Hindi ko alam ang sumunod na mga nangyari. Namalayan ko na lang na nakasakay na ako sa sasakyan ni Atlas at mabilis ang pagpapatakbo nito. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Ang tanging alam ko lang, desidido akong sumama dito kahit saan niya ako dalhin. Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ko ang ginaw mula sa pagkakabasa ko kanina sa ulan. I am soaking wet. Kahit ang ibinigay ni Atlas na jacket nito mula sa loob ng kotse ay hindi nakatulong. Nanunuot pa rin sa aking katawan ang lamig. Maging si Atlas ay ganoon din. Basang-basa pa rin ito mula sa ulan. Seryoso itong nagmamaneho. Panaka-naka'y sumusulyap ito sa akin habang may pag-aalala ang tingin. Mga tingin na hindi ako sanay. Nagulat ako nang tumigil ang sasakyan sa mismong tapat ng bahay namin sa South Ridge Village. Mab

