ANTON DEVIER Habang kausap ko si Jasmine, napansin kong papalapit ang mga kaibigan niya tatlong babae na halatang maiingay din at hindi papayag na hindi sila makikisali sa eksena. “Jas! Are you okay?!” unang lumapit ang isa, si Naji yata, hawak agad ang braso niya na parang bodyguard. “Grabe sila ha!” dagdag nung isa si Jiecel, nakakunot ang noo. “At ang kapal ng mukha!” sabat nung isa pa na si Bea, nakatingin sa direksyon ng mga lalaking umalis na. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Pinag mamasdan ko lang kung ano ba ang gagawin nila. Para silang mga parrot na dire-diretsong nagsasalita at walang gustong prumeno sa kanila. Maingay, magulo at handang ipagtanggol ang kanilang kaibigan. At halatang gusto nilang protektahan si Jasmine. “I’m fine,” sagot ni Jasmine, pero ramda

