ANTON DEVIER Makalipas ang isang lingo ay umalis kami patungong Australia kasama ang mga kaibigan ko. Paglapag ng eroplano sa Australia ay wala akong naramdamang excitement. Sa totoo lang hindi ko naman talagang gustong magbakasyon. Napilitan lang ako dahil sa pangungulit ng mga kaibigan ko. Mas gusto kong manatili na lang sana sa Pilipinas para gawin ang trabaho ko, kesa mamalagi dito ng ilang linggo. Habang naglalakad kami palabas ng airport ay abala ang mga kaibigan ko sa pag-uusap. Habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Napatingin ako sa paligid, hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman dito. Parang may nag sasabi sa isip ko na may mangyayari dito na hindi ko maintindihan. Naramdaman ko din ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi

