JASMINE LOPEZ
Pagkatapos namin mag usap ng mga kaibigan ko ay naghanda na ako. May usapan kami na magkikita sa Bar, hindi ako pwede magkulong dito sa kwarto ko dahil baka maloka ako kakaisip doon sa lalaking naka one night stand ko.
Mamaya kapag tulog na ang parents ko ay tatakas ako, sasakay na lang ako ng Grab para hindi nila mapansin na umalis ako.
Tahimik na ang buong bahay habang nakahiga ako sa kama, kunwari’y natutulog. Ilang beses kong tiningnan ang oras sa cellphone ko.
10:47 p.m.
Naririnig ko na ang mahinang ugong ng aircon sa kabilang kwarto nina Mommy at Daddy, senyales na tulog na sila.
Dahan-dahan akong bumangon sa aking kama. “Game na,” bulong ko sa sarili ko.
Maingat akong nagpalit ng damit, isang simpleng fitted dress, para hindi masyadong halata pero hindi rin pahuhuli sa bar. Inayos ko ang buhok ko ng pataas at medyo kinulot ko pa ang dulo saka ako naglagay ng kaunting make-up.
Kinuha ko ang bag ko at tahimik na lumabas ng kwarto buhat ang sandals ko. Bawat hakbang ko pababa ng hagdan ay sinisigurado kong walang ingay. Nang makarating ako sa sala, saglit akong huminto at nakinig.
Nang masiguro kong tulog na lahat ng tao at tahimik na ang buong kabahayan, ay saka dahan-dahan kong binuksan ang pinto at mabilis na lumabas. Agad ko din iyong isinara nang marahan bago tuluyang huminga ng maluwag ng makalabas na ako ng bahay.
Nagpunta ako sa likod ng bahay kung saan naroon ang isang maliit na gate. Meron akong susi noon na hindi alam ng parents ko kaya madalas akong makatakas sa gabi.
Nag-book agad ako ng Grab pag labas ko at ilang minuto lang ay nakasakay na ako.
Habang nasa biyahe, pilit kong inaalis sa isip ko ang lahat lalo na ang nangyari sa akin kagabi. Gusto ko lang mag-enjoy kahit sandali. Pagdating ko sa bar, agad kong nakita sina Naji at Jiecel sa isang table.
“Finally!” sigaw ni Naji nang makita ako. “Akala ko hindi ka na sisipot.”
“Malabo,” sagot ko sabay upo. “Kailangan ko ‘to. Kailangan kong libangin ang sarili ko, kung hindi mababaliw ako.” sagot ko sa kanya.
“Yan, ganyan dapat,” natatawang sabi ni Jiecel. “Inom muna bago drama.” ani niya. Saka niya ako binigyan ng tequila at lemon.
Napangiti ako at agad na inimon ang tequila na binigay niya. .
Ilang shot pa lang, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Natawa na rin ako sa mga kwento nila. Kahit papaano, nakakalimot ako.
Pero panandalian lang pala. Habang tumatawa ako, bigla akong natigilan. Parang may pamilyar na presensya. Dahan-dahan akong napalingon sa kabilang side ng bar at doon ko siya nakita.
Si Marco.
Kasama na naman ang babaeng kahalikan niya kagabi. Parang biglang nanikip ang dibdib ko.
“Jas?” napansin ni Naji ang pagbabago ng mukha ko. “Anong meron?”
Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kanila. Hanggang sa mapansin din ako ni Marco. Nagulat siya, halatang hindi niya inaasahan na makikita niya ako doon. Tumayo siya at naglakad palapit sa amin.
“Jasmine,” tawag niya.
Napairap ako. “What do you want?” mataray kong sagot.
“Can we talk?” tanong niya, parang walang nangyari.
Natawa ako, pilit na kinakalma ang sarili ko.
“Talk? Seryoso ka ba?” sagot ko. “After what I saw?”
“Hindi mo kasi naiintindihan.” sabi niya.
“Ano pa bang iintindihin ko, Marco?” putol ko, medyo napalakas ang boses ko. “Kitang-kita ko na, ah. You are a cheater! Hindi ka lang cheater manggagamit ka pa!" masakit na salitang binitawan ko.
Napatingin ang ibang tao sa amin.
“Jas, wag dito,” bulong ni Jiecel, pinipigilan ako.
“Sumama ka sa’kin,” pilit ni Marco, hahawakan sana ang braso ko. Pero agad akong umatras.
“Don’t touch me,” madiin kong sabi.
Doon na sumingit yung babaeng kasama niya.
“Excuse me? Bakit parang ikaw pa yung galit?” mataray niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa.
“At ikaw, sino ka?” sagot ko, malamig ang tono at nakataas ang kilay ko.
“Girlfriend niya,” taas-noo niyang sagot.
Parang may sumabog sa tenga ko.
“Girlfriend?” ulit ko, napatawa ulit ako pero halatang galit. “Wow, ang bilis.”
“Jasmine, please—” singit ni Marco, halatang naiipit.
“Tumahimik ka,” putol ko sa kanya. “Wala ka nang karapatang kausapin ako.”
“Hindi pa tapos ‘to,” sabi ng babae, tila hinahamon ako.
Lumapit pa siya ng kaunti, halos magkadikit na kami.
“Anong gusto mo? Mag-eskandalo?” tanong ko, tinaasan ko siya ng kilay.
“Kung kailangan,” sagot niya.
“Try me,” balik ko. "Tingin mo natatakot ako sa'yo? Kayo ang lumapit sa akin, tapos kayo pa ang may ganang manghamon. Just give it a shot, girl, kung matapang ka," nakangisi kong sabi.
Akala niya yata papasindak sa mukha niyang mukang paa. Wala pa ang naka bully sa akin kahit isa kay subukan niya.
“Jas, tama na,” pigil ni Naji, hinahawakan ang braso ko.
Pero ramdam ko na ang galit na kanina ko pa pinipigilan.
“Alam mo,” sabi ko, diretso sa babae, “kung proud ka sa lalaking ‘yan, good for you. Pero basura ‘yan.”
“Hoy!” sabay na sigaw nila ni Marco.
“Oops, tinamaan ka ba?” dagdag ko in a sarcastic way.
Biglang tinulak ako ng babae. Napaatras ako ng isang hakbang. Nag init ang ulo ko, kaya isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa mukha niya. Na halos ikatumba niya.
“Ano ba!” sigaw ni Jiecel habang sinusubukang awatin kami.
Bago pa lumala, may mga bouncer nang lumapit at pinagitnaan kami.
“Ma’am, sir, please calm down,” sabi ng isa.
Huminga ako nang malalim, pilit kinokontrol ang sarili ko.
"I warned you, but you pushed me to the limit. Mag demanda ka na lang kung gusto mo." pang aasar ko sa kanila.
Tiningnan ko si Marco sa huling pagkakataon.
“Hindi ka kawalan,” malamig kong sabi.
Pagkatapos, tumalikod ako at hinila sina Naji at Jiecel palabas ng bar. Paglabas namin, saka lang ako napahinto.
Mabilis ang t***k ng puso ko. Ramdam ko ang sakit at galit sa lalaking minahal ko pero niloko lang ako.
Pero kahit ganito ang nangyari, pasalamat pa rin ako dahil maaga ko ng nalaman na manloloko pala siya. Masakit 'Oo' pero mas masakit kung tatagal pa ang relasyon namin. At mas marami pa siyang makukuha sa akin dahil sa katangahan ko.