PAINFUL LOVE 03

1010 Words
Natapos ang kasiyahan sa pagitan ng dalawang pamilyang Belarine at Fourth. Walang humpay ang kasiyahan nila sa tuwing magkakasama sila. Kaya masasabi na maganda ang samahan ng dalawa at nag-uwian na rin ang mga bisita. Samntalang si Astriece at Persius ay nagpaalam na sa kanilang mga pamilya. "Mauna na kami," seryosong saad ni Persius sa ama't ina niya at gano'n din ang ginawa ni Astriece. "Astriece, iyong sinabi ko sa iyo okay?" kinikilig na sabi ni Lyme at kinilig din naman ang ina ni Astriece na si Eumi. Tamang ngiti lang ang ginawa ni Astriece at sumunod siya kay Persius na lumabas sa hacienda. Silang dalawa ay hindi nagpapansinan, tulad ng ginagawa nila sa araw-araw. Naglakad si Astriece at nasa likuran lang siya ni Persius. Wala itong kibo at palagi na lang wala sa sarili kapag siya ang kasama. Hindi man lang siya pinagbuksan ni Persius ng pinto ng kotse. Medyo masakit na rin ang paa ni Astriece ng dahil sa nakasuot siya ng high heels. Ramdam na rin niya ang hapdi na para bang magpapantos iyon. Pilit na iniinda niya ang sakit ng kanyang paa dahil hindi rin naman siya tutulungan ng asawa. "Nakalimutan mo na ba? Doon ka sumakay sa likod," inis na sabi ni Persius at isinara ni Astriece ang pinto sa shot gun seat. Nakalimutan ni Astriece na hindi nga pala siya pinapasakay nito sa unahan. Doon kasi sumasakay si Kenney at ayaw niyang umuupo doon si Astriece. Sumakay na si Astriece sa likuran tulad ng sinabi ni Persius sa kanya. Masama ang loob niya, pero wala naman siyang magawa. Nagsimulang paandarin ni Persius ang sasakyan at tahimik lang silang dalawa sa sasakyan. Walang sino man sa kanika ang nagsasalita at nakatingin si Astriece sa kanyang kamay. Binibilang niya kung ilang beses na siyang nakasakay sa kotse ni Persius. Sa tuwing may okasyon lamang sila nagsasama sa i-isang kotse, pero kapag wala ay magkahiwalay na sila. Ayaw kasi ni Persius na kasama niya si Astriece, lalo na kung hindi ito si Kenney. Bilang lamang sa daliri ni Astriece ang mga sakay niya sa kotse ni Persius. Bumuntong hininga tuloy siya at hindi niya maisip na siya pa ang asawa pero siya ang hindi makasakay sa kotse nito. Sumandal na lamang si Astriece at ramdam niya ang pagod sa katawan. Pipikit na sana siya pero natigilan siya. Bigla kasing nagsalita si Persius at napatingin siya rito. "Ano naman ang sinabi ni mom sa iyo?" seryoso niyang ani at umiling lamang si Astriece. "Wala iyon, alam ko naman na ayaw mo magkaroon tayo ng anak. At saka imposible diba? Kasi ayaw mo," sambit ni Astriece at hindi nagsalita si Persius. Alam na rin kasi niya na ayaw talaga nito at pumikit na siya ng tuluyan. Mabilis kasi siyang mapagod ng dahil sa hindi rin siya sanay. Galing nga kasi siya sa mayamang pamilya at puro hilata lang ang alam ni Astriece na gawin. Pati ba naman paggala ay kanyang kinatatamaran. Inaantok si Astriece at gusto niyang magpahinga at matulog. Sa kanyang pagpikit hindi niya namalayan na naka-idlip siya. Nakatingin sa salamin si Persius at nakita niya na tulog na si Astriece. Walang emosyon ang mukha ni Persius ng makita niya ito. Naiinis pa nga siya ng dahil sa ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. Hindi niya maisip kung bakit ayaw niyang hiwalayan siya ni Astriece at maghanap na lang ng bago. Umiling si Persius at isang oras din ang byahe nila pauwi sa kanilang bahay. Malayo-layo rin kasi ang bahay na kanilang binili, ayaw kasi ni Persius na malapit sila sa kanilang pamilya. Ayaw niyang makita kung gaano kawalang kwenta ang kanilang pagsasama. Tumigil na ang kotse sa harap ng bahay nila at bumaba na ng tuluyan si Persius. Iniwan niya si Astriece sa loob ng sasakyan dahil wala naman siyang pakielam sa asawa. Tinungo niya ang kanyang kwarto at nagpahinga. Samantalang si Astriece naman ay nagising sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Naalipungatan siya at biglang napabalikwas. Kinusot ni Astriece ang kanyang mga mata at biglang lumungkot ang kanyang mukha. "Iniwan mo nanaman ako," mahina niyang sabi at bumaba ng kotse. Inalalayan niya ang sarili ng dahil sa masakit na ang kanyang paa. Kumapit si Astriece sa pader ng makapasok siya sa loob ng bahay nila at tinungo ang kwarto niya. Habang ang asawa niyang si Persius ay nasa sarili na rin nitong kwarto. Hindi sila magkasama sa i-isang kwarto at hindi sila nagpapakielamanan ng mga gamit. "A-aray ko," daing ni Astriece ng tanggalin niya ang kanyang high heels. Pulang-pula iyon at parang nagpantos na sa sobrang taas ng suot niya. Inikot-ikot ni Astriece ang kanyang paa na sumasakit. Humiga siya sa kama at nakasuot pa siya ng dress at ayaw na niyang magpalit. Talaga namang nakakapagod ang araw na ito para kay Astriece at nais niyang magpahinga ng daredaretso. "Kenney Bleir," sambit niya sa kasintahan ni Persius at hindi niya alam ang gagawin para humiwalay ito at siya ang mahalin ng asawa. Tinignan ni Astriece ang kanyang cellphone ng bigla itong tumunog. Kinuha niya ito at nabasa ang text ng kanyang kaibigang si Farrah. Nakalimutan lang naman niyang magpaalam dito ng dahil sa galit niya kanina. Minsan talaga ay nawawala sa sariling pag-iisip si Astriece kapag si Kenney ang pinag-uusapan at kapag tungkol na sa kasal nila ni Persius. Ibinato niya sa gilid ng kama ang kanyang hawak na cellphone at ayaw niya itong replayan. Tumayo na si Astriece at hinubad ang suot niyang dress. Gusto niyang matulog ng mahimbing at nagsuot ng pantulog. Habang nag-iisip siya ng paraan kung paano niya mapapapayag si Kenney na makipaghiwalay sa kanyang asawa na hindi nalalaman ni Persius. Sigurado siya na kapag nalaman ito ni Persius ay siya lang din ang mahihirapan. Baka mas lalong lumala ang sitwasyon at lalo siyang kamuhian nito at iyon ang ayaw niyang mangyari. Nagawa na tuloy sabunutan ni Astriece ang sarili at panay ikot niya sa kama. Hindi siya mapakali at talaga namang nasisiraan na ng bait. "Bakit kasi hindi na lang ako?" tanong niya at nakadapa sa kama habang yakap-yakap ang isang unan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD