Nakamasid lamang si Brixter kay Astriece habang masaya itong naglalaro sa dagat. Napakalinaw nito at kulay puti pa ang mga buhangin. Hindi niya akalain na hanggang ngayon ay ganito pa rin ang kaibigan niya. Hanggang ngayon ay nagtitiis pa rin siya kay Persius na hindi naman talaga siya kayang mahalin.
Kapag naiisip ni Brixter na minahal niya si Astriece noon, wala naman siyang pinagsisishan. Sadyang hindi lang talaga siya minahal ng dalaga at talagang kaibigan lang talaga. Kaya umalis si Brixter at nahanap naman niya ang kasiyahan niya, ikakasal na rin siya at masaya siya doon. Kaya naman hindi maiwasan ni Brixter ang mag-alala, lalo na sa unang pagkikita nila ay ganito na agad ang bungad sa kanya.
"Halika! Magsaya ka rin!" sigaw ni Astriece at umiling si Brixter. Gusto niyang pagmasdan lang si Astriece habang masaya siya sa ginagawa niya.
"Ikaw na lang, hindi naman ako bata," biro ni Brixter at sinamaan siya ng tingin ni Astriece.
Mag-isang naligo si Astriece at mas lalong lumalakas ang ulan. Kaya mas lalong natutuwa si Astriece at hinihintay lamang ni Brixter na magsawa ito at sure siya na lalagnatin ito pagkatapos. Bigla naman tumunog ang cellphone ni Brixter at nakita niya ang pangalan ng fiance niya. Kaya naman hindi niya alam ang gagawin, walang nagawa si Brixter kung hindi sagutin ito at basa na rin ang cellphone niya.
"Brixter, nasaan ka? Napakalakas ng ulan," tanong nito sa kanya at tumawa naman siya bigla.
"Pupuntahan mo ba ako rito? Kasama ko si Astriece at may problema siya, pumunta ka sa beach," masayang sabi ni Brixter at pinatayan siya ng tawag.
Maging siya ay napabuntong hininga na lamang at nais niyang maging masaya ito. Pero mukhang malabo talaga, hanggat hindi siya natatauhan kay Persius. Nilapitan ito ni Brixter at umupo siya sa buhangin kung saan mababasa pa rin siya ng alon.
"Magkakasakit ka na mamaya," ani ni Brixter at mukhang napagod si Astriece. Umupo na rin ito sa tabi at hinihingal pa nga habang basang-basa ng ulan.
"Ano kaya ang sasabihin ng family namin kung makikipaghiwalay ako sa future?" sambit ni Astriece at tumawa ito na parang hindi pa bukal sa loob niya.
"Mukhang si Persius ang kawawa, sure ako na sisisihin 'yon. Okay lang 'yon, atleast hiwalay na kayo." Tumawa ng sabay ang dalawa ng dahil sa sinabi ni Brixter. Para silang baliw habang iniisip ang sinabi nito, kasunod no'n ang isang anino at may tumatakbo.
"Bakit ka naliligo!" sigaw ni Brixter at isang magandang babae rin ang dumating at umupo sa tabi nila.
Pinagmasdan ni Astriece ang dalagang nasa tabi ni Brixter. Napakaganda nito at mukhang may lahi, namangha si Astriece ng ngitian siya nito at ilahad ang kanyang kamay.
"I'm Desiree Merile, Brixter's fiance," pagpapakilala ng dalaga at tinaggap naman ito ni Astriece at ayaw niya g maging bastos sa kasintahan nito kahit na wala siya sa mood.
"Astriece Euryce Belarine," tugon ni Astriece at tipid siyang ngumiti, habang silang tatlo ay naliligo sa ulan.
"Uuwi na rin ako, gusto ko magpahinga. Balitaan n'yo ako at dadalo ako sa kasal n'yo," masayang sambit ni Astriece at hindi niya maiwasan na mainggit ulit.
Halatang masaya sila at siya naman ay nagdurusa. Nagpaalam na si Astriece at dala-dala niya ang kanyang bag at basang-basa na rin iyon ng ulan. Kahit na gano'n ay masaya pa rin siya at nakaligo siya sa ulan sa unang pagkakataon, nagawa rin niyang ilabas kahit papaano ang mga luha na matagal na niyang gustong ilabas.
Sumakay si Astriece ng basang-basa at hindi niya iyon inisip. Basta gusto niyang makausap si Persius ng sa gano'n ay malaman niya ang sagot nito. Masakit sa part ni Astriece, pero kailangan naman niyang gawin. Nagmaneho siya ng sasakyan habang nilalamig ang katawan. Pinatay niya ang aircon ng sasakyan at medyo nanginginig sa sobrang lamig.
Hinawakan ni Astriece ang kanyang isang braso at hinimas-himas. Madaling-madali siya na makauwi at gustong maligo at makapagbihis. Isang oras ang lumipas ng marating niya ang kanilang bahay. Bumaba agad si Astriece at tumakbo sa kanya kwarto at pumasok sa banyo.
Agad siyang naligo at tinanggal niya ang basang damit na nabasa ng ulan. Amoy tubig ulan din ito at agad niyang sinabon ang sarili at hindi naman nagtagal, dahil parang medyo sumasama na ang pakiramdam niya. Tinapos agad ni Astriece ang pagligo at humiga sa kama. Isa na lang ang iintayin niya, ang dumating ang asawa niya.
"Do I need to do this?" tanong ni Astriece sa sarili at nakamasid sa kisame. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin, pero masakit na talaga sa dibdib niya.
Nais lang naman niyang mahalin siya, pero hindi talaga niya makuha-kuha ang pagmamahal na gusto niya. Panay silip siya sa pinto at gusto niyang tumayo, pero hindi na niya magawa. Masakit na ang kanyang likuran at panay ang hikbi.
Biglang naisip ni Astriece si Brixter at maging ang kanyang kaibigan na may gusto sa kanya noon ay nahanap din ang kasiyahan nito sa iba. Naisip niyang baka hindi rin si Persius ang para sa kanya, pero hanggat mag-asawa sila ay gusto pa rin niyang ipilit na kaya siyang mahalin nito. Hindi niya maiwasang mainggit at mukhang masayang-masaya silang ikakasal at maging si Van ay gano'n din.
Kaya naman isip ni Astriece na pinagkaitan talaga siya ng mundo. Nasa kanya na ang lahat, pero hindi siya masaya dahil parang walang nagmamahal sa kanya. Sinubukan niyang magpagulong-gulong sa kama ng sa gano'n ay mawala papaano ang sakit ng kanyang katawan.
"I like you, I really do," mahinang sambit ni Astriece at pumikit siya at inisip na hanggang sa imahinasyon na lang ata niya makakasama si Persius.
Kapag naaalala niya ang mga ngiti ni Persius kanina ay nagseselos siyang maigi. Gusto rin niya maranasan na ngitian siya ng asawa at iparanas na mahal siya. Kaya naman inggit na inggit si Astriece at gustong maging si Kenney. Kinuyom ni Astriece ang kanyang kamay at talagang nag-iinit ang kanyang ulo. Gusto niyang gumanti at gusto niyang makuha ang dapat na sa kanya at hindi para kay Kenney.
Mariin niyang pinikit ang mga mata at nakatulog si Astriece ng dahil sa sama ng loob at sa pag-iyak niya.