JASMINE LOPEZ Naging maayos naman ang pagtira ko dito sa Autralia. Sa ngayon masaya na ako. Sa tingin ko unti- unti ko ng nakakalimutan ang sakit na dulot ng pag iwan ko kay Anton. Natanggap ko na na hindi kami ang para sa isa't isa. Naka focus na lang ako ngayon sa nalalapit na pag labas ng anak ko. Marami akong pangarap para sa aming mag ina, gusto kong maibigay ang best para sa kanya kapag lumabas na siya. Hindi pa man siya lumalabas sa mundo, mahal na mahal ko na siya. Kahit hindi ko kilala kung sino ang tatay niya, hindi yun magiging hadlang para maramdaman niyang may kulang sa buhay niya. Sisiguraduhin ko na pag labas niya, hindi siya magkukulang ng pagmamahal. Abala ako ngayon dito sa nursery room, inaayos ko ang mga gamit ng baby ko. Excited na akong makita siya ilang lingo na

