JASMINE LOPEZ
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko, nakapikit pa ako ay pinilit kong tumayo sa kama.
"Shocks! Bakit ang sakit ng buong katawan ko?" Tanong ko sa isip ko.
Dahan - dahan kong dinilat ang aking mata, nagulat na lang ako ng tatayo na ako ay wala akong damit ni isa. Nataranta ako, pagtingin ko sa tabi ko ay may lalaking mahimbing ang tulog at nakadapa.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa lalaking katabi ko. Kumabog nang malakas ang dibdib ko, magkahalong kaba, hiya, at hindi maipaliwanag na takot ang nararamdaman ko.
“Anong… ginawa ko?” bulong ko sa sarili ko.
Mabilis akong napahawak sa kumot at ibinalot iyon sa hubad kong katawan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang unti-unting bumabalik ang alaala ng nagdaang gabi ang alak, ang galit, ang sakit… at ang desisyon kong hindi ko pinag-isipan.
“Ang tanga mo, Jasmine…” mahinang saad ko, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi na ako nakapag isip nga tama.
Muli akong napatingin sa lalaki. Mahimbing pa rin ang tulog niya, nakadapa at tila walang kamalay-malay sa nangyari. Sa kabila ng gulo sa isip ko, hindi ko maiwasang mapansin ang maamo niyang mukha matangos ang ilong, mapupulang labi, at kahit magulo ang buhok ay halatang gwapo siya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
“Mabuti na lang gwapo ka, hindi na ako lugi,” bulong ko ulit sa sarili ko. Napapailing na lang ako dahil sa iniisip ko.
Biglang tumunog ulit ang cellphone ko sa sahig. Dahan-dahan akong bumaba ng kama, pinipilit huwag gumawa ng ingay. Kinuha ko iyon at mabilis na pinatay ang alarm.
Huminga ako nang malalim, kailangan ko nang umalis. Hindi niya ako dapat maabutan dito, nakakahiya kapag nangyari yun. Mabilis kong dinampot ang mga damit kong nagkalat sa sahig at isa-isang sinuot. Inayos ko ang aking sarili at nagsuklay ng buhok. Ayaw ko naman lumabas dito na mukha akong bruha.
Nakakita ako ng papel at ballpen, napangiti ako sa naisip ko.
"Conratulations, ikaw ang nagwagi. Nakuha mo ang virginity ko, mabuti na lang gwapo ka. Hindi na ako lugi...!" nilagay ko sa note. Saka ko ito inilapag sa side table. Saka ako pimihit patalikod para alumabas na.
Pero bago ako tuluyang tumalikod, muli akong napatingin sa kanya. Parang may kung anong pumipigil sa akin hindi ko alam kung curiosity o kung anong klaseng kahibangan. Napailing ako.
“Last na ‘to,” sabi ko sa sarili ko.
Maingat kong kinuha ang cellphone ko at dahan-dahang itinutok sa kanya. Isang mabilis na click.
Napatitig ako sa kuha. Kahit tulog, may dating pa rin siya. Hindi ko napigilang mapangiti ng bahagya isang pilyang ngiti ang sumilay sa aking labi.
“Stranger ka pa rin,” bulong ko. “At mananatili na lang na ganun.
Hindi na ako mag aabalang alamin ang pangalan niya, wala na rin naman akong balak na hanapin siya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto.
Pagkasara ko, saka lang ako napasandal sa pader.
Hindi ko alam kung ano ang mas mabigat—ang sakit na iniwan ni Marco… o ang kapalit na ginawa ko para lang makalimot kahit sandali. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi ko na makakalimutan ang araw na ito, dahil ito ang araw na ipinagkaloob ko ang aking sarili sa isang estranghero.
Paglabas ko ng condo niya ay agad akong sumakay ng elevator pababa sa ground floor. Nandito pala sa makati itong condo nita at in all fairness mukang mamahalin.
"Good morning, Ma'am." Bati sa akin ng GUard.
Hindi na ako sumagot, bagkus ay nginitian ko na lang siya.
Paglabas ko ng building ay nag abang agad ako ng taxi na masasakyan. Mabilis lang din naman akong nakasakay dahil maaga pa at hindi pa naman rush our.
"Ma'am, saan po kayo?" tanong ng taxi driver.
"Pasay lang po kuya," sagot ko.
Habang sakay ako ng taxi ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bag ko at nakita ko ang pangalan ni ng kaibigan kong si Naji.
"Bruha ka, nasaan ka ba? Ang mommy mo kanina pa tumartawag sa akin ni Jiecel, hindi ka pa raw umuuwi. Nag aalala na siya." Sabi sa akin ni Naji.
Kinuskus ko ang tenga ko dahil ang bilis niyang magsalita at parang sumakit pa ang eardrum ko sa kanya.
Napapikit ako sandali at napabuntong-hininga.
“Relax ka lang, Naji. Pauwi na ako,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit magulo pa rin ang isip ko.
“Pauwi? Saan ka ba galing, ha?” halatang nagdududa ang tono niya. “Huwag mong sabihin na kasama mo na naman si Marco kagabi?” inis niyang sabi.
“Hindi,” mabilis kong putol, medyo napalakas pa nga. Napatingin tuloy sa akin ang driver sa rearview mirror. Napababa ako ng boses. “Hindi na. Tapos na ‘yon.” sagot ko sa kmahinang boses.
Saglit na natahimik si Naji sa kabilang linya.
“Jas… okay ka lang ba?” mas mahinahon na ang boses niya ngayon, halatang nag-aalala.
Hindi ako agad nakasagot. Tumingin ako sa labas ng bintana, at pinagmamasdan ang mga nagtataasang building.
“Ewan ko,” amin ko sa huli. “Basta… gusto ko na lang umuwi.”
“Kasama mo ba? ” hindi na niya tinuloy ang tanong.
“Hindi ko siya kilala,” deretso kong sabi, kahit medyo nanginginig ang boses ko. “At ayoko na siyang makita.” may halong inis ang boses ko.
Muling natahimik si Naji sa kabilang linya.
“Okay,” sabi niya pagkatapos ng ilang segundo. “Basta umuwi ka na. Nandito ako kina Jiecel, pupunta kami diyan mamaya kung gusto mo.”
“Wag na muna,” sagot ko. “Kailangan ko lang… mapag-isa.”
“Sigurado ka?” parang hindi siya kumbinsido sa sinabi kong gusto kong mapag isa.
“Oo.” tanging nasabi ko.
“Fine. Pero mag-message ka sa’kin pagdating mo sa inyo, ha. At sagutin mo na tawag ng mommy mo, baka magwala na ‘yon.”
Napailing ako nang bahagya. “Oo na. Salamat.” walang sigla kong sabi.
Pagkababa ko ng tawag, napasandal ako sa upuan ng taxi at napapikit.
Hindi ko maiwasang maalala ang mukha ng lalaking iniwan ko kanina. Yung kuha ko sa phone ko, parang ang linaw pa rin sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ko pa kinunan ng litrato. Siguro para may patunay na nangyari talaga… o baka dahil may parte sa akin na ayaw kong tuluyang kalimutan.
Napabuntong-hininga ulit ako.
“Mali ‘yon,” bulong ko sa sarili ko. “Hindi ko na dapat iniisip pa siya. Pagkatapos noong kagabi ay kaialangan ko ng kalimutan ang lahat.”
Ilang minuto pa, huminto na ang taxi sa harap ng bahay namin.
“Ma’am, nandito na po,” sabi ng driver.
Nagbayad ako at agad na bumaba. Pagharap ko sa gate namin, parang biglang bumigat ulit ang pakiramdam ko.
Alam kong hindi lang si Mommy ang haharapin ko. Pati na rin ang naging desisyon ko kagabi. Dahil sa hindi ako nag isip at nagpakatanga ako dahil lang sa isang lalaki.