CELINE Matututunan din akong mahalin ni Dante. Hindi ako susuko, katulad ng mga karakter sa istoryang isinulat ko, magsasama rin kami at bubuo ng sariling pamilya. Alam ko, kahit papaano mahal niya ako, kailangan ko lang ng tiyaga at mahabang pasensiya. Ilang beses na akong pinagsasabihan ng mga magulang ko na hiwalayan ko na si Dante dahil niloloko lang daw ako. Ayoko, kaya kong magtiis, kaya kong ibigay lahat kay Dante mapatunayan lang kung gaano ko siya kamahal. Alam kong darating ang panahon na kusa na lang niya akong iibigin hanggang sa magsama na kami habambuhay. "Ayoko na Celine, maghiwalay na tayo," sabi ni Dante. "Mahal, ilang beses mo na sinabi 'yan pero hindi mo pa rin ako matiis, alam kong mahal mo rin ako kaya huwag natin sayangin ang relasyon natin," sabi ko kay Dante. "

