PAINFUL LOVE 05

1027 Words
Gustong bumaba ni Astriece at ipahiya si Kenney, pero hindi niya magawa. Ayaw niyang mas kamuhian siya ni Persius at kung ngayon pa nga lang ay hirap na hirap na siya sa sitwasyon nila, paano pa kapag kinamuhian siya ng asawa? Hidni lubos maisip ni Astriece kung ano ang gagawin niya sa dami ng pagkain na binili niya. Mamaya ay lalamig na rin ito kung hindi kakainin at hindi na masarap kapag kinain. Walang ibang choice si Astriece kung hindi magpanggap na okay lang sa kanya. Sumandal siya sa upuan at pinagmamasadan ang mga tawanan ng dalawa kahit hindi naman niya naririnig dahil ang layo niya. Pero kita ni Astriece ang mga ngiti na ngayon lang niya nakita. Halos masira na ang foam ng upuan ng kotse dahil sa paghigpit ng hawak ni Astriece. Talagang inaamin niyang nagseselos siya kay Kenney at hinihiling na sana ay siya na lang ang dalaga, basta kasama niya si Persius ay gagawin niya ang lahat. Bumuntong hininga si Astriece at nagsimulang umalis sa lugar na iyon. Tutunguin niya ang opisina ng asawa at magpapanggap na hindi sila nakita. Sa kanyang pag-alis, may kirot sa kanyang dibdib at gusto niyang lagyan ito ng maraming bad aid. Kaso baka hindi na makahinga sa dami ng nailagay niya ng dahil sa sakit na palagi niyang nararamdaman kay Persius. Wala sa mood si Astriece habang nagmamaneho ng sasakyan. Iniisip lamang niya si Persius at ang mga ngiti nito kay Kenney na parang sila ang tunay na mag-asawa. Itinaas ni Astriece ang kanyang kamay at kuminang ang sing-sing niya sa kamay. Ngumiti siya ng tipid at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Siya lang din ang nakasuot ng singsing at hindi sinusuot ni Persius ang kanya. "Nakakapagod din minsan, pero hindi naman ako susuko ng gano'n lang," mahinang sambit ni Astriece at nakita na niya ang kumpanya ng asawa. Bumaba na si Astriece at dinala niya ang dalawang plastic bag na binili niya. Binati siya ng dalawang guard, pero tinanguhan lamang nito ni Astriece at talagang nasira ang mood niya sa umagang ito. Pinagtinginan naman siya ng mga tao sa lobby at tulad ng araw-araw niyang naririnig ay binabati siya ng mga ito na may mga ngiti sa labi. "Good morning, Ms. Astriece," bati sa kanya ng lahat at tinanguhan lang ulit ito ni Astriece at pumasok sa loob ng private elevator. Pinindot niya ang floor kung saan nandoon ang opisina ng kanyang asawa. Huminga ng malalim si Astriece at alam niyang matatagalan si Persius sa pagpasok, lalo na kasama niya si Kenney. Isinara niyang maigi ang kanyang kamay at pumikit sandali. Bumuga siya sa hangin at ayaw niyang umiyak ng dahil doon at makikita rin siya ng sekretarya ni Persius. Tumunog ang elevator senyas na bubukas na ito. Nang bumukas ito ay agad siyang naglakad at bumungad sa kanya si Van Rendel na nakatayo sa pinto ng opisina ni Persius. Nang makita niya si Astriece ay halata ang gulat nito sa mukha. Napansin naman iyon ni Astriece at hindi niya iyon pinansin. Binuksan niya ang pinto ng opisina nito, pero nakasarado pa rin. Tumawa ng mahina si Astriece at mukhang napahiya siya ro'n. Halos kainin na siya ng lupa habang iniisip ang nakakahiyang ginawa niya. Kinalimutan nanaman niya na hindi pa dumadating ang kanyang asawa at kasama pa rin niya si Kenney. Habang siya naman ay kahit na isa ay walang susi ng opisina nito. Parang pinatunayan lang na hindi talaga siya asawa ni Persius. "Ms. Astriece, wala pa po si boss," sambit nito at pinilit ngumiti ni Astriece at naglakad siya papunta sa kabilang kwarto. "Pwede bang pumasok ako?" tanong ni Astriece at humingi pa siya ng permiso kay Van bago siya tuluyang pumasok. Silang dalawa ay pumasok sa opisina ni Van kung saan dito niya ginagawa ang ibang mga dapat niyang gawin na inuutos ni Persius. Habang si Astriece naman ay pagod na pagod ng dahil sa masakit na ang kanyang paa. Inilapag niya sa lamesa ni Van ang dalawang plastic bag na binili niya kanina sa restaurant malapit sa karinderyang kinakainan ng dalawa. "Let's eat," sambit ni Astriece at tinaggal niya ang sandals na kanyang suot. Bakas ang gulat sa mukha ni Van ng marinig niya ang sinabi ng asawa ng kanyang boss. Hindi alam ni Van kung mali ba siya ng dinig o may problema na sa kanyang taenga. Hindi sumagot si Van sa sinabi ni Astriece dahil alam naman niyang sa boss niya ito, pero sa tuwing iniiwan ni Astriece ang pagkain at binibigay kay Persius, si Van lang din naman ang kumakain. Hindi kumakain si Persius ng mga pagkain na bigay ni Astriece. Kahit candy pa 'yan ay kanyang tatanggihan, kaya naman ng marinig ni Van ang sinabi nito ay hindi niya alam kung talagang sa kanya na ba iyon. "Ano pong sinabi n'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Van at kumunot naman ang noo ni Astriece at humiga sa sofa. "Sabi ko let's eat, mukhang kumain na rin naman si Persius. Sabayan mo na lang ako kasi wala akong kasabay," simpleng sambit ni Astriece at nakaramdam si Van ng kakaiba na mukhang may nakita itong kakaiba. "Nako! Hindi na po," sambit ni Astriece at lumungkot bigla ang mukha nito. Ramdam ni Astriece ang pag-iisa ng dahil sa pagtanggi ni Van. Alam naman niyang maging si Van ay ayaw sa kanya kaya naman tumayo siya at kinuha ang mga pagkain at inilagay sa lamesa. Hindi niya alam kung paano niya ito uubusin ng dahil sa sobrang dami. Sinimulan niyang buksan ang mga ito at walang kahit na anong emosyon si Astriece at talagang nalulungkot siya. Napansin ito ni Van at hindi niya alam kung bakit kumirot ang didbib niya, kaya naman umupo siya sa harap ni Astriece at nagsimulang kumain. "Sasabayan ko na po kayo," nakangiting wika ni Van at tinanguhan lang siya ni Astriece. Maging si Astriece ay may nararamdamang kakaiba. Hindi na niya ito pinapansin at alam niyang maraming may ayaw sa kanya, bukod sa pamilya niya at ni Persius. Kinagat ni Astriece ang kanyang mga labi at iniisip niya kung may pag-asa pa ba siyang mahalin siya nito. Kasi kung wala na, paano na siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD