JASMINE LOPEZ
Uminom muna ako ng pain reliever bago ako matulog. Dahil sa pagod at sakit ng katawan ko ay agad din naman akong nakatulog.
Hindi ko namalayan na pagabi na pala. Nagising ako dahil sa mahihinang katok na nagmumula sa aking pintuan.
"Pasok!" malakas kong sigaw.
Pumasok ang kasambahay naming si Ate Sabel.
"Ma'am Jass, pinapatawag ka na po ng Mommy mo, mag di-dinner na daw po kayo." Sabi niya sa akin.
Agad kong tinignan ang relo sa side table ko. Nanlaki pa ang mata ko ng makita ko na 7 p. m. na pala.
"Sige po ate, pakisabi po na susunod na ako. Maghihilamos lang po ako." Sabi ko.
Tumango si Ate Sabel bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakaupo sa kama, sandaling tulala bago napabuntong-hininga.
Mabigat pa rin ang katawan ko, pero mas mabigat ang isip ko.
“Focus ka muna, Jasmine,” bulong ko sa sarili ko.
Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Mabilis akong naghilamos at inayos ang sarili ko. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin—medyo namumugto pa ang mga mata, halatang nasobrahan na ako sa tulog.
Inayos ko ang sarili ko bago ako bumababa. Hindi ako pwedeng humarap sa mga magulang ko na mukha akong distracted, dahil sigurado akong magtatanong sila.
Pagbaba ko sa dining area, nandoon na sina Mommy at Daddy. Tahimik silang nakaupo habang hinihintay ako.
“Good evening po,” bati ko, sabay upo sa bakanteng silay sa tabi ni Mommy.
“Good evening,” sagot ni Mommy, may halong pagsusuri ang tingin sa akin. “Ayos ka lang ba? Mukha kang pagod.”
“Okay lang po,” mabilis kong sagot. “Medyo inaantok pa po kasi ako.” pagdadahilan ko.
Hindi na siya nagsalita, pero ramdam kong hindi siya kumbinsido.
Tahimik kaming kumain sa unang ilang minuto. Kutsara at tinidor lang ang maririnig sa mesa, hanggang sa magsalita si Daddy.
“Jasmine,” seryoso niyang tawag.
Napatingin ako sa kanya. “Yes, Dad?”
“Napag-usapan namin ng mommy mo,” simula ni daddy, “panahon na siguro para magsimula ka nang magtrabaho sa kumpanya natin.” seryoso niyang sabi.
Parang biglang nawala ang gutom ko.
“Ano po?” kunot-noo kong tanong.
“I want you to work with us,” dagdag niya. “Pero hindi bilang boss agad. Magsisimula ka sa mababang posisyon.” sabi niya na lalong ikinalaki ng mata ko. Hindi ako makapaniiwala sa sinabi ni Daddy.
Napabuntong-hininga ako at napailing.
“Dad, seryoso ba kayo?” medyo nataasan ko na ng boses. “Anak niyo ako, tapos magsisimula ako sa mababang position? Para saan pa?” inis kong sabi.
“Para matuto ka,” diretso niyang sagot. “Para maintindihan mo kung paano umikot ang negosyo. Hindi puro utos lang.” muling sabi ni Daddy.
Nakita ko naman si mommy na nakikinig lang at walang balak manghimasok sa usapan namin ni Daddy.
“Pero Dad—” napailing ako, halatang hindi sang-ayon. “Kaya ko naman matuto kahit hindi ako nagsisimula sa baba. Pwede naman akong mag-manage agad,” pag kumbinsi ko sa kanya.
“Hindi,” putol niya, matigas ang tono. “Hindi gano’n ‘yon, Jasmine.”
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara.
“Parang wala naman kayong tiwala sa akin,” sabi ko, may halong tampo at inis.
“Hindi ‘yon tungkol sa tiwala,” singit ni Mommy, mas mahinahon. “Tungkol ‘to sa paghahanda sa’yo. Pagdating ng araw na mahina na kami ng daddy mo, ikaw na ang mag mamanage ng kumpanya. Kaya ngayon pa lang ay hinahanda ka na namin.” wika pa ni Mommy.
“Eh bakit kailangan pa sa pinakamababa?” balik ko. “Nakakahiya kaya ‘yon.” maarte ko pang sabi.
Doon na tuluyang tumigas ang ekspresyon ni Daddy.
“Nakakahiya?” ulit niya, mababa pero mariin ang boses. “Walang nakakahiya sa marangal na trabaho, Jasmine.”
Natahimik ako sandali, pero hindi pa rin ako kumbinsido.
“Ayaw ko,” diretso kong sabi.
Saglit na natahimik si daddy pero kita ko ang nagbabadyang galit sa kanyang mga mata.
“Hindi ka tinatanong kung gusto mo o hindi,” malamig na sagot ni Daddy. “Ito ang kailangan mong gawin. Imbes na makipag party ka kasama ng mga kaibigan mo. Mas maganda na nasa kumpanya ka para natututunan mo kung paano magpatakbo ng negosyo natin. ”
“Dad, naman eh. ” sabi ko na parang gusto ko ng maiyak.
“If you want to prove yourself,” putol niya ulit, “dito ka magsisimula. Hindi ka special sa kumpanya. Kailangan mong pagdaanan kung anong dinaanan ng iba.”
Napakagat ako sa labi ko. Ramdam ko ang inis na unti-unting napapalitan ng pagdududa sa sarili.
Hindi ako sanay na tinatanggihan. Hindi ako sanay na hindi nasusunod ang gusto ko. Pero sa paraan ng tingin ni Daddy sa akin—seryoso, at galit alam kong hindi siya magbabago ng desisyon.
Napabuntong-hininga ako nang malalim.
“Fine,” sabi ko sa huli, halatang napilitan. “Papayag ako.”
Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Mommy.
“Good,” sabi ni Daddy. “You’ll start next week.”
Hindi na ako sumagot. Tahimik na lang akong kumain ulit, pero sa loob-loob ko, alam kong hindi magiging madali ang papasukin kong mundo.
Matapos kong maghapunan ay bumalik na ako sa silid ko. Wala akong magawa, gusto ko sana mag bar ngayong gabi pero wala naman akong kasama at baka mahuli ako ni daddy na aalis ng bahay. Habang nakaupo ako dito sa kama ko at hawak ang cellphone ko ay naisipan kong tawagan ang kaibigan ko.
Nagvideocall ako sa kanila at agad naman silang sumagot.
"Gurl, kamusta ka na. Nakakaloka ka, bigla ka na lang nag disappear kagabi." Sabi ni Jiecel.
"Where have you been last night, tinawagan ako ni Tita hindi ka raw umuwi?" Sabi naman ni Naji.
Napabuntong-hininga ako at napahiga sa kama habang hawak ang cellphone.
“Mahabang kwento,” sagot ko, pilit na ngumiti kahit halatang pagod ang mukha ko sa screen.
“Sige nga, kwento mo na ‘yan,” pangungulit ni Jiecel. “Mukha kang dumaan sa gyera, ha.” natatawa niya pang sabi.
Napairap ako ng bahagya. “Pwede bang wag muna ngayon? Hindi pa ako ready ikwento.”
Nagkatinginan silang dalawa sa screen, halatang may iniisip.
“Jas…” mahinang tawag ni Naji, “may nangyari ba kagabi?”
Hindi agad ako nakasagot. Saglit akong natahimik, pinipilit kong ikubli sa kanila ang nararamdaman ko.
“Basta… mali ‘yung ginawa ko,” diretsong sabi ko, umiwas ng tingin sa camera.
“Ano?!” sabay na reaksyon nila. "Spill the tea na, akala ko ba no secrets sa ating tatlo." pangongonsensya ni Naji.
“Hoy, wag kayong maingay,” saway ko agad, kahit ako mismo kinakabahan. “Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko kagabi. Lasing ako, nasaktan ako… tapos—” Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko.
“Jasmine…” bulong ni Jiecel, mas seryoso na ang tono niya ngayon. “Hindi mo naman pinilit ‘yung sarili mo, ‘di ba?”
Napailing ako agad. “Hindi. It was my decision… pero—” napapikit ako sandali. “Hindi ko siya kilala.” Nanlaki ang mata nilang dalawa.
“Wait… what? As in stranger?” gulat na tanong ni Naji.
Tumango ako ng dahan-dahan.
“Jas, ang lala mo,” sabi ni Jiecel, pero hindi galit, halatang nag-aalala. “Okay ka lang ba talaga?” muli niyang sabi, bakas pa sa boses niya na nag woworry siya sa akin.
“Hindi ko alam,” sagot ko ng totoo. “Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako. Parang… ginawa ko lang ‘yon para makaganti kay Marco. Pero sa totoo lang, ako rin yung nasaktan lalo. Akala ko makakaganti ako, pero ang ending, ibinigay ko lang ang virginity ko sa isang lalaki na ni hindi ko man lang kilala. ” may lungkot na ang boses ko.
Natahimik silang dalawa.
“Tanga ka talaga minsan,” sabi ni Naji, pero malambing ang tono. “Pero nandito lang kami, okay? Hindi ka nag-iisa, kung kailangan mo ng kausap o ng makakasama, feel free to call us. Alam mong dadamayan ka namin anytime."
Napangiti ako ng bahagya. “Salamat.”
“Anong balak mo ngayon?” tanong ni Jiecel.
Napabuntong-hininga ulit ako. “Ewan ko. Magtatrabaho na daw ako sa company ni Dad next week.”
“Ha? Biglaan naman,” sabi ni Naji.
“Mas nakakainis pa doon,” dagdag ko, “magsisimula daw ako sa mababang position.”
“Good!” biglang sabi ni Jiecel.
Napakunot-noo ako. “Excuse me?”
“Girl, experience ‘yon,” paliwanag niya. “Hindi ka pwedeng boss agad nang hindi mo alam ginagawa ng mga tao mo.”
Napaisip tuloy ako, sabagay may point siya.
“Kampi ka pa talaga sa kanila, ha,” reklamo ko.
“Hindi sa kampi,” sagot niya. “Real talk lang.”
Napailing ako pero napangiti rin ng konti. “Kayo talaga.”
“Tsaka distraction mo na rin ‘yan,” dagdag ni Naji. “Para hindi ka masyadong mag-isip tungkol sa… kagabi.”
Natahimik ako saglit.
“Yeah… siguro nga,” mahina kong sagot.
Bigla kong naalala yung picture sa phone ko. Napatingin ako sa gallery ko, at nandoon pa rin—yung lalaking hindi ko kilala, pero hindi ko rin basta makalimutan. Hindi lang malinaw ang kuha ko ssa mukha niya kasi nakatagilid siya at nakapikit. Kalahati lang ng mukha niya ang kita ko.
“Jas?” tawag ni Jiecel.
“Hmm?”
“Sure ka bang okay ka lang?” tanong niya. “I mean… hindi mo man lang kilala ‘yung guy, as in hindi mo man lang ba nakita yung mukha?” tanong ni Jiecel.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.
"Hmm... Nakita ko naman may picture nga siya sa cellphone ko, pero hindi rin naman malinaw. If ever makasalubong ko siya ngayon hindi ko rin siya makikilala." Sagot ko.
"Pero, what if... What if lang ha... What if kung mabuntis ka?" Tanong ni Naji.
Hindi ko agad naisip yun, may posibility nga na mangyari yun; pero huwag naman sana. Pero if ever nga, walang kinalaman ang magiging anak ko sa mga maling desisyon ko sa buhay, kaya siguro itutuloy ko at papalakihin ko na lang siyang mag isa. Sasabihin ko na lang na patay na ang daddy niya para wala ng maraming tanong.