CHAPTER 3

1238 Words
JASMINE LOPEZ Pag pasok ko sa loob ng bahay namin ay nakasalubong ko si Ate Anet, isa sa mga kasambahay namin. "Ate, umalis po ba si Mommy?" tanong ko. "Hindi po, Ma'am, kagabi pa nga po kayo hininhintay." Sagot naman niya sa akin. "Nandoon po si Senyora sa garden niya. Muling sabi ni Ate Anet. " Salamat ate, pakisabi po kapag pumasok si Mommy nasa silid lang po ako. Matutulog lang po ako at mamaya ko na siya kakausapin." utos ko. " Okay po Ma'am, " Magalang naman na sagot niya. Umakyat na ako sa hagdan para pumunta sa silid ko. Ramdam ko pa ang pananakit ng gitnang bahagi ng aking katawan habang humahakbang ako paakyat sa hagdan. Hindi ko akalain na magagawa kong ibigay ang aking sarili sa isang lalaki na hindi ko man lang kilala. "Jasmine!" sigaw ni Mommy sa pangalan ko na muntik kong ikalaglag sa hagdan dahil sa gulat. "Ano bang nangyari sayo iha? Bakit ganyan ka maglakad?" Tanong ni Mommy. Para akong nakainom ng suka dahil sa tanong niya, bigla akong kinabahan. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nangyari dahil baka ika taas ng blood pressure niya. "Wala po, Mom, nangalay lang po kasi ang layo ng nilakad namin kagabi," pagsisinungaling ko. "Where have you been last night? I've been waiting for you all night," sabi ni Mommy. "I'm sorry, Mom. I'm just with my friends," simpleng sagot ko. "Mauna na po ako, gusto ko na pong matulog," paalam ko. "Aba,, Jasmine, pagkatapos kitang hintayin buong gabi ganyan lang ang sasabihin mo sa akin. Ni hindi ka man lang tumawag sa akin kagabi para sabihin na hindi ka makakauwi." Medyo mataas na ang boses ni Mommy. Wala akong magawa kundi ang umaktong walang masakit sa akin. Napilitan akong bumaba sa hagdan para lapitan siya. "Mom, sorry na, nakalimutan ko lang po talaga." malambing kong sabi sa kanya. "Jasmine, ano ba yang amoy mo? Ang sakit sa ulo, amoy alak ka pa!" galit na sabi sa akin ni Mommy. Nakalimutan ko na ayaw niya nga pala na uminom ako ng alak. Hindi raw maganda sa kagaya kong babae na uminimo lalo pag sa labas dahil baka kung ano raw ang mangyari sa akin. Pero dahil sa ginawa sa akin ng lintik na Marco na yun, pati pangaral sa akin ni Mommy nakalimutan ko dahil sa galit ko. "I'm sorry ma'am, hindi po kasi ako nakatangi sa mga friends ko. Promise I wont do it again." Sabi ko. "Okay, just go to your room and take a shower, I can't believe natatagalan mo ang amoy mo." Sabi pa ni Mommy habang panay ang punas niya ng ilong niya. Napapailing na lang ako at natatawa dahil sa reaction ni mommy sa akin. Alam kong nakatingin pa sa akin si Mommy kaya todo effort akong maglakad nang diretso. Pilit kong inaayos ang bawat hakbang ko, kahit ramdam ko na parang bumibigay ang tuhod ko sa sakit. Hindi pwedeng mahalata niya. Kapag napansin niyang iika-ika ako, siguradong uulan na naman ng tanong at mas malala, baka ipilit pa niya akong ipacheck-up. Napakagat ako ng labi habang dahan-dahang naglalakad palayo sa kanya. Kahit gusto ko nang mapangiwi, pinigilan ko. Hindi ko kayang magpahalata. Nag-iisa lang akong anak kaya halos lahat ng atensyon nila nasa akin. Alam kong sobrang mahal ako ng Mommy ko… at iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko kayang ipakita sa kanya na nasasaktan ako. "Anak, okay ka lang ba?" pahabol niyang tanong. Saglit akong natigilan pero hindi ako lumingon. "Okay lang po, Mommy. Pagod lang," mabilis kong sagot, sabay tuloy ng lakad. Sana lang hindi niya napansin ang bahagyang pag-iba ng boses ko. Pagpasok ko sa silid ko, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Parang doon lang ako pinayagang bumigay. Isinara ko agad ang pinto at sumandal doon, ipinikit ang mga mata habang pilit na kinokontrol ang paghinga ko. Ramdam na ramdam ko na ngayon ang sakit ng gitnang bahagi ng aking katawan, parang malalaglag ang petchay ko, ganun ang feeling ko. Bukod pa doon pakiramdam ko namamaga pa siya. "Ang sakit…" mahina kong bulong sa sarili. "Gaano ba kasi kalaki ang batuta na pumasok sa akin. Kundi ka ba namain kasi tanga Jas, nagpakalasing ka alam mo naman na hindi ka sanay uminom ng alak." Kastigo ko sa sarili ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo, gusto ko ng maligo para mawala na ang amoy ng alak sa katawan ko. Pagkapasok ko, agad kong binuksan ang gripo ng bathtub. Unti-unting napuno ng maligamgam na tubig ang tub habang tahimik akong nakatayo, nakahawak sa gilid para hindi mawalan ng balanse. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. "Gosh, muka akong pagod na palaka, I can't believe ganito ang hitsura ko ngayon. " Jas, si Marco lang yun, kailangan mo ng mag move on. Marami ka pang makikilalang lalaki na mas better kesa sa kanya at hindi manloloko." kumbinsi ko sa sarili ko. Nang mapuno na ang bathtub, maingat akong pumasok. Dahan-dahan akong lumubog hanggang sa halos buong katawan ko ay nakababad na. Ipinikit ko ang mga mata ko, hinayaan ang sarili kong mag-relax kahit saglit. Ramdam ko kung paano unti-unting lumuluwag ang mga naninigas kong kalamnan. Medyo nabawasan ang sakit at hapdi nanararamdaman ko sa aking perlas. Napahinga ako nang malalim. Sa wakas… kahit paano, gumagaan. Ganito pala ang feeling na ma devirginized. Sayang lang talaga at hindi ko na enjoy. Ibinigay ko na rin lang ng kusa sana man lang na enjoy ko. " natatawa akong sabi ko sa isip ko. " Jasmine, umayos ka, kalimutan muna ang lalaking yun. Ang nagyari sa inyo ay isang malaking pagkakamali. Hindi muna kailangang isipin pa." Muli kong sabi sa sarili ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa bath tub habang naliligo. Nagising na lang ako sa malakas na iyak ni Mommy. "Jasmine, anak, anong ginawa mo? Bakit hindi ka nagsabi sa akin ng problema mo? Bakit mo ito ginawa?" naririnig kong sabi ni Mommy habang malakas ang iyak niya. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko. Nagulat ako ng makita ko na may mga tao nga sa loob ng banyo ko. "Mom, anong ginagawa ninyo dito?!" malakas kong tanong sa kanya. "Jasmine, buhay ka!" gulat niyang sabi. "Mom, buhay po talaga ako,. Bakit ka ba po kasi naiyak?" "Tinawag kasi ako nito ni Anet, ang sabi nagpakamatay ka daw." Paliwanag sa akin ni Mommy. "Nakatulog lang po ako, pero hindi ako nagpakamatay. MOmmy, nagiging Over acting ka na po, sabi ko sayo bawasan din ang pagkakape." Biro ko sa kanya. "Lumabas na po kayo at magbabanlaw na po ako." Utos ko sa kanila. Napakamot na lang ako ng ulo ko ng lumabas sila mommy kasama si Ate Anet, hindi ako makapaniwala na iniyakan ako ni mommy habang natutulog. Naging patay tuloy ako ng ilang minutes. Napapailing na lang talaga ako dahil sa ginawa ni Mommy. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na rin ako sa banyo at nagbihis ng pantulog ko. Nagpatuyo lang ako ng aking buhok at nahiga na rin ako sa aking kama. Maaga pa pero feeling ko antok na antok na ako. Bigla ko na naman naalala ang nakita kong pakikipaghalikan ni Marco sa ibang babae. Tama nga ang mga kaibigan ko, ginawa niya lang akong sugar mommy niya. Napakatanga ko dahil nagpauto ako sa pangit na yun. Simula bukas kakalimutan ko na siya at kakalimutan ko ng minsan nagpaka tanga ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD