bc

LOVE OF A LIFETIME

book_age18+
937
FOLLOW
2.4K
READ
billionaire
fated
goodgirl
sweet
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal at iniwang luhaan.

Bumangon at muling lumaban.

Sa kanilang muling pagtatagpo, magkakaayos kaya silang dalawa?

O mas mananaig ang pride sa dalawang pusong nasusugatan?

Tunghayan ang kwento ng pag-iibigan nina Ariel Dalisay at Erin Monceda.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Shadi, papasok ka ba sa school mamaya?” Tinanong ko si Ariel habang kumakain na kami ng agahan, and while waiting for his response, I paid attention to my coffee. “Hindi pa ako sigurado, shadi. Ikaw?” “Syempre papasok. May exam kasi kami mamaya sa Cost Accounting, eh.” “Sige, i-text na lang kita mamaya, okay?” “Sure.” Pagkatapos naming kumain ay nagsiuwian na rin kami. Nang mauna nang lumulan sa taxi ang lalaki, medyo na-miss ko na siya kaagad. Gusto ko sana siyang habulin at yakapin ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Ewan ko ba kung bakit nag-alinlangan pa ako sa oras na 'yon. Kaya nang hindi ko siya makontak kinagabihan, ang laki ng aking pagsisisi kung bakit hindi ko talaga siya niyakap. Nagri-ring lang palagi ang telepono sa silid ng lalaki, at hindi rin ito nagre-reply sa mga text messages ko. Nasaan na kaya siya? Nag-aalala ako sa kanya. Aaminin ko na medyo nalungkot ako sa pag-deadma niya sa akin, pero baka may ginagawa lang siya? Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa school at dumiretso sa gym kung saan laging nagsasanay ang mga ka-team nito. But he was not there! Nahiya naman akong magtanong sa mga kaibigan ng lalaki kaya tahimik lang akong nagmasid na baka darating siya. Ngunit ilang araw na akong tumambay at pabalik-balik sa gym at hindi ko pa rin nakita si Ariel. Parang gusto ko ng umiyak sa sobrang kalungkutan at pangamba. Pagsapit ng gabi, muli kong sinubukang tawagan ang kanyang numero. Ilang minuto akong naghintay bago may sumagot sa kabilang linya. Babae! “Hello? Good evening po. Pwede ko bang makausap si Ariel?” “Ay wala po siya rito ngayon, nagpunta sa girlfriend niya,” sagot ng babae. Bigla akong kinabahan sa sinabi ng nakasagot sa akin kaya nagtanong na ako. “Sino'ng girlfriend?” “Erin. Erin Cruz.” “Sigurado po ba kayo na Cruz ang apelyido ng nobya niya?” I was hoping na nagkamali lang ang babae tungkol sa apelyido ng nobya ni Ariel. But at the same time ay para na rin akong na-excite na on the way na pala si Ariel. “Syempre naman. Ewan ko ba sa kanila ni Khalil kung bakit pinag-aagawan nila ang malanding 'yon! Teka muna, hindi ko nakuha ang pangalan mo. I'm Cleo, and you are?” “Erin. Erin..... Monceda.” Kahit na parang sasabog na ang aking dibdib dahil sa kakarampot na impormasyon mula kay Cleo, hindi ko pa rin ibinaba ang telepono. “Ah, ikaw pala 'yong isang Erin na nabanggit ni Ariel.” “Siguro po. Thanks Cleo, tatawag na lang ako ulit bukas.” “Hindi pa kasi siya uuwi rito bukas, eh. Try mo na lang next week.” “Sige, thank you. Bye,” sabi ko sa nanlumong boses. Para akong binagsakan ng mundo dahil sa aking nalaman. Nang maibaba ko ang telepono, pilit kong inalala ang buong pangyayari simula noong unang pagkikita namin ni Ariel. Kaya pala. Kaya pala, biglang kumislap ang mga mata nito nang malaman niya ang pangalan ko. Masakit man ngunit kailangan kong tanggapin sa aking sarili na ginawa lang niya akong libangan. Kung sinabi lang sana niya na paglaruan lang niya ako...dapat sana ay nagsuot ako ng aking PE uniform, di ba? Buong magdamag akong hindi nakatulog sa kakaisip kung bakit nagpakatanga ako sa kanya. Naibigay ko na kay Ariel ang lahat-lahat. Katawan at kaluluwa! Tapos, isa lang pala akong substitute? My god, ang hirap tanggapin! Ang sakit-sakit! Paano na ako ngayon? Makakapagmove-on pa kaya ako? My mind was telling me to just forget everything about him but my heart said otherwise. He was my only love...and probably the last! Akala ko ay isa akong matapang na babae...ngunit nagkamali pala ako. Dahil paggising ko, pagmumukha nila ni Mama at Kuya ang nakita ko. Umiiyak si Mama at bakas ang kalungkutan sa pagmumukha ng aking mga kapatid na lalaki. “Piglet, bakit mo naman nagawa ang bagay na 'yon? Nakalimutan mo na ba na isang malaking kasalanan ang magpakamatay? Mabuti na lang at nadala ka kaagad nina Marian sa ospital.” Sa mga oras na 'yon, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Kuya Bernard. Siguro, ay nawala na ako sa hustong pag-iisip dahil sa ginawa ni Ariel sa akin. Nagsisi ako kung bakit sinubukan kong tapusin ang aking buhay gayung andaming nagmamahal sa akin at masasaktan sila kapag mawawala ako. Samantalang ang lalaking 'yon ay naging parte lang ng buhay ko sa loob ng ilang buwan. Matalino naman sana ako pero bakit hindi ko iyon naisip kaagad? “I am so sorry Mama, Kuya. I'm so sorry....,” humagulhol ako ng iyak dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang aking mga luha na umagos. “Shhhh tahan na. Ang importante ay buhay ka, ‘nak. Huwag mo ng uulitin 'to, okay? Maawa ka sa akin, nak.” “Sorry, Ma.” Sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang aking luha. Oh God, what have I done? “Piglet, ano ba talaga ang problema mo? Nandito lang naman kami at handang makinig sayo.” “Kuya,” daing ko. “Mamaya mo na kulitin ang kapatid mo, Bernard. Hayaan na muna natin siyang magpahinga, okay?” “Yes, Ma. O Leandro, wala ka bang sasabihin sa kapatid mo?” Tinanong ni Mama ang isa kong kapatid na lalaki. Hindi ako makatingin ng diretso kay Kuya Leandro dahil batid kong may kutob na ito kung bakit nagawa kong maglaslas ng aking pulso. “Ibinigay mo na ba sa kanya ang lahat?” Still, I was shocked nang marinig ko ang boses ni Kuya Leandro, at ganun rin sila Mama. “Enough, Drew! Napag-usapan na natin ang bagay na 'to!”  Si Kuya Bernard ang sumagot sa isa kong kapatid. “Bakit, Nard? Nagi-guilty ka ba? Kung hindi ka kasi babaero, hindi si Erin ang magbabayad ng mga kasalanan mo!” Galit na nagsalita si Leandro. “Tumigil na kayong dalawa! Mabuti pa ay lumabas na muna kayo at mas lalong na-stress ang kapatid ninyo!” Pinagalitan ni Mama ang dalawa, pero alam ko na gusto ring malaman ni Mama ang lahat. “Ang tanga-tanga ko kasi, Ma.” Tumigil sa pagbabangayan ang dalawang lalaki nang magsalita ako. Nilapitan ako ni Kuya Bernard at niyakap na para bang alam na nito ang lahat kahit hindi ko pa sinabi sa kanila ang buong pangyayari. “Don't blame yourself, piglet. Hymen lang ang nasira sayo, hindi ang buo mong pagkatao. Magpagaling ka at tutulungan ka namin ni Leandro upang madaling makapagmove-on mula sa gonggong na 'yon.” “Tama si Bernard, Erin. Kaya huwag mo ng masyadong isipin ang lalaking 'yon, okay? Balang araw ay makakahanap ka rin ng isang lalaking tunay na magmamahal sayo.” “Sana nga po....” “You will.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook