CHAPTER 14

1144 Words
JASMINE LOPEZ Nagpatuloy ang gabi namin inuman, tawanan, at minsan ay hatakan papunta sa dance floor. “Come on, Jas! Huwag kang KJ!” sigaw ni Bea habang hinihila ako. “Fine, fine!” natatawa kong sagot. Sumabay ako sa kanila sa gitna ng dance floor. Malakas ang tugtog, halos ramdam mo sa dibdib mo ang bawat beat. Ilaw na umiikot, katawan na sabay-sabay gumagalaw. Pinilit kong mag-enjoy. Pinilit kong kalimutan ang kung sino man ang gumugulo sa isip ko kanina. At sa ilang sandali— nagawa ko. Napangiti ako habang sumasabay sa music, hinahayaan ang sarili kong makisabay sa saya ng mga kaibigan ko. “Yan! That’s more like it!” sigaw ni Bea. Napatawa ako. Pero hindi nagtagal may napansin akong kakaiba. May grupo ng mga lalaki na unti-unting lumalapit sa amin. Noong una, hindi ko pinansin. Normal lang naman ‘yon sa ganitong lugar. Pero habang tumatagal lumalapit sila nang lumalapit. Hanggang sa isa sa kanila ang tumabi sa akin. “Hi, pretty,” sabi niya, may amoy alak ang hininga niya. “Sumasayaw ka mag-isa?” Napakunot ang noo ko. “I’m not alone,” malamig kong sagot, sabay tingin sa mga kaibigan ko. Pero parang hindi siya nakinig. Sa halip, lalo pa siyang lumapit. Masyadong malapit. “Relax lang,” dagdag pa niya, nakangisi. “We just wanna have fun.” Napaatras ako ng kaunti. “Then have fun somewhere else,” matigas kong sagot. Pero hindi siya umatras. At yung dalawa pa niyang kasama lumapit din. Biglang sumikip ang paligid ko. “Uy, ang suplada,” sabi ng isa, sabay tawa. “Mas masarap pa naman ‘yan i-challenge.” parang demonyong sabi pa niya. Ramdam ko ang pagtaas ng inis ko. “Back off,” sabi ko, mas madiin na. Sinubukan kong humakbang palayo pero may humarang. At doon medyo kinabahan na ako. Hindi na ito biro. -------------------------------------- Sa kabilang banda sa isang madilim na sulok ng bar tahimik na nakaupo si Anton. Kanina pa siya naroon. At kanina pa rin siya nakamasid. Hindi siya sumasayaw, hindi rin siya nakikihalubilo. Tahimik lang pero matalim ang mga mata. At ngayon nakatutok ang tingin niya sa eksena sa dance floor. At sa mga lalaking nakapaligid. Dahan-dahan niyang ibinaba ang baso niya sa mesa. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nawala ang relaxed na aura. Napalitan ng malamig na tensyon. “Wrong move…” mahina niyang bulong. Bumalik ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang isang kamay na muntik nang humawak sa braso ko. Agad ko itong iniiwas. “Don’t touch me,” madiin kong sabi. Pero tila mas lalo lang silang naaliw. “Grabe, ang tapang,” sabi nung isa. “Mas gusto ko ‘yan.” Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi dahil sa takot lang kundi dahil sa galit. Hindi ako sanay na ginaganito. At hindi ako papayag. “Last warning,” sabi ko, diretso ang tingin sa kanila. “Umalis kayo.” Pero bago pa sila makasagot biglang may isang boses na sumingit. Malalim. Kalmado. Pero halata mo ang galit. “I think the lady already said no.” Parang biglang tumahimik ang mundo ko. Kahit maingay ang paligid parang nawala lahat ng tunog. Dahan-dahan akong napalingon. Nakita ko siya. Si Anton.... Nakatayo sa likod ko, matangkad, kalmado… pero ramdam mo agad ang bigat ng presensya niya. Hindi siya sumisigaw, hindi siya agresibo pero sapat na para mapansin siya ng lahat. “Problem?” dagdag niya, diretso ang tingin sa mga lalaki. Saglit na natahimik ang grupo. “Wala, pare. Nag-eenjoy lang kami,” sagot nung isa, pero halatang pilit ang tapang. Tumango si Anton, parang naiintindihan. “Good,” sabi niya. “Then enjoy somewhere else.” Simple, pero may diin. Yung tipong hindi mo gugustuhing kontrahin. Nagkatinginan ang mga lalaki, at ilang segundo lang isa-isa silang umatras. “Let’s go,” bulong nung isa sa kasama niya. At parang bula nawala sila. “Jas! Are you okay?!” agad na lumapit si Naji, hawak ang braso ko. Sumunod si Jiecel, halatang kinakabahan. “Grabe sila, akala ko may mangyayari na. ” “At ang kapal ng mukha nila!” singit ni Bea, nakakunot ang noo. “Mga feeling pogi!” Napabuntong-hininga ako. “I’m okay,” sabi ko, kahit ramdam ko pa rin ang mabilis na t***k ng puso ko. Tapos napatingin ako kay Anton. “Thank you,” sabi ko, mas mahina na ang boses ko this time. Saglit niya akong tinitigan. “At least marunong kang magsalita para sa sarili mo,” sagot niya. Napataas ang kilay ko. Compliment ba ‘yon… o lecture na naman? “Excuse me,” sagot ko, bahagyang napangiti, “kaya ko naman ‘yon.” “I know,” tugon niya. “But sometimes, timing matters.” Napairap ako. “Wow, philosopher ka rin pala.” Bahagyang ngumiti siya. At doon na naman yung ngiting ‘yon. Ay nako… eto na naman tayo. “Uy…” bulong ni Bea sa tenga ko. “Ito ba yung sinasabi mo kanina?” “Shut up,” bulong ko pabalik, pero ramdam ko ang init ng pisngi ko. “Siya nga!” excited na bulong ni Jiecel. “Ang lakas ng dating, girl,” dagdag ni Naji, halos mapakapit pa sa braso ko. “Guys, please…” pigil kong sabi, pero hindi ko rin maiwasang mapangiti. “Your friends?” tanong ni Anton, tumingin sa kanila. “Yes,” sagot ko. “Sila yung mga witness kung gaano ako ka-stressed today.” “Oi!” sabay reklamo ni Bea. “Hindi ka stressed, may lovelife ka lang bigla!” “BEA!” Napatawa si Anton. Hindi malakas pero maririnig mo. “At least hindi boring ang gabi mo,” sabi niya. Napatingin ako sa kanya. “Hindi nga…” sagot ko, mas kalmado na. “Thanks to you.” Saglit kaming nagkatitigan. At sa gitna ng ingay ng bar parang may sariling mundo yung sandaling ‘yon. Pero siyempre may mga kaibigan akong hindi marunong manahimik. “So… single ka ba?” biglang tanong ni Naji, diretso kay Anton. “NAJI!” sabay naming sigaw ni Jiecel. Napakamot ako sa noo ko. “Pasensya na,” sabi ko kay Anton. “Medyo… prangka sila.” “It’s fine,” sagot niya, hindi nawawala ang bahagyang ngiti. “Answer the question,” dagdag ni Bea, nakangisi. Napailing ako. Lord, kunin niyo na ‘ko. Pero si Anton, hindi nainis. Sa halip, tumingin siya sa akin. Diretso. “At this moment?” sagot niya. Saglit siyang huminto. “Let’s just say… complicated.” Hindi ko alam kung bakit pero parang may kung anong bumigat sa dibdib ko sa sagot niya. At doon ko narealize na hindi lang basta ang nararamdaman ko sa kanya, hindi ko lang masabi pero alam ko na magiging higit pa ito sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD