JASMINE LOPEZ
Hindi ko alam kung kanino ako mas naiinis—sa mga kaibigan ko ba na walang preno sa pang-aasar, o kay Anton na parang sobrang kampante sa sarili niya.
Feeling gwapo…
Paglabas ko ng bar, hindi muna ako dumiretso sa sasakyan ko. Kailangan ko munang huminga.
Mainit pa rin ang ulo ko.
“Grrrr… grabe kang tiguang ka,” bulong ko habang nakapamaywang. “Feeling pogi ka masyado. Akala mo naman magugustuhan din kita.”
“Masakit ‘yan ah.” nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
Bigla akong napalingon, At ayun na nga nandoon siya.
Si Anton....
Nakasandal sa pader, naka-cross ang mga braso, parang kanina pa ako pinapanood.
“Stalker ka ba?” iritable kong tanong, napakayabang kasi ng datingan niya.
“Concerned lang,” sagot niya, kalmado at nakangisi pa.
“Concerned... Concerned ka dyan?” inis kong sabi. “Wow, big word coming from you.” sarcastic ko pang dagdag.
Lumapit siya ng konti, pero may distansya pa rin.
“Hindi ka ba dapat nasa loob?” tanong niya.
“Hindi ka ba dapat busy sa pagiging ‘complicated’ mo?” balik ko agad.
Saglit siyang natahimik, tapos napangisi.
“Tumpak! ” sabi niya. "Bakit ba biglang uminit ang ulo mo sa akin? Niligtas na nga kita kanina sa mga lalaking nangbastos sayo." Habol niya pa.
Napairap ako.
“Look, Mr. Devier—”
“Anton.” putol niya agad.
“Mr. Devier,” diin ko, “I can handle myself. Kanina pa dapat malinaw ‘yon sayo.” masungit kong sabi.
“Alam ko,” sagot niya. “Kaya nga hindi ako agad lumapit.” depensa naman niya.
Napakunot ang noo ko. “So you were watching?” tanong ko, na may halong inis.
“Yes.” diretsa niyang sagot.
Walang paligoy-ligoy.
“Wow,” napailing ako. “Ang saya mo siguro panuorin akong ma-harass, no?” I smirked.
"Ano ba ang ikinaiinis mo sa akin. Hindi naman ako ang nang aasar sayo. I'm aswering there question, may masaba ba doon?" Sabi niya sa akin.
"Whatever!" inis kong sabi.
Nakatingin lang siya sa akin at hindi siya nagsasalita. Naiinis ako sa kanya kasi ginagatungan niya pa mga kaibigan ko. Parang nag eenjoy pa siya na sinasabi sa kanya lahat ng napag usapan namin about him.
“I was making sure you’re safe. Yun lang kaya kita sinundan dito." sabi niya.
Napatigil ako sandali, bigla akong nakonsensya sa sinabi ko sakanya. Pero agad kong pinigilan ang sarili ko, basta ang yabang niya.
“Hindi ko kailangan ng bodyguard,” matigas kong sagot.
“Hindi rin ako nag-volunteer, pero since anak ka ng business partner ko I need to make sure na ligtas ka.” balik niyang s abi sa akin.
“Then why are you here?” diretso kong tanong.
Saglit siyang tumingin sa akin, hindi yung usual niyang titig. Mas mukang maamo na ang mukha niya at mukhang mabait.
“Because I want to be.” sagot niya.
Parang may kung anong kumabog sa dibdib ko. Nope, Hindi ako papadala sa mga buladas niya. Kilalang - kilala ko na ang mga ganyang galawan eh. Napailing ako at napaatras ng konti.
“Ang bilis mo naman,” sabi ko. “Kanina lang tayo nagkakilala, tapos ganyan na agad?”
“Paano ako naging mabilis? Huwag mong lagyan ng malisya ang pagtulong ko sayo,” sagot niya. “Ikaw lang ang mukhang galit at ungreatful, tinulungan na galit pa.” dagdag niya pa.
“Of course I’m mad!” sagot ko. “Una, kinontra mo ako sa office. Pangalawa, feeling close ka. Pangatlo—” hindi ko na natapos dahil bigla siyang nagsalita.
“Pangatlo?” tanong niya, bahagyang nakangisi.
“Pangatlo…” napahinto ako, “ang yabang mo!”
Natawa siya, hindi yung nakakainis kundi yung parang… naaaliw pa siya.
“Fair enough,” sabi niya.
“Hindi ka ba napapagod maging ganyan?” dagdag ko.
“Ganyan paano?” naakangisi niya pa ring sabi.
“Confident. Arrogant. Annoying.”
Napaisip siya sandali.
“Hindi naman ako nagrereklamo, normal na lang sa akin na masabihan ng ganyan. I used to it.” sagot niya.
“Of course you won’t,” napairap ako. “Sanay ka na siguro na lahat nahuhulog sayo.” maataray ko namang sagot.
Hindi siya agad sumagot, lumapit siya ng konti.
At biglang naramdaman ko ulit yung presence niya.
Kinakabahan ako sa tuwing madidikit siya sa akin, hindi ko kasi mapigilan na hindi mapasinghap.
“Hindi lahat,” mahina niyang sabi. "Pero kung yung sinasabi mong mayabang at arrogant, sanay na ako jan. Normal ko na yang naririnig." sabi pa niya. "Pero meron kang nakalimutan." dadag niya pa.
"Ano yun?" Tanong ko naman.
"Nakalimutan mong sabihin yung 'Gwapo' remeber kasama ka sa mga nagsabi nun."sabi niya sabay ngisi ng nakakaloko.
“Whatever,” sabi ko, pilit binabalik ang composure ko. “Hindi ko problema ‘yan.”
Tahimik siya sandali, tapos bigla na lang siya nag salita.
“Hatid na kita,” alok niya sa akin.
Napalingon ako agad sa kanya, tinatantya ko kung sincere ba siya sa sinabi niya. Mukha naman, pero hindi ako magpapaloko sa isang kagaya niya.
“No.” mariin kong pagtangi.
“Jasmine—”
Tawag niya sa pangalan ko. Akala niya siguro masisindak niya ako.
“I said no,” putol ko. “Kaya ko umuwi mag-isa. I have my Car, kaya hindi mo ako kailangang ihatid.” sagot ko sa kanya.
Saglit kaming nagtitigan.Hanggang sa siya ang unang umiwas.
Tumango siya ng bahagya, biglang sign ng pagsuko.
“Alright,” sabi niya. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mo," Simpleng sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit? Pero may konting disappointment na sumingit sa dibdib ko. Bakit parang ang bilis niyang umatras? Pero hindi ko na in-entertain yung isiping iyon.
“Good,” sabi ko, pilit.
Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa sasakyan ko. Hindi na ako lumingon. Hindi na ako nagsalita. At bago pa ako tuluyang sumakay may narinig akong huling salita mula sa likod ko.
“Drive safe, Ms. Lopez.”
Saglit akong natigilan. Pero hindi ako lumingon. Sa halip pumasok ako sa kotse at pinaandar ito. Habang papalayo hindi ko maiwasang mapahigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi ko alam pero parang may panghihinayang ako na hindi na lang ako nagpahatid sa kanya.....