CHAPTER 15

1133 Words
ANTON DEVIER Hindi mawala sa isip ko ang babaeng may-ari ng kwintas. Kahit nasaan ako dala ko ito. Kahit nasa gitna ako ng trabaho, bigla ko na lang itong nahahawakan, parang may sariling buhay na humihila sa atensyon ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng floor-to-ceiling glass wall ng opisina ko, tanaw ang buong lungsod. Tahimik. Malayo sa ingay. Pero ang isip ko magulo. Mahigpit kong hawak ang kwintas na may hugis pusong pendant. Who are you… bulong ko sa kawalan habang pinagmamasadan ang kwintas. “Good morning sir, inform ko lang po kayo may meeting po kayo sa ‘Lopez Tradings’,” sabi ng secretary ko mula sa likod. Hindi ako agad lumingon. “Anong oras?” tipid kong tanong. “Within the hour po, sir.” magalang naman niyang sagot. Tumango ako. “Prepare the car.” utos ko. “Yes, sir.” Pagkaalis niya, muli kong tinignan ang kwintas. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, malapit ko nang mahanap ang babaeng ‘yon. At hindi ko pa alam kung gaano kalapit. Pagdating ko sa building ng Lopez Tradings, diretso na ako sa penthouse floor kung saan naroon ang opisina ng CEO. Tahimik. Malinis. Organized. Exactly how I like it. Pagbukas ng pinto, sinalubong ako ni Mr. Lopez. “Anton,” bati niya, sabay abot ng kamay. “Mr. Lopez,” sagot ko. Nag-usap kami tungkol sa business contracts, expansion, projections. Pero kahit gaano ako ka-focus may kung anong kakaibang pakiramdam. Parang… may kulang. “Jasmine, maupo ka muna saglit at tatapusin ko lang ang meeting ko kay Mr. Devier.” sabi ni Mr. Lopez ng biglang pumasok ang isang babae dito sa opisina niya. Doon ako napatingin. At doon ko siya unang nakita. Nakaupo sa gilid, nakaayos, may kumpiyansang hindi pilit. Maganda oo. Pero hindi ‘yon ang unang napansin ko. Yung presensya niya. Yung aura. At yung mata niya parang… may tinatago. Saglit akong napatitig. Bakit parang… Hindi ko matapos ang iniisip ko. May kung anong pamilyar. Pero hindi ko maipinpoint. Binalik ko ang atensyon ko sa usapan namin ng ama niya. Pero ilang beses akong napapatingin sa kanya nang hindi ko namamalayan. At sa bawat sulyap mas lalo akong naguguluhan. Hanggang sa matapos ang meeting. Tumayo ako. “Anton, this is my daughter, Jasmine,” pakilala ni Mr. Lopez. Jasmine… Inabot ko ang kamay niya. “Anton Devier.” pakilala ko sa sarili ko. Pagdikit ng balat namin biglang may pumasok na imahe sa isip ko. Isang gabi, isang babae. Malambot na labi, mahinang paghinga. At yung pakiramdam na hindi ko makalimutan. Bigla akong natigilan. Napatingin ako sa kanya. Hindi malinaw. Pero may koneksyon at sa unang pagkakataon hindi ako sigurado sa sarili ko. Feeling ko kilala ko siya pero hindi. “Nice to meet you, Mr. Devier,” sabi niya. Pero hindi ko agad binawi ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang ayokong bumitaw. Hanggang sa ako na mismo ang nagpaalala sa sarili ko, na kailangan ko ng bitawan ang kamay niya. