CHAPTER 16

829 Words
ANTON DEVIER Pagpasok ko sa opisina, sinalubong agad ako ng secretary ko. “Sir, nasa loob po ng office ang mga kaibigan ninyo.” Tumango lang ako at dumiretso sa loob. Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin sina Zev, Gray, Pax, at Darwin—lahat nakaupo sa couch na parang mga hari sa sarili nilang mundo. “What’s up, dude! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami naghihintay sayo dito?” bungad agad ni Zev. “Meeting,” maikli kong sagot habang inilalapag ang gamit ko sa table at umupo sa swivel chair. Binuksan ko ang laptop ko, ready na sana magtrabaho. “Why are you all here?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kanila. “Aayain ka sana naming mag-bar mamaya,” sagot ni Darwin. “Gusto lang namin mag-relax.” Napatingin ako sa kanya at napangisi. “Tigilan mo ako, bro. Gusto mo lang na naman kumuha ng babae,” pang-aasar ko. “Bakit? Tumitigas na naman ba yang armas mo?” “G*go ka talaga!” natatawang sagot ni Darwin habang binato ako ng unan. “Eh totoo naman ah,” singit ni Gray. “Hindi kumpleto ang gabi niyan kung walang nadadampot.” “Hoy, hindi lang ako!” depensa ni Darwin. “Kayo rin kaya lalo na ‘tong si Pax!” “Uy, low profile lang ako,” sabay taas ng kamay ni Pax, kunwari inosente. “Low profile daw oh,” natatawang sabi ni Zev. “Pero siya yung pinakamaraming naka-save sa contacts.” Dagdag pa niya. Napailing na lang ako habang nagta-type sa laptop. “Mga malilibog talaga kayo,” sabi ko. “Wow, akala mo naman hindi ka sumasama sa amin,” balik ni Zev. “Depende sa mood,” sagot ko. “At mukhang kailangan mo ngayon,” dagdag ni Gray, nakatingin sa akin. Hindi ako sumagot. Pero bahagya akong napangiti. “Order na tayo ng pagkain!” biglang sabi ni Darwin. “Gutóm na ako.” “Finally, may sense ka rin,” sagot ni Pax. Tumawag ako sa secretary ko. “Magpa-order ka ng pagkain. Good for five.” utos ko. “Yes, sir.” mabilis namang sagot niya sa kabilang linya. Ilang minuto lang, dumating na ang pagkain mga ulam, pasta, at inumin. Habang kumakain nag-uusap din kami tungkol sa negosyo, investments, at kung anu-ano pa. Hindi lang puro kalokohan. Ito yung dahilan kung bakit kami nagkakasundo. We balance each other, at mga business partner din kami sa ilang mga negosyo namin. Matagal na kaming magkakaibigan, magkakakilala ang family namin at pinalaki kaming 5 na laging magkakasama. Kaya magkakapatid na din ang turingan namin. Pagsapit ng alas sais, tapos na kami sa meeting namin. “Let’s go,” sabi ni Zev habang tumatayo. “Finally,” sagot ni Darwin, parang sabik na sabik. “Control mo sarili mo,” biro ko. “Walang control-control ngayong gabi,” sagot niya, sabay tawa. Pagdating namin sa bar, agad kaming umupo sa VIP area. Umorder agad kami ng maiinom, kwentuhan, tawanan, same old routine kapag magkakasama kami. Pero hindi nagtagal may pumasok na isang babae. Napatingin ako, parang pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang masyadong makilala dahil medyo madilim dito sa loob ng bar Hindi ko pa agad naisip kung saan ko siya nakita. Pero nang kumaway siya sa mga kaibigan niya nakita ko. Kasama niya ang ilang babae at doon ko naalala. Jasmine. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko. Tahimik lang akong nakamasid. Habang tumatagal ang gabi nakikita ko siyang tumatawa, umiinom, at kalaunan sumasayaw. At kahit anong pilit kong ibaling ang atensyon ko bumabalik pa rin ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa napansin ko ang isang grupo ng mga kalalakihan. Lumapit sa kanila habang nag sasayaw si Jasmine. Noong una, hindi ko pinansin. Normal lang ‘yon.Pero habang tumatagal parang may mali, lumalapit sa kanya ang mga lalaki at nakikita ko na parang binabastos na siya. At si Jasmine nakikita kong umiwas. Tahimik lang akong nakaupo. Pinagmamasdan ko kung ano ang susunod nilang gagawin. Hinahayaan ko muna. Gusto kong makita kung paano siya kikilos. At hindi ako nagkamali lumaban siya. Nakikita ko na kalmado siya pero halata sa mukha niya ang inis at galit sa mga kaharap niya. Hindi rin umaalis ang mga lalaki. At nang makita kong pinipilit na siya doon na ako tumayo. Naglakad ako papunta sa kanila. At huminto sa likod niya. Amoy ko pa ang pabango niya na medyo pamilyar. Nakita kong hinawakan ng lalaki ang braso ni Jasmine at pilit niya itong hinihila kahit pumapalag si jasmine. “I think the lady already said no.” Mababa ang boses ko. Pero sapat para tumahimik ang paligid niya. At nang maramdaman kong napalingon siya, alam kong nagulat siya. Pero hindi ko na inalis ang tingin ko sa mga lalaking nasa harap namin. Nakita ko silang natakot at sumenyas na rin ako sa mga bouncer ng bar. At sa sandaling ‘yon wala na silang choice kundi umatras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD