ANTON DEVIER Tatlong buwan na mula nang mawala si Jasmine sa buhay ko. Tatlong buwan na mula nang huli kong makita ang mukha niya. Tatlong buwan na rin mula nang huli kong narinig ang boses niya. At sa loob ng tatlong buwang iyon, pakiramdam ko para akong nabubuhay pero hindi talaga humihinga. Nawalan ako ng pakialam sa paligid ko, inubos ko ang oras ko sa pag inom at pagtawag sa mga taong nakakakilala kay Jasmine para magtanong kung alam ba nila kung nasaan siya. Sa umpisa, halos mabaliw ako kakahanap sa kanya. Pinuntahan ko lahat ng lugar na pwede niyang puntahan. Mga restaurant na madalas naming kainan. Yung beach resort na minsan niyang nabanggit na gusto niyang puntahan. Pati mga kaibigan niya kinausap ko. Si Bea, si Jiecel at si Naji lahat sila tinanong ko na. Pero iisa lang an

