Nagising si Astriece sa ingay ng kanyang cellphone at pinatay niya ito agad. Parang masisira ang kanyang taenga at talagang napalakas ata ang volume no'n. Minulat niya ang kanyang mga mata at saka bumangon, uminat-inat at napansin niya ang kanyang paa. Masakit 'yon at parang hindi siya makakalakad ngayong araw. Kaso naisip ni Astriece na hindi naman pwede at pupuntahan pa niya si Persius sa opisina nito.
Bumangon siya at kumapit sa pader na pwedeng maging alalay niya. Masakit talaga ang paa niya at nagkaroon pa siya ng sugat at pantos. Kaya naman hindi siya makakapagsuot ng kahit na ano at sandals lamang. Matapos makabangon ni Astriece, gagawin niya ang palagi niyang ginagawa. Bibili siya ng pagkain sa labas dahil hindi siya marunong magluto. Ibibili rin niya si Persius dahil nga kahit anong klaseng pagkain ay hindi siya marunong.
Kahit itlog at hotdog ay nahihirapan pa siya, kaya naman na-i-kuyom ni Astriece ang kayang kamao. Lumunok siya ng laway at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Masakit na rin ang kanyang ulo at hindi maiwasan na hilutin iyon ng dahil sa hindi talaga siya nakatulog ng maayos.
Sinimulan ni Astriece ang maligo at medyo mahapdi ang kanyang paa sa tuwing nababasa ito ng tubig. Hindi niya maiwasan ang mapangiwi at kumunot ang noo habang ang kanyang kamay ay nakahawak sa pader. Hinawakan ni Astriece ang kanyang didbib na puno ng sakit at hindi niya alam kung nagsisisi ba siya. Pero naisip niyang hindi, dahil mahal na mahal n'ya talaga si Persius. Kahit anong gawin niya ay eto lang ang lalaking nakikita niya sa future at magkakaroon din sila ng anak.
Pero sa tuwing naiisip niya si Kenney, nawawalan siya ng pag-asa. Pinanghihinaan siya ng loob at wala siyang laban sa babaeng may alam sa lahat at walong taon na silang magkasintahan ni Persius. Iniisip ni Astriece na parang siya pa ang lumabas na kabit at hindi man lang binibigyang pansin. Kaya hindi maiwasan ni Astriece ang matawa ng dahil sa mga katangahang kanyang ginagawa.
"I won't give up," mahinang sabi ni Astriece at pinatay na niya ang shower at nagsimulang punasan ang basang sarili at lumabas sa banyo. Kumuha siya ng maayos na susuotin na babagay sa sandal niya, hindi kasi siya magsusuot ng high heels, kaya medyo hindi siya mapakali at hindi kampante. Buti na lang ay palaging maganda ang kuko ni Astriece, dahil palagi siyang nagpapasalon.
Nang makapili na siya, isinuot niya ito agad at nagmadali na at anong oras na kasi. Kinuha niya ang kanyang bag at saka lumabas sa kwarto, pero natigilan naman siya ng makita niyang kalalabas lang ni Persius sa kanyang kwarto. Kumunot ang noo ni Astriece at tumaas ang isa niyang kilay. Hindi niya alam kung bakit nandito pa ang asawa niya at tatlong oras na siyang late sa trabaho.
"Wala ka bang pasok?" tanong ni Astriece at tinignan lang siya ni Persius at naglakad pababa sa hagdan.
Sumunod naman si Astriece at nagmamadali siya, sasabay na lang siya kay Persius ng sa gano'n ay magkasabay naman silang pumunta ng opisina nito. Nakita niyang sumakay si Persius at bubuksan sana ni Astriece ang pinto sa likod, pero ayaw nito bumukas. Kaya naman huminga siya ng malalim at tinungo ang kanyang kotse. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at sumakay ng may sama ng loob.
"Ano pa nga ba ang aasahan mo Astriece?" tanong niya sa sarili at nagsimulang magmaneho ng sasakyan.
Parang may amnesia si Astriece at laging kinalilimutan ang mga bagay-bagay. Sa tuwing sasabay siya sa asawa ay agad nitong nilolock ang pinto ng kotse, para hindi siya makapasok. Kaya naman ang kamay ni Astriece ay mahigpit na nakahawak sa manubela ng kotse. Wala siyang maisip na paraan ng sa gano'n ay mapalapit siya sa asawa at maging mabuti ito sa kanya.
Sa tatlong taon nilang pagsasama, walang memorable na nangyari sa kanila. Hindi maituring ni Astriece na memorable ang kasal nila dahil kung sa wedding picture nila ay medyo malayo sila sa isa't isa at hindi man lang nakangiti ang asawa niya. Sa tuwing maaalala ni Astriece ang lahat, sumasama ang kanyang loob at hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang magtiis para lang mahalin siya ng asawa.
Pinatunog niya ang kanyang mga daliri sa kamay at tumigil sa isang restaurant. Minadali niya ang sarili na bumili ng pagkain at baka mamaya ay hindi nanaman niya maabutan ang asawa. Kinuha ni Astriece ang isang papel at isinulat niya ang lahat ng pagkain na gusto niyang bilhin. Dinamihan niya ito ngayon ng sa gano'n ay mabusog si Persius.
Habang naghihintay si Astriece, isang babae ang napansin niya. Nanlaki ang mata niya ng makita niya si Kenney sa labas at naglalakad ito. Hindi niya alam kung saan ito papunta, kaya kating-kati ang kanyang mga paa at kamay na masundan ito.
"Could you please faster" tanong ni Astriece at nakasilip pa rin siya sa glass na pader. Kaya ng maibigay sa kanya ang dalawang plastic bag ay agad siyang tumakbo palabas at inilagay sa kotse ang pagkain.
Bumungad sa kanya si Kenney na papunta sa isang karinderya at kumunot ang noo ni Astriece. Hindi niya maiwasan na dito kumakain ang kasintahan ng asawa niya. Hindi rin niya maiwasan na lait-laitin ito, kaya naman nakamasid lang siya at hinihintay ang gagawin nito.
"Wala ba siyang pera? Ang cheap naman kumain sa karinderya," insultong sambit ni Astriece habang nakasakay sa kotse.
Pinagtatawanan niya si Kenney, pero laking gulat niya ng makita ang isang kotse na pamilyar sa kanya. Hindi siya nagkakamali dahil si Persius ang lalaking iyon at doon lamang nakita ni Astriece kung gaano kagwapo ang asawa kapag nakangiti. Hinawakan ni Astriece ang kanyang didbib at kumikirot iyon ng sobra. Gusto niyang umiyak, pero pigil na pigil lamang ito.
Kitang-kita ni Astriece kung gaano kasaya ang asawa niya sa piling ni Kenney. Hindi niya akalain na dito kumakain ng pagkain si Persius at hindi man lang ito kumakain ng mga pagkain na alam niyang masustansya. Iniisip ni Astriece na marurumi ang mga pagkain na ganito, pero ang asawa niya ay mas pinipiling kumain sa mga ganitong klase ng tindahan.
Ngayon tuloy ay hindi mawari ni Astriece kung ano ba talaga ang taste ng kanyang asawa. Napapasabunot na lang siya sa ulo at hindi niya kayang kumain sa mga ganitong tindahan. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at ipinatong ang noo sa manubela ng kanyang kotse habang malalim ang kanyang iniisip.