CHAPTER 6

1001 Words
JASMINE LOPEZ "Jass, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Naji sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa galit sa lalaking yon. "Okay lang ako, nakakagalit lang talaga. Yung tahimik na ako at tanggap ko na, bakit ba naman kailangan ko pa siyang makita dito kasama yung ipinalit niy sa aking mukhang paa?" inis na inis kong sabi. "Relax, hindi ka na dapat naaapektuhan sa kanya. Sinabi naman namin sayo noon pa na hiwalayan mo na siya, ikaw lang naman itong matigas ang ulo." sabi naman ni Jiecel. Napabuntong-hininga na lang talaga ako. “Hayaan mo na,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Ayoko na sayangin yung gabi ko dahil sa kanya.” “Yan ang gusto ko marinig!” biglang sigaw ni Naji sabay akbay sa akin. “Lipat tayo. Mas maganda vibes sa kabila.” “Game!” sagot ni Jiecel. Sumakay kami ulit ng Grab at ilang minuto lang, nakarating na kami sa isa pang bar. Mas lively ang atmosphere mas maraming tao, mas masigla ang music, at mas magaan ang pakiramdam. Higit ssa lahat walang masakit sa mata akong makikita. Pagpasok pa lang namin, parang unti-unting nawala yung bigat na dala ko kanina. Saglit kong nakakalimutan ang problema na pinapansan ko. “Uy!” sigaw ni Jiecel habang kumakaway. “Andito sila!” Lumapit kami sa isang table kung saan nandoon ang iba pa naming kaibigan na sina Carlo, Migs, at Trish. “Finally, kumpleto na!” sabi ni Trish sabay yakap sa akin. “Girl, anong chika? Mukha kang dumaan sa teleserye ah.” nakangiting tanong ni Trish. Napatawa ako ng bahagya. “Mamaya na ‘yan. Inom muna. Huwag niyo ng pag aksahan ng oras ang lovelife ko, nandito tayo para mag enjoy hindi para makinig sa mga hinagpis ko.” biro ko din sa kanila. Sabay sabat kaming nagtawanan at doon nagsimula ang mas masayang gabi. Sunod-sunod ang kwentuhan, tawanan, at kulitan. May mga biruan na halos hindi na kami makahinga kakatawa. Paminsan-minsan may sumasayaw, may kumakanta sabay sabay, at may nagkukulitan sa gitna dance floor. “Jass, shot!” abot ni Carlo ng baso. “Teka lang.. last na ‘to ha!” sabi ko, pero natawa rin ako dahil ilang beses ko na ‘yang sinabi. Habang tumatagal, pakiramdam ko bumabalik na ako sa dati... yung masayahin, carefree, at hindi nagpapatalo sa sakit. At kahit papaano… gumagaan na ang pakiramdam ko. Salamat sa mga kaibigan na kasama ko ngayon. Hindi ko na namalayan ang oras. “Guys… 3 a.m. na,” sabi ni Migs habang tinitingnan ang phone niya. “Ha?!” gulat naming sabay-sabay. “Uwi na tayo,” sabi ni Naji. “Baka mapagalitan ka na naman, Jass.” Napairap ako pero napangiti. “Too late for that. Hindi alam ng parents ko na lumabas ako and I'm sure mahimbing pa ang tulog nila ngayon.” sagot ko. Nagpaalam kami sa iba at sabay-sabay lumabas. Medyo malamig ang hangin sa labas, at doon ko naramdaman ang pagod, hilo at pagkalasing. “Hatid ka namin,” sabi ni Naji. “Okay,” sagot ko. Nag book sila ng Grab at ng dumating ay agad kaming sumakay. Ako ang una nilang hinatid dahil sa iisang condo lang naman sila nakatira. Tahimik na ang biyahe pauwi. Nakasandal lang ako sa upuan, pinapanood ang mga ilaw sa labas. Sa wakas, kahit sandali nakalimot ako. Pagdating namin sa bahay, bumaba ako ng sasakyan. “Text mo kami pag nakapasok ka,” paalala ni Jiecel. “Oo na,” sagot ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gate. "Good morning ma'am, lagot na naman po kami sa mommy mo. Hindi na naman po namin napansin na lumabas kayo." sabi sa akin ni Tatay Ambo ang matagal na naming guard. "Sagot ko po kayo, Tay." Nakangiti kong sabi. Pumasok na ako sa loob ng gate at naglakad hanggang makarating ako sa may pinto. Tahimik kong binuksan iyon at pumasok, nakatingkayad pa akong naglakad papasok sa loob. Pero pagpasok ko pa lang ng pinto, napatigil ako. Nakatayo si Mommy sa sala. Naka-cross arms pa at gising na gising. At halatang galit. “Jasmine Lopez.” malakas niyang tawag sa pangalan ko. Dinig na dinig ito sa madaling araw. Napalunok ako. “Good morning po…” pilit kong ngiti. “Anong oras na?” malamig niyang tanong. “Uh… medyo late po," nagpa-puppy eyes pa ako sa kanya para hindi siya masyadong magalit sa akin. “Late?” ulit niya, tumaas ang boses. “Alas tres na ng madaling araw, Jasmine!” Napatungo ako. “Akala mo ba hindi kita mapapansin?” tuloy niya. “Tumawag pa ako sa mga kaibigan mo kanina!” “Sorry po, Mom…” mahina kong sabi. “Sorry? Yan lang?” hindi pa rin siya kumakalma. “Ganito ka ba pinalaki? Lumalabas ng dis-oras ng gabi nang hindi nagpapaalam?” alam kong galit na siya at hindi ko na makukuha sa lambing. Hindi ako makasagot. “Sumagot ka!” madiin niyang utos. Napapikit ako sandali. “Nagkamali po ako… I'm sorry, Mom., hindi na po mauulit. ” sagot ko, medyo nawala ang lasing ko dahil sa kaba. “Hindi ‘yan simpleng pagkakamali,” sagot niya. “Irresponsibility ‘yan!” halos dumagundong ang boses ni mommy sa bawat sulok ng living area namin. Tahimik lang ako, tinatanggap lahat ng sinasabi niya. “Simula bukas,” dagdag niya, “hindi ka na basta-basta lalabas. At magfo-focus ka na sa trabaho mo sa kumpanya. Naiintindihan mo ba?” “Opo…” mahina kong sagot. “Pumasok ka na sa kwarto mo,” sabi niya sa huli, halatang dismayado. Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan, mabigat ang bawat hakbang. Pagpasok ko sa kwarto, saka lang ako napasandal sa pinto. Napapikit ako, isang gabi ng saya; kapalit naman ng sermon at realidad. Huminga ako nang malalim. Mukhang kailangan ko na talangang maging seryoso sa buhay ko. Kailangan ko nang harapin ang mga desisyon ko… at ang buhay na naghihintay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD