Kinabukasan pagbaba ko ng hagdan ay napapalibutan ng iba’t ibang klaseng mga bulaklak ang Sala. Lumapit ako at nakita ang isang card. Binasa ko ang nilalaman ng card.
“I love you, baby. Hindi ako titigil sa pagsuyo sa'yo kahit ipagtabuyan mo ako dahil alam kong wala namang dahilan para tumigil. Alam kong lilipas din 'yang sama ng loob mo. Nandito lang ako, kapag handa ka ng mahalin ulit ako. -Gary”
Eversince I met Gary, nakitaan ko na siya ng tiyaga. Sobrang effort niya nung nililigawan pa lang ako. Pinaramdam naman niyang seryoso siya sa akin kahit kung sinu-sino ng na-li-link sa kanyang babae nung hindi pa ako ang karelasyon niya. Kaya nung maging kami ay minahal ko agad siya. Madalas ko man siyang awayin kapag may pinagseselosan akong babae at mabilis akong magtampo ay ipinakita niya kung gaano siya katiyaga sa akin mapatunayan lang na wala siyang ginagawang masama. Naramdaman ko ang pagmamahal na pinangarap kong iparamdam sa akin ng isang lalaki, ng lalaking gusto ko at mahal ko.
Ipinaramdam din sa akin ni Gary ang katapatan niya sa akin kaya when I saw that woman kissing him, ang sakit-sakit, para akong nauto. Gusto ko na lang tanggapin at that time na baka hindi pa ako ang babaeng para kay Gary at baka hindi pa rin siya ang para sa akin kaya mas okay na tapusin ko na lang ng mas maaga ang relasyon namin kaysa mas lumalim pa ang pagmamahal ko sa kanya dahil kapag dumating ang araw na masaktan na naman ako dahil sa pagmamahal sa kanya ay hindi ko na kakayanin. Kahit ipinaliwanag na niya ang nangyari nung hinalikan siya nung babae na ‘yun ay nakapagdesisyon na ako. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Nakakainis kasi malapit siya sa mga babae niyang kakilala at malambing siyang kaibigan at ayoko ng ma-stress ulit dahil doon. Tama sila, ang sarap magmahal ng isang Gary Miranda pero hindi pa ako handang magpakalubog sa pagibig.
Hindi ko maiwasang mapaluha. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mahal ko pa rin siya. Bakit ba ang hirap para sa aking magtiwala ulit? "Cindy, maniwala ka na lang na hindi ka niya kayang lokohin, alam mo 'yan sa sarili mo kaya patawarin mo na siya!" sigaw ng isip ko. s**t, bahala na.
Nasa taping na naman kami, hindi kami nag-uusap ni Gary or should I say, hindi ko talaga siya kinakausap. Nagpapasalamat na lang ako na hinahayaan niya lang ako sa gusto ko, ang hindi muna siya kausapin off cam. Pero s**t, may kissing scene kami ngayon sa eksena.
"I've missed you my love, I don't wanna lose you. Babe, let's get married," Tristan said to Kristine.
"Yes," Kristine said and then Tristan kissed her. How I have missed this kiss, bawat tugon niya sa mga halik ko ay nagpapaalala kung gaano niya ako kamahal at bawat tugon ko ay nagpapahayag na ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Nagtagal ang halik ng ilang minuto. Bigla akong natauhan sa mga iniisip ko nang marinig si direk.
"Cut!" sabi ng director. s**t, eksena nga lang pala.
That kiss. I'm longing for that kiss. s**t, napalunok ako atsaka tumalikod para lumayo kay Gary dahil tapos na ang eksena at ayaw kong mapansin niya ang pamumula ko. Arista kami, professional kami, hindi kami okay pero s**t, mahal pa rin namin ang isa't isa.
Nasa tent ako at ni-re-retouch ang make up ko ng make up artist habang naaalala ang nasa original story na nasa librong ibinigay sa'kin ni Celine. Sa original story, naalala kong nabasa ko doon na bawal pang halikan ng bidang lalaki ang bidang babae, kinailangan muna nilang ikasal bago mangyari ang mga ganung bagay.
"Cindy, puwede bang sumabay pauwi?" tanong ni Gary nung paalis na ako.
"Why?" tanong ko naman.
"May problema kasi sa makina ng sasakyan ko. Sabi ko sa driver ko ay siya na ang bahala dahil makikisabay na lang ako sa'yo since madadaanan mo naman 'yung bahay ko," sabi niya.
I don't know kung maniniwala ako or 'the moves' niya lang 'to. Kilala niya ako, alam niyang kahit nagmamatigas ako, may mga bagay na madali rin akong pakiusapan.
"Okay," sabi ko na lang.
"Thanks," sabi niya.
Sasakay na sana ako ng sasakyan nang kausapin ako ng personal assistant ko na si Jaz. "Miss Cindy, hindi na po ako sasabay, may pupuntahan lang po ako saglit," sabi ni Jaz.
"Puwede naman nating daanan iyang pupuntahan mo," sabi ko.
"Huwag na po, dumiretso na po kayo pauwi, ihahatid na lang po agad ako ng boyfriend ko sa bahay niyo, sasamahan niya po kasi ako sa pupuntahan ko," sabi ni Jaz. Wala na akong nagawa, bahala siya. Tinatamad na rin akong makipag-usap.
"Okay, okay," sabi ko atsaka napansin ang pagngiti ni Gary kay Jaz.
Nakasakay na kami sa sasakyan. Kami lang dalawa ni Gary ang nasa loob ng van samantalang ang driver ay nasa unahan. Hindi namin makikita ang driver kung hindi aalisin ang nakaharang. Privacy. I have privacy here kasi minsan natutulog ako sa biyahe. And now that Gary's here with me, naiinis ako kasi may privacy kami at ayoko pa ngang makipag-usap sa kanya dahil naiinis pa rin ako.
"Nasiraan ka ba talaga ng sasakyan?" tanong ko dahil duda ko gawa-gawa niya lang 'yun.
"Yes, I'm telling the truth," sabi niya. Hindi na ako nagsalita at napansin niya 'yun. "Okay, kinausap ko si Jaz na gumawa ng paraan para hindi makasabay sa atin ngayon dahil gusto kitang masolo. Totoong nasira ang sasakyan ko at nagpapasalamat ako na nangyari 'yun ngayon," sabi niya.
Baliw ba siya? Nagpapasalamat siyang nasira ang sasakyan niya, tss. Umisod siya ng kaunti para sumiksik sa'kin atsaka bumulong, "I miss you," sabi niya at nagtaasan ang mga balahibo ko sa pagdampi ng labi niya sa teynga ko at sa hangin na lumabas sa bibig niya.
"Gary, I told you, give me time to think," sabi ko habang pinipigilan ang init na nararamdaman. I miss him too!
"Hindi ko na kayang maghintay," sabi niya at hinawakan ang kamay ko papunta sa mga labi niya. Napapikit ako habang hinahalik-halikan niya ang kamay ko. "Please Cindy, love me again," sabi niya at nagulat na lang ako nang dalhin niya ang kamay ko sa may matigas sa pantalon niya! Now I can feel his erection. s**t, hindi ako makagalaw, hawak niya ang kamay ko doon sa kanya. Hindi ako makakibo hanggang sa hinalikan na niya ako sa mga labi.
Gary, hindi ko na rin kaya, sabi ng isip ko kaya tumugon na lang ako sa mga halik niya. He kissed me torridly. I can now taste his mouth. s**t, I've missed him, I've missed everything about him. I opened my mouth and gave him the permission to explore on it. Matagal ang mga halik na aming pinagsaluhan. Pinaramdam niya kung gaano siya kasabik na angkinin ako. Ipapasok na sana niya ang kamay niya sa blouse ko nang bigla kong maalala na nasa sasakyan kami. Bigla ko siyang naitulak.
"Gary, no," sabi ko atsaka inayos ang sarili ko.
"I know you still love me too, ano bang pumipigil sa'yo?" tanong niya. "s**t," sabi niya nung mapansing nagpahid ako ng luha. "I don't mean na madaliin ka, please forgive me, my love," sabi niya habang dinadampian ng halik ang buhok ko.
“Gusto ko ako lang, walang ibang babae Gary dahil hindi ko kayang mawala ka," sabi ko at hindi ko mapigilang maiyak na naman. Hindi ko na kaya.
"Sssh sweetheart, walang iba, ikaw lang ang mamahalin ko," sabi niya habang yakap ako. "Please, huwag kang matakot na mahalin ako ulit dahil hindi ko rin kayang mawala ka, okay?" sabi niya nung tumingin sa'kin, tumango ako atsaka niya ako hinalikan sa noo. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nilalaro niya ang mga daliri ko.
"Puwede bang sa inyo na ako matulog?" tanong niya.
"No, I asked Jaz to stay with me hanggang matapos ang pelikula," sabi ko.
"Why?" tanong niya. Naalala ko na naman si Celine. Hays, sasabihin ko na ba kay Gary ang mga nangyayari?
"Basta hindi puwede, nakakahiya kay Jaz, saka na kapag kinausap ko na ulit siya," sabi ko.
"I can ask her na huwag muna umuwi sa bahay mo tonight," sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko. Kapag gusto talaga may paraan, ang kulit niya pero no.
"Gary no, please," pakiusap ko sa kanya.
"Please, let's make love tonight," sabi niya habang nakatitig sa'kin.