JASMINE LOPEZ Alomost two weeks na lang ang hinihintay ko para masilayan ko na ang mukha ng anak ko. Kumpleto na rin ang gamit ng mga anak ko, maging ang gagamitin ko sa panganganak ay kumpleto na rin. Excited na si mommy at daddy na makita ang apo nila sa akin. Kahit madami akong masakit na pinagdaanan, balewala na siya ngayon. Mahalaga sa akin ay ang pagdating ng anak ko. Kapag naiisip ko siya nawawala ang lungkot ko. Sa ilang buwan ko na ring pamamalagi dito sa Australia ay nasanay na din ako. Feeling ko nga ayaw ko na ring umuwi sa Pinas, nasanay na ako sa tahimik na buhay na meron ako. "Jass!" Napalingon ako ng marinig ko ang malakas na tawag sa akin ni Mommy. "Jass! Tumatawag ang daddy mo, gusto ka daw niyang makita!" Dahan - dahan akong tumayo para puntahan si mommy. Pa

