JASMINE LOPEZ Pagkatapos kong mamigay ng flyers, pakiramdam ko parang buong araw akong nakipagbakbakan. Pagod ang paa ko, medyo nangingitim ang balat ko sa init ng araw, pero may kakaibang satisfaction. Hindi ko akalain na matatapos ko ‘yon. At higit sa lahat nagawa ko nang maayos. Nag enjoy ako na kausap ang mga tao na hindi ko madalas nagagawa. Nakakatuwa din pala na makipag chismisan sa kanila habang nagtatrabaho ako. Pagbalik ko sa office, diretso ako sa desk ko. Tahimik lang, pero ramdam ko ang mga tingin ng ilang empleyado. Nagpahinga lang ako saglit saka ako gumawa ng report at ipinasa ko kay Ma'am Karen. Mga documentation lang naman ng mga ginawa ko sa labas mostly picture para lang maprove ko na namigay talaga ako ng flyers. Pagbalik ko sa table ko galing sa office ni Mis

