PAINFUL LOVE 02

1027 Words
Habang nakatayo silang dalawa sa kalagitnaan ng hacienda, walang sino man sa kanila ang nagtatangkang magsalita. Puno ng sakit at hinanakit ang nararamdann nila sa isa't isa at parang hindi na ito mawawala pa. Pinunasan ni Astriece ang luha sa kanyang mga mata at ayaw niyang makita siya ng iba na ganito. Kaya naman pilit niyang inayos ang sarili at huminga ng malalim. "Persius? Talaga bang hindi mo ako kayang mahalin?" Sa tuwing magkasama sila, palagi na lang ito ang bukang bibig ni Astriece. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, kahit kailan ay hindi siya minahal ng asawa. Tatlong taon na rin nagtitiis si Persius at hindi man lang nagsasawa ang asawa niya sa kanya. Tinignan siya ni Persius at seryoso ang mga mata nito. Kitang-kita ni Astriece kung gaano kalungkot ang kanyang mga mata. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi kita kayang mahalin? Astriece alam mong may kasintahan ako at siya ang gusto kong pakasalan. Kung alam ko lang na hindi mo ako kayang hiwalayan, sana hindi na ako nagpakasal sa iyo at hinayaan ko na lang na mawala ang mana ko." Parang sinasaksak ng isang daang kutsilyo ang didbib ni Astriece. Wala siyang masabi sa sinabi ni Persius at kinagat niya ang kanyang labi. Sa loob ng tatlong taon ay nagtitiis si Astriece at pilit niyang pinagsisiksikan ang sarili kay Persius, kahit alam niyang hindi siya ang tunay na mahal. "Ano bang meron kay Kenney na wala sa akin?" tanong ni Astriece at napatawa naman bigla si Persius. "Ano ang meron kay Kenney na wala sa iyo? Lahat ng meron siya ay wala ka, hindi rin kita gusto Astriece, kaya gumising ka," saad nito at tumalikod na at naiwan siyang mag-isa. Parang isang gulay na lanta si Astriece at umupo siya sa bench. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na hindi siya mahal nito. Tianggal naman ni Astriece ang kanyang kwintas na palaging suot-suot. Binuksan niya ito at bumungad sa kanya ang litrato nila ni Persius. Sa pagkakataong ito, medyo gumaan ang loob ni Astriece at napangiti. Silang dalawa ni Persius ang nasa litrato at nasa edad sampu pa lang sila noon. Magkahawak kamay sila at masayang nakangiti. Akala tuloy ni Astriece ay magugustuhan siya nito, lalo na ang pamilya nika ay matalik na magkaibigan. Kaso nagkamali siya at hindi pala gano'n kadali na mapaibig ang isang tao. Sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi man lang ito nahulog sa kanya. Tumawa ng mahina si Astriece at parang masisiraan siya ng bait. Sabay bigla siyang napahikbi at humigpit ang hawak niya sa kwintas. Ito na lamang ang nagbibigay saya sa kanya, ang ngiti ni Persius na walang halong galit at inis sa kanya. Palibhasa ay mga bata pa lamang sila noon at hindi pa nila naiisip ang mga nitong bagay. "Sana ako na lang sana si Kenney," hiling ni Astriece at hindi niya maiwasan na magselos ng maisip niya ang babae. Puno ng selos ang katawan ni Astriece pagdating kay Kenney. Ito kasi ay matagal ng kasintagan ni Persius at talagang walang-wala siya. Si Kenney Bleir ay isang simpleng babae lamang at iyon ang nagustuhan ni Persius sa kanya. Marunong ito sa lahat ng gawaing bahay at higit sa lahat ay hindi maarte. Hindi rin niya nilalait ang mga tao sa paligid hindi tulad ni Astriece. Si Astriece kasi ay kabaligtaran ni Kenney. Kung ano ang bait ni Kenney ay siya namang sama ni Astriece. Wala siyang alam sa buhay ng dahil sa mayaman sila at talagang napaka-arte niya. Kaya naman hindi siya kayang mahalin ni Persius at hindi niya nakikita ang sarili na magkakaroon sila ng masayang pamilya kung magkakaroon sila ng anak. Tumayo si Astriece at panay isip siya ng paraan kung paano mahuhulog sa kanya si Persius. Lalo na gagawin lahat ni Astriece para mahalin siya nito. Hindi niya hahayaan na mawala sa kanya ang natitira niyang kasintahan. Feeling tuloy ni Astriece ay mamamatay siya kapag nawala ang binata sa piling niya. "Kaya ko ito, malakas ako," mahinang sabi ni Astriece sa sarili at pinapalakas niya ang kanyang loob. Naglakad na si Astriece papasok ng bahay at masaya ang mga bisita na nagkukwentuhan at ang iba naman ay pauwi na. Inggit na inggit si Astriece sa kanyang mga nakikita at parang binagsakan siya ng langit at lupa. Gusto lang din niyang maging masaya, pero hindi niya ito makuha. Kahit na sobrang dami nilang pera ay hindi niya mabili ang kasiyahan na gusto niya. Tipid ang mga ngiti niya sa tuwing may bumabati sa kanya. Samantalang si Persius naman ay nasa isang tabi at kausap ang ibang mga bisita. Halos lahat kasi ng bisita rito ay mga kakilala rin niya. Isang business man din kasi si Persius at hindi mawawala na mayroong kakausap sa kanya. "Astriece," tawag ng ina ni Persius sa kanya. Bumalik naman ang kanyang diwa at nilingon ito. Masayang nakangiti sa kanya si Lyme at ngumiti rin siya para hindi makita ang kalungkutan niya. Niyakap ni Lyme ang kanyang braso at tuwang-tuwa sa kanya. Gustong-gusto kasi nila si Astriece para kay Persius. Kaya naman talagang suwerte na rin kahit papaano si Astriece dahil gusto siya ng magulang ni Persius. Kahit na hindi siya gusto ng kanyang asawa ay okay lang sa kanya, basta gusto siya ng magulang nito para sa kanya. "May problema po ba?" magalang na sabi ni Astriece at naging seryoso ang mukha ng ina ni Persius. "Sana naman ay magkaroon na kayo ng anak, ang tagal n'yo ng nagsasama," sambit ni Lyme at pilit inaalis ni Astriece ang lungkot sa kanyang katawan. Niyakap nito si Astriece at nagmamakaawa na bigyan na siya ng apo. Napalunok si Astriece at hindi niya alam ang sasabihin, dahil talagang hindi niya alam kung mabibigyan n'ya ba ng apo ang kanyang mga magulang ay byenan. Hindi nga siya matignan ni Persius at mahalikan, magkaroon pa kaya ng anak? Talagang imposible iyon para kay Astriece. Tanda niya na isang halik lamang ang nakuha niya kay Persius ng ikasal nila at parang dampi nga lang ito ng dumikit sa labi niya. Hindi man lang naramdaman ni Astriece ang mga labi ni Persius dahil nandidiri raw ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD