PAINFUL LOVE 06

1031 Words
Hindi maiwasan ni Van na pagmasdan ang asawa ng kanyang boss. Kita niya kung gaano ito kalungkot at sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay hindi man lang nagbabago ang ekspresyon nito. Palagi niyang nakikita na pilit at tipid ang mga ngiti na kanyang pinapakita sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kanina ay nakaramdam ng awa si Van, kahit na maging siya ay ayaw sa ugali ni Astriece. Kaso hindi pa rin niya kayang kamuhian ito dahil may rason din naman siya. Pero ang ayaw lang ni Van ay kung anong bait ni Kenney ay siya namang kabaligtaran ni Astriece. Sa totoo lang ay masama ang ugali ni Astriece at mahilig siyang manlait, lalo na kapag may mga bagay siyang kinainisan. Hindi rin siya marunong magsaing at magluto, kaya puro siya bili ng pagkain sa labas. Sa sobrang tahimik nila habang kumakain, hindi alam ni Van kung ano ang dapat niyang gawin. Maging siya ay nabibingi, kaya naman tinignan niya si Astriece na tulala habang nakatingin sa pagkain. Agad tinapik ni Van si Astriece at naiilang pa nga siya sa kanyang ginawa. Kaso hindi naman niya pwedeng hayaan na hindi ito kumain at titigan ang pagkain niya. "Ms. Astriece, may problema ba?" tanong ni Van, kahit alam ni Van na may problema ito at hindi naman siya nawawalan ng problema pagdating sa kanyang boss. "Do you have a girlfriend?" Nang dahil sa sinabi ni Astriece, natigilan naman si Van. Hindi niya alam kung kailangan pa niyang sabihin ang mga ganitong bagay, baka mamaya kasi ay iba ang epekto nito kay Astriece. "Magpapakasal na po kami," simpleng sambit ni Van at nagulat si Van ng biglang magbago ang ekspresyon ni Astriece. Hinampas lang naman ni Astriece si Van sa braso at nagulat talaga ito. "Bakit parang hindi ka masaya? Dapat masaya ka na ikakasal ka, unless na lang na hindi mo mahal," biro ni Astriece at humindi agad si Van. "Ms. Astriece, punta kayo ah? Syempre mahal na mahal po namin ang isa't isa," sambit ni Van. Napansin ni Van ang pagkagat ni Astriece sa ibabang labi niya. Kaya naman kumirot ang kanyang dibdib at inaasahan na niya na may mararamdaman itong kakaiba at sakit sa dibdib. Kaya naman hindi na nagsalita si Van at nagsimula na siyang kumain at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Persius. "Sana ako rin, nakakainggit ka lang. Minsan nga naiisip ko na makipagdivorce na," seryosong sabi ni Astriece at hindi alam ni Van kung ang sinabi nito ay bukal sa kanyang puso. Alam ni Van na hindi kaya ni Astriece na wala si Persius. Simula kasi ng maging asawa niya ito ay nakikitaan niya si Astriece na mahal na mahal lang talaga niya si Persius, kaya nakakagawa ito ng mga bagay na hindi naman dapat. Pero kita pa rin ni Van na nag-eeffort ito ng sa gano'n ay magawa pa rin niya ang role bilang asawa. "Makikipagdivorce kayo?" tanong ni Van at tumango naman si Astriece at ngumiti. Medyo mapula na ang mata nito at ang gilid ng mata ni Astriece ay may luha na, hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya. "Basta kumain ka na lang, pupunta rin ako sa kasal n'yo, basta sabihan mo lang ako kung kailan." Tumayo na si Astriece at nagpaalam na siya kay Van. Hindi niya alam kung ano ang sinabi niya, pero mukhang iyon talaga ang kailangan niyang gawin. Isinuot niya ang sandals at hindi makapaniwala si Van sa kanyang nakikita. Hindi niya alam kung namamalikmata ba siya at bakit ganito ang asal ni Astriece. Hindi niya lubos maisip na susuko na rin ito, pero kahit naman siguro sino ay pipiliin ang sumuko. Lumabas si Astriece sa pinto at tinignan niya ang pinto ng opisina ni Persius. Binuksan niya ito at hanggang ngayon ay nakasarado pa rin. Kaya naman nagpasya na siyang umalis habang bitbit niya ang kanyang bag. Medyo hirap pa nga siya maglakad at pinipigilan na lang niya, dahil na rin sa ayaw niyang mapansin ito ng iba. Nakatungo si Astriece ng lumabas siya sa kumpanya ni Persius. Kasunod no'n ang pagsakay niya sa loob at aalis na sana siya ng makita niyang ngayon lang dumating ang asawa. Tipid na ngumiti si Astriece at hindi na niya pinansin si Persius kung nandito na ba siya. Inintay lang niyang makaalis ito ng sa gano'n ay hindi siya makita na pumunta, kahit alam naman ni Astriece na alam ni Persius na galing siya sa opisina. Sinimulan na ni Astriece ang umalis at hindi niya alam kung saan siya dapat pumunta ngayon. Basta ang alam niya ay gusto niya sa lugar na tahimik at parang may makikinig sa kanya. Huminga siya ng malalim at ngumiti ng tipid ng maisip niya kung saan niya gustong pumunta. Nakamasid siya sa daan habang nagmamaneho at minsan ay hindi maiwasan na mapatingin sa magkasintahang magkahawak ng kamay. Ang iba ay may baby na kasama o kaya naman teenager, buntis at mga bata. Sumisikip ang didbib ni Astriece at hindi niya mapigilan ang umiyak. Sa tuwing naaalala niya ang sinabi ni Van ay nagsisikip maigi ang puso niya. Naiinggit siya ang maigi at hindi niya alam kung tama ba ang sinabi niya kanina. Nais lang naman ni Astriece ang mahalin siya ng asawa, kahit sana ko'nti lang. "Why do I need to suffer?" tanong ni Astriece at tumutulo ang kanyang luha habang nagmamaneho ng sasakyan. "I have everything, then why?" tanong niya ulit at panay ang hikbi. Walang makaintindi sa kanya at sawang-sawa na siya sa loob ng tatlong taon ay walang kwenta ang kanilang pagsasama. Nanginginig ang kamay ni Astriece habang umiiyak at naisip niya na hindi ata talaga siya kayang mahalin ng asawa. Tumigil ang sasakyan ni Astriece sa isang napakagandang lugar. Hindi naman gano'n katirik ang araw, pero hindi niya iyon inisip, basta gusto niyang makaramdam ng saya. Hindi naman gano'n karami ang tao, pero pag-apak pa lang ni Astriece sa buhangi ay siya namang ngiti ni Astriece. Dinama niya ang malamig na simoy ng hangin habang ang hampas ng alon sa dagat at napakaganda sa pandinig. Parang musika ito sa taenga ni Astriece at naglakad siya ng tuluyan sa buhangin at gusto niyang magpahinga kahit saglit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD