susi. "W-where are you going?" tanong ni Astriece at nilingon siya sa pagkakataong ito. "Susunduin ko si Kenney." Sabay labas ng pinto. Biglang bumuhos ang luha ni Astriece at tumawa siya ng mahina. Hinawakan niya ang kanyang ulo habang nakaupo sa sofa. Kumikirot iyon maigi at maging ang puso niya ay parang tadtad ng karayom sa sakit. Hindi alam ni Astriece kung ano ang pinaggagagawa niya, basta gusto lang niya maranasan na mahalin siya ng asawa. Kung si Kenney lang pala ang paraan, para maagaw niya ito ay kanyang gagawin. Kahit na hindi niya intensyon ang sinabi niya kanina sa asawa. Sa totoo lang ay walang jntensyon si Astriece na hiwalayan ito. Kaya naman hindi niya maiwasan ang matawa na mahulog sa patibong si Persius at maging si Kenney ay mahuhulog din sa patibong niya. Huminga siya ng malalim at humiga sa sofa habang hinihintay ang dalawa. Kahit papaano ay naging okay pa rin ang pakiramdam niya, atleast ngayon ay palagi niyang makikita ang asawa. Masakit man sa part niya na kasama si Kenney, pero para sa kanya ay okay lang iyon. Ito na lang ang gagawin niyang pain para makuha niya ang nais niyang pagmamahal. "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima," bilang ni Astriece habang nakatingin sa pinto. Hindi malaon na ang babaeng ayaw niya at kinaiinisan ay titira sa pamamahay nila. Nasabunutan ng mahina ni Astriece ang sarili niya at pinunasan niyang maigi ang kanyang mga luha. Baka mamaya ay makahalata ang dalawa sa kanya na siya ay umiyak. Kaya naman tumayo si Astriece at naisip niyang initin ang mga pagkain na nasa fridge nila. Kahapon lang niya ito binili at sure na hindi pa naman sira. Pilit na tumayo si Astriece habang inaapoy na siya ng lagnat. Lahat ng pagkain na hindi nila kinain ay agad niyang nilagay sa microwave. Gusto niyang makasabay na kumain ang mga ito, lalo na si Persius. Kasi kung sabay-sabay silang kakain ay ito ang unang beses na makakasabay siya sa asawa. Hindi mapigilan ni Astriece ang kiligin sa kabila ng kanyang nararamdaman. Kahit na puno ng sakit at hinanakit ang dibdib niya ay nagawa pa niyang kiligin. Talagang ginandahan ni Astriece ang pagserve ng pagkain, kahit na muntik na siyang matalisod. "I think this is enough," mahina niyang sabi at ngumiti naman siya habang tinitignan ang pagkain. Naglakad na siyang muli sa sofa at masakit na ang kanyang paa, medyo napapangiwi na sila, kaso kailangan niyang indahin. Sumandal siya sa sofa at nag-iisip ng mga bagay na kailangan niyang gawin. Lalo na makakasama na niya sa loob ng bahay ang taong kinaiinisan niya. Mapagmamasdan na rin ni Astriece ang itsura nito at kung ano ang talagang nagustuhan ng asawa niya kay Kenney. Pumikit sia sandali at huminga ng malalim at inalis ang mga kanyang lalim na iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD