Umupo sa gilid ng bato si Astriece, hindi niya alintana kung mapuno ng buhangin ang kanyang suot. Basta magawa niya ang gusto niya at minsna pa nga ay nababasa na siya ng tubig dahil nakaupo talaga siya malapit sa dagat. Ang mata niya ay nakatingin sa ganda ng kalangitan at hindi naman gano'n kainit. Kaya sobrang gaan talaga sa pakiramdam ni Astriece at mukhang hindi siya nagkamali ng pinuntahan.
Binuksan naman ni Astriece ang kanyang bag at doon niya naalala na may mga biscuit siya sa bag. Palibhasa ay palagi siyang gutom sa tuwing hinahagilap niya si Persius. Sa ngayon ay nakita na niya ito at napakasaya sa piling ni Kenney.
Sa hindi inaasahan ni Astriece, isang tao ang umupo sa tabi niya at hindi niya maiwasan na lumayo ng ko'nti. Nakakunot pa nga ang noo niya at ang isang kilay ay nakataas, pero ng itunghay niya ito, laking gulat ng makita niya ito sa harapan niya.
"Brixter Grainger?" hindi makapaniwalang sambit ni Astriece at tumango ito sa kanya.
Sa pagkakataong ito na hindi inaasahan ni Astriece, nakita niya ang isa pa nilang kaibigan ni Farrah. Galing ito sa ibang bansa at ngayon ay nasa harapan na niya ang kaibigan niyang tatlong taon na rin nilang hindi nakasama. Pinagmasdan ni Astriece ang kaibigan at sobrang laki rin ng pinagbago nito.
Lumaki lalo ang katawan at medyo pumuti ng ko'nti. Habang ang kanyang buhok ay nagbago na rin, dati kasi ay nakatayo ito at ngayon naman ay parang buhok ng koryano. Namukhaan ito agad ni Astriece dahil hindi naman niya makakalimutan ang mukha ng kaibigan. Kaya naman tumawa si Astriece at saktong-sakto ang dating nito dahil wala siyang karamay.
"Kumusta ang buhay may asawa?" tanong ni Brixter at bumuntong hininga si Astriece at hindi tinignan sa mga mata si Brixter. Malungkot talaga siya at nakamasid lang sa kalangitan at minsan naman ay sa dagat.
"Gano'n pa rin, wala pa rin nagbago," sagot ko at nakita ko naman na tumingin siya sa akin.
"Bakit kasi ayaw mo pa hiwalayan? Matigas din ang ulo mo," sambit niya at tumawa ako at ngumiti.
"Nagbabalak na rin ako," sagot ni Astriece at kumunot ang noo ni Brixter. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaibigan at mukhang mali lang siya ng pandinig.
"Tigilan mo nga ako Astriece, hindi ka nga makabitaw-bitaw kay Persius. Bago ngayon sasabihin mo makikipaghiwalay ka na?" pilosong sabi ni Brixter at ngumiti lang si Astriece.
"Buti alam mo, gusto ko gumawa ng paraan paano mapapalapit kay Persius. Kahit sana maramdaman ko naman na okay kami, bago ako bumitaw," sambit ni Astriece.
"Simple lang 'yan, bakit hindi ka makipagdeal sa kanya kahit isang taon o ilang buwan. Kapag hindi ka pa rin niya minahal, it's time to let go and make time for yourself," payo ni Brixter at sumikip ang didbib ni Astriece.
Mukha namang tama si Brixter at napagtanto rin iyon ni Astriece. Iniisip niya na iyon lang din naman ang paraan para mapalapit siya ng tuluyan kay Persius. Pero gustong-gusto niyang agawin si Persius ng sa gano'n ay siya na ang mahalin nito. Kinagat ni Astriece ang kanyang labi at talagang desidido na siya sa kanyang naisip. Kung kailangan niya gamitin si Kenney ay gagawin niya.
"Kung noon ka pa bumitaw, baka sakaling ako na ang mahal mo," biglang saad ni Brixter at tumawa ito at humawak sa kanyang noo.
"Pero noon lang iyon Astriece, kaya nga ako lumayo sa iyo ng sa gano'n ay makalimutan kita. Hindi man kita nakalimutan hanggang ngayon, pero masasabi ko na hindi na kita gusto," kwento ni Brixter at humigpit ang hawak ni Astriece sa kanyang suot na damit.
"Nahanap ko na kasi ang kaligayahan ko, sana mahanap mo rin ang sa iyo. Subukan mong hanapin sa iba, baka hindi talaga si Persius ang para sa iyo." Dahil sa sinabi ni Brixter, ang luha ni Astriece ay parang gripo sa sobrang daming luha ang kanyang inilalabas.
Ramdam ni Astriece ang sakit at hinanakit na dinadamdam niya sa loob ng ilang taon. Kung tutuusin ay hindi lamang tatlong taon, dahil simula high school at college ay gusto na niya ito, kaso hindi nga siya ang gusto.
Panay ang iyak ni Astriece at hindi na niya ito kayang pigilan pa. Sa unang pagkikita ulit nila ni Brixter ay ito agad ang bungad niya. Wala na siyang maisip at desperada talaga na mahalin. Panay ang hikbi niya habang si Brixter naman ay naka-alalay sa kanya habang ang likod ay hinihimas.
"Gusto ko lang mahalin ako, ano bang mahirap do'n?" tanong ni Astriece at bumuntong hininga naman si Brixter.
"Ikaw ang may problema, h'wag mo na ipilit kung hindi ka niya mahal. Tandaan mo ito Astriece, alam mo na may kasintahan siya noon pa, kaya h'wag na tayo maglokohan." Parang sinasaksak ang didbib ni Astriece at tumayo siya habang umiiyak.
Naging alerto si Brixter at maging siya ay kinabahan, baka mamaya ay may gawing kalokohan si Astriece. Kaso bigla namang umulan at nataranta lahat ng tao, pero si Astriece ay nakatayo lang at hindi na makita ang pag-iyak niya ng dahil sa laki ng patak ng mga ulan at sa lakas nito.
"Astriece! Dalian mo umuulan na!" sigaw ni Brixter, pero hindi iyon inintindi ni Astriece. Gusto niyang maligo sa ulan at ngayon lang niya ito naramdaman.
Ayaw niya noon sa mga patak ng ulan ng dahil sa ayaw niyang nababasa siya, pero ngayon ay natutuwa siya. Naisip ni Astriece na masarap pa lang maligo sa ulan, lalo na kung malungkot ka. Ang mga luha na tutulo sa iyong mga mata ay hindi makikita ng kahit na sino man. Ngumiti si Astriece at basang-basa na sila ni Brixter sa ulan.
"Pwede bang kahit ngayon lang? Gusto kong maligo sa ulan, gusto ko maging masaya kahit saglit lang," sambit ni Astriece at silang dalawa na lang at ang iba ang natitira.
Naligo na rin ang iba sa ulan dahil masaya naman talaga. Dinama ni Astriece ang tubig ulan at ngayon ay may tyansa siyang umiyak nang umiyak. Gano'n nga ang ginawa ni Astriece at nakita ni Brixter ang babaeng minahan niya noon, pero hindi na ngayon. Nagpaubaya na rin siya dahil alam niyang kahit kailan ay hindi rin siya kayang mahalin nito. Kaya naman hinanap niya ang kasiyahan sa iba at nagawa naman niya.