CINDY Paggising ko ay may napansin akong isang bungkos na bulaklak sa side table. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa problemang dala-dala ko. Paano ako magpapatuloy sa buhay kung araw-araw akong nakakaramdam ng takot? "I'm here," sabi ni Gary na hindi ko agad napansin na nakaupo pala sa upuan malapit sa veranda habang nakatingin sa akin. Nakabukas kasi ang sliding door. Naka-pajama siya at hubad ang katawan habang hawak ang isang tasa na sa wari ko ay kape ang laman. Ngumiti siya para iparamdam na nandito lang siya para sa akin pero pinilit ko lang ngumiti dahil ang bigat pa rin sa pakiramdam ng problema. Napansin niya ang lungkot sa mga mata ko kaya tumayo siya para lumapit sa akin. "How are you feeling?" he asked and then he planted a kiss on my forehead nung makalapit