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. “At ikaw pala ang anak ni Mr. Lopez,” sabi ko, pilit ibinabalik ang composure ko. Ngumiti siya. Confident. Alive. Malayo sa imahe ng babaeng nasa alaala ko kagabi na mahina… lasing… at nawalan ng malay. Pero may isang bagay na pareho. Yung pakiramdam. Habang nagsasalita siya tungkol sa reklamo niya pinapakinggan ko siya. Pero hindi lang ‘yon. Pinag-aaralan ko siya ang boses niya, ang galaw niya, ang reaksyon niya. At habang tumatagal lalo akong naguguluhan. Imposible… Hindi pwedeng siya. Pero bakit parang siya? At habang patuloy siyang nagsasalita hindi ko namalayang napahawak ako sa bulsa ko. Kung saan naroon ang kwintas. At sa unang pagkakataon naramdaman ko ang kaba. Sa isang tanong na hindi ko pa kayang sagutin, What if… siya nga? Pero imposible talaga.... Bahagya akong napailing habang pinagmamasdan si Jasmine. Hindi siya yung babaeng naaalala ko. Hindi siya mukhang mawawalan ng malay sa bar. Hindi siya yung tipong basta-basta sasama sa hindi kilala. At higit sa lahat hindi siya mukhang mahina. Baka nagkakamali lang ako. Pinilit kong alisin ang ideyang ‘yon sa isip ko. Ibang babae ‘yon. Kailangan kong tanggapin ‘yon. Pero kahit anong pilit ko may kung anong humihila pabalik sa atensyon ko sa kanya. Yung tapang niya. Yung paraan ng pagsagot niya sa ama niya—hindi bastos, pero hindi rin nagpapasindak. Yung tingin niya diretso at walang takot. Interesting… sabi ko sa isip ko Habang pinapakinggan ko ang reklamo niya tungkol sa flyers, hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya. Hindi dahil tama siya. Kundi dahil hindi siya sumusuko. Maraming tulad niya ang nakilala ko mga anak ng mayayaman na sanay sa pribilehiyo. Pero siya? Iba. Mayabang... oo. Pero may laman.= at muka siyang matalino. “At least marunong kang magsalita para sa sarili mo,” sabi ko sa kanya. Kita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Tinignan niya ako ng parang walang takot, may mataray na mukha at palaban kaya lalo akong naengganyo. “Then prove it,” sabi ng ama niya. Tahimik lang akong nakatingin kay Jasmine. Hindi ako nakialam, hindi naman kasi kailangan makialam. Alam kong kaya niya, pero gusto kong makita kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. Pagkalabas niya ng opisina hindi agad ako sumunod. Naiwan ako sandali, kausap si Mr. Lopez. Pero ang totoo nasa kanya pa rin ang isip ko. “Matigas ang ulo niyan,” sabi ni Mr. Lopez, napapailing pero may halong pagmamalaki. “Good,” sagot ko. “Mas madaling hubugin ang taong may sariling paninindigan.” dagdag ko pa. Napatingin siya sa akin. “May naiisip ka?” tanong niya. Bahagya akong ngumiti. “Maybe.” sabi ko. Makalipas ang ilang minuto, nasa loob na ako ng sasakyan ko. Hindi pa umaandar. Nakababa ang bintana. At mula doon nakita ko siya. Si Jasmine, hawak ang mga flyers. Mag-isa sa ilalim ng araw. Hindi nagrereklamo, hindi umaalis. Sa halipginagawa ang trabahong ibinigay sa kanya. Unti-unti siyang nilalapitan ng mga tao.Ngumingiti siya habang kinausap sila. At isa-isa tinanggap ng mga ito ang flyers niya. Napahilig ako sa upuan ko, pinagmamasdan siya. So you accepted it... At hindi lang basta tinanggap. Ginawa niya nang maayos. Mas maayos pa sa inaasahan ko. Hindi ko namalayang napangiti ako. Hindi yung tipikal kong ngiti. Kundi yung… totoo. “Not bad, Ms. Lopez,” mahina kong bulong. At doon lalo akong naging sigurado sa isang bagay. Hindi ko pa alam kung ano ang koneksyon niya sa babaeng hinahanap ko. Pero alam kong gusto ko pa siyang makita. Hindi dahil sa negosyo, kundi dahil hinahamon niya ako. At bihira lang mangyari ‘yon. Dahan-dahan kong pinaandar ang sasakyan. Pero bago tuluyang umalis kumaway ako. At nang makita kong napatingin siya bahagya akong ngumiti. Isang simpleng gesture, pero may ibig sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD