"Anak, we're so proud of you! Don't ever forget that huh?" Mom said. Kausap ko si Mommy sa phone para mangamusta. Binalita ko kasi na may ginagawa na nga akong bagong movie.
"I know, Mom. Miss ko na kayo, ikamusta mo ako palagi kay Mamita, please."
Nasa America sina Mommy at Daddy para samahan ang grandmother ko na mother ni Daddy. Tumatanda na kasi si Mamita. I was in college when they decided to stay there for good.
"Sabi ko naman sa'yo dito ka na lang din. Ang tagal-tagal na ulit bago tayo magkita anak. Alam mo namang ayaw ng Mamita mo na umuwi muna ng Pilipinas dahil hindi pa niya kayang iwan ang mga alaala nila ng lolo mo rito sa America.”
"Mom, I understand if iyon 'yung gusto ni Mamita. I'm good. Wala kayong dapat ipag-alala. I love my job here," sabi ko.
"Okay, na-mi-miss lang kita anak. Why don't you plan a vacation here?" Mom asked.
"Mom, I can't. I am so busy. Ang hectic ng schedule ko, and I need to focus on my job,” sabi ko which is true. “I want to give my best in this project.. for Celine.” Naalala ko na naman siya.
"Who's Celine?" Mom asked.
"She's the author of the book na ginagawa naming movie ngayon," I answered.
"Ah okay, is she your friend?" Mom asked.
Isang beses pa lang kami nagkikita. I can't say that we're friends but she is an important person in my life right now.
"We just met once," I answered. Iniisip ko kung sasabihin ko ba ang nangyayari sa akin ngayon pero napagdesisyunan kong huwag lahat. "But few days after I met her, I found out she was already dead."
"Oh, I'm sorry. Nakakalungkot naman anak ang nangyari sa kanya," Mom said.
"Yeah," sabi ko na lang.
Nakakalungkot talagang isipin ang nangyari. Hindi ko ma-imagine na may nagsamantala sa kanya or what kung bakit siya nag-suicide, basta ang sakit-sakit para sa pamilya niya ng pagkawala niya.
"Anak, mag-iingat ka palagi diyan ha, magsabi ka palagi kay Gary kapag kailangan mo ng tulong diyan."
I don't know if sasabihin ko ba kay Mommy na wala na kami ni Gary. Sabihin ko na lang kaya na hindi kami okay ni Gary ngayon? Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na huwag ng sabihin para hindi na siya mag-usisa pa.
"Okay Mom, sige na po ikamusta niyo na lang ako kay Mamita pagkagising niya and kay Daddy kapag nandiyan na siya sa bahay. Love you, bye," I said.
"Yes anak, love you, bye."
Magkikita na naman kami ni Gary bukas sa set. Kahit gustuhin kong mapag-isa, na huwag muna siyang makita, paano? Napakalaking pagsubok nito para sa'kin.
"Patawarin mo ako, inaamin kong nagkamali ako pero handa akong magbago para sa'yo. Mahal kita, mahal na mahal kita, Kristine."
"Mahal din kita Tristan, pero natatakot na akong magtiwala ulit."
"Cut!" sigaw ni direk Nel.
Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon sa mga nangyayari. Bakit parang katulad ng istorya namin ni Gary sa totoong buhay ang istorya ng pelikulang ginagawa namin ngayon?
"Cindy, ihahatid na kita pauwi," sabi ni Gary pagkatapos ng eksena namin sa pelikula.
"Nandiyan 'yung driver ko," sabi ko kahit puwede naman akong pumayag sa alok niya.
"Please?" pakiusap ni Gary.
Nagbuntong hininga ako bago nagsalita, "Gary, huwag muna nating isabay ang problema natin sa trabaho. Pakiusap, gusto ko munang mapag-isa.”
Mahirap bang intindihin na ayaw ko pang makipag-usap ulit sa kanya? Ayokong maapektuhan ang trabaho dahil sa personal naming mga buhay. Magpanggap na lang muna sana kaming walang nakaraan. Iniwan ko siya at nagtungo na ako sa sasakyan ko.
"Jaz, puwede bang sa bahay ka muna mag-stay hanggang sa matapos na namin 'yung ginagawa naming pelikula?" tanong ko sa personal assistant ko habang pauwi na ako kasama siya. Hindi kasi siya doon natutulog, araw-araw siyang umuuwi sa kanila.
"Ah, sige po," sagot niya.
Ang dami ko kasing iniisip, si Gary na pilit nakikipag-ayos sa akin kahit hindi pa ako handa, at si Celine kung ano ba talagang nangyari sa kanya at kung bakit nangyayari sa akin 'to.
"Jaz!" sigaw ko para marinig ako sa kabilang kuwarto. Nag-sho-shower ako nung biglang mamatay ang ilaw. Nakaramdam ako ng takot nang biglang may bumulong sa akin ng pangalan ko, "Cindy," bulong ng hindi ko alam kung sino.
"Ma’am, nandiyan na po!" sagot niya. "Ano pong nangyari sa inyo?" tanong niya nung makita akong nakatapis ng tuwalya at nakaupo sa toilet bowl. Nakatakip ang magkabilang teynga ko ng dalawa kong mga kamay. Gamit niya ang flashlight ng cellphone niya.
"Jaz, dito ka na lang din matulog sa kuwarto ko, please?" pakiusap ko.
Natatakot na ako sa mga nangyayari. Hindi ko mai-kuwento kay Jaz baka pagtawanan lang niya ako. Totoo ba talagang may bumulong sa akin ng pangalan ko o stressed lang talaga ako? Maya-maya ay may umakyat na kasambahay at pumasok sa kuwarto ko para kamustahin ako.
"Ma’am Cindy, may inaayos lang po sa baba, maya-maya po ay bubuksan na ang generator," sabi ni Yaya Leni. Tumango ako atsaka siya ulit nagsalita, "may kailangan pa po ba kayo, ma’am?" tanong niya.
"Wala na, salamat," sabi ko.
"Sigurado po kayong okay lang kayo?" tanong ni Jaz pagkaalis ni Yaya Leni.
"Yeah."
Ang hirap naman ng sitwasyon ko, kailangan kong sarilinin ang mga nangyayari sa ngayon dahil kapag sinabi ko sa kanila, maniniwala ba sila? Baka kumalat lang sa media at mapagkamalan akong baliw. Baka nababaliw na nga talaga ako? Hays!
"Jaz, wala ka bang nararamdamang kakaiba dito sa bahay?" tanong ko nung nakahiga na kami. Ako sa kama at siya ay sa baba ng kama na may nakalatag na kutson. Hindi ko na napigilang magtanong. Pakiramdam ko kasi masisiraan na ako ng bait kaiisip.
"Wala naman po, kayo ba?" tanong niya.
"Ah, wala naman. Nabigla lang siguro ako sa pagkamatay ng ilaw," sagot ko.
Nag-aalinlangan akong i-share kay Jaz ang mga nararamdaman ko. Si Gary lang ang taong napagsasabihan ko ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko kaso wala na kami. I admit, I miss him, I miss talking to him, I miss hanging out with him, I miss him so much.