Chapter 18

1893 Words
Chapter 18 Kesha Silvy Hindi ko pa naimulat ang mata ko ay ingay na sa labas ng mga ibang kapitbahay namin ang naririnig ko. Hindi na nga ako nakatulog ng maayos mula ng nangyari sa amin ni Rex sa kanyang apartment. Tapos ngayon sigawan ang naririnig ko. Bumangon ako sa aking higaan at lumabas na nakapikit pa ang mga mata ko. "Anong meron?" tanong ko sa dalawang kapatid ko. Nagtataka rin ako sa dalawa, kung bakit maaga silang dalawang nagising. Usually alas otso or alas nueve ng umaga sila gumising kapag sa araw ng linggo. Pero ako nakasanayan kung maagang gumising pwera nalang kung pagod ako galing trabaho. "Maghilamos ka muna ate, parang kang bruha sa buhok mo na naka-buhaghag." Utos ni Katya sa akin. "Messy hair!" sigaw naman ng bunso namin. "Kahit kailan ay mga pasaway kayo." Saad ko at tinungo ko ang maliit na banyo namin. Binuksan ko ang malamig na tubig at naghilamos ako. Nilaro ko ang mukha ko ng malamig na tubig. Pakiramdam ko sa tubig na dumidikit ay parang mga kasiyahan akong nararamdaman. Napapangiti ako ng biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Tumingin ako sa salamin hinawakan ko ang labi ko ang isip ko ay nasa kay kay Rex. Hindi nawawala sa isip ko ang mga matatamis niyang halik. Napakit ako, paano kung maging kami? Paano kung sasagutin ko siya. Paano kung handa ko rin ibigay ang matagal ko ng gusto na iparamdam ko sa kan'ya? Maraming tanong na pumapasok sa isip ko, pero ang mga tanong ay nasa akin din. "Ate!" sigaw ni Kimberly sa labas saka pa nagising ang isip ko. Pinunasan ko ng puting tuwalya ang mukha ko. Sinuklay ko rin ang buhok kung hanggang balikat ko ang haba nito. Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay malaking hakbang kung tinungo ang sala namin. "Sabihin n'yo nga sa akin anong pinag-iingayan ng kay aga-aga. Nakisabay pa kayo sa mga kapitbahay natin." Sabi ko tila nag-sesermon ako. Walang sumasagot sa tanong ko. Para mga estatwa lang ang kinakausap ko, isa-isa ko silang tiningnan. Nakangiting tila nanalo sa lotto o beauty pageant ang mukha nilang dalawa. Ginawa ko umupo ako sa kabilang upuan. Nasagip ng mata ko ang isang malaking box. Napakunot noo ako ng tingnan ko ito. "Saan galing ang box na'yan?" curious kung tanong. "Ate , kayo naba ni kuya Rex?" nakangiting tanong sa akin ng kapatid ko na may pa-puppy eye pa sa akin. "Hindi, noh!" matigas kung sagot. "Ewan sa'yo ate. Galing ang box na'yan kay kuya. Bago mong buksan ay lumabas ka muna. Ang driver ni kuya hangga't hindi mo siya nakausap sa labas hindi siya uuwi. Ayan kasi sabi sa kan'ya ng boss niya." Tiningnan ko ulit ang malaking box at inayos ko ang damit ko na gusot-gusot. "Ang sweet ni kuya diba ate Kat?" tanong ni Kimberly. "Oo nga e, sanal all nalang pero si ate pakipot pa. Ate wag ng pakipot hindi na'yan uso isa pa ang hot ng maging kuya namin." Tudyo sa akin ni Katya. Bahagyang may kumatok sa pintuan. Tumakbong binuksan naman ng bunso kung kapatid. Nang buksan niya ay isang lalaking nasa 50s na ang edad nito. Nakasuot ng pormal na damit. Pinapasok siya ni Kim. "Pasok po kayo manong. Si ate gising na po siya." Lumapit ako sa kanila at tiningnan ako ng maayos ng lalake. "Good morning ma'am," bati niya sa akin. "Good morning too po," magalang na bati ko at pinaupo ko siya. "Thank you hija. Pero wala na po ako oras. Pumunta ako dito, hija para masagot n'yo po ang tawag ni boss. Hindi mo raw sinasagot kanina pa kasi niyang dina-dial ang number mo. Gusto niyang malaman kung nakita mo na ang box ng pinadala niya sa'yo." Sabi ni manong. "Pasensya na po manong kung pinaghintay ko po kayo. Pwede na po kayo umuwi. Ako na bahalang kausapin ang si Rex." Nginitian ako ni manong at umalis din siya agad. Papasok na sana ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko ay nakita ko na itong hawak-hawak ng kapatid ko. Binabasa pa ng bunsong kapatid ko ang mensahe ni Rex. Mabilis kung kinuha sa pasaway kung kapatid ang cellphone ko. Binasa ko ang kanyang message. Rex: Good morning my beautiful lady. Rex: Morning kisses for you babe. Rex: Hopefully na magustuhan mo ang simpleng regalo ko. Rex: I miss you already babe. After kung mabasa ang kanyang mensahe ay napapangiti akong mag-isa. Kinikilig sa bawat endearment niya na babe sa akin. Pero ako hindi ko pa siya tinawag na babe. Puro ako sir or ang pangalan niya. Sisigaw na sana ako sa saya pero nasagip ng mata ko ang dalawang kapatid ko nakatingin sa akin. Mukhang nanonood ng romance movie ang dalawa. "Ano ate, 'di porket sweet ni kuya para ka ng nakalutang sa ere. Ano pa ang hinihintay mo. Buksan muna yan." Utos ni Kimberly at binigay niya sa akin ang gunting para mabuksan ko ang box. Nangbuksan ko ito ay napasigaw ang ang dalawang kapatid ko. Dahil ito yung mga manikang hawak ko kahapon. Binili pala lahat ni Rex ang mga hinawakan ko. "OMG!" sabay namin nasabi ng mga kapatid ko. Ini-isa-isa kong nilabas. Pati isang napakalaking manika ay binili. Alam ko na mamahaling manika ito. Kumuha ako ng isang manika at dinayal ko ana number niya at sinagot niya ito agad. "Hello babe," malambing niyang sabi sa kabilang linya. "Rex, bakit mong ginawa ito? Okay na sa akin ang binili natin na isa kahapon." Nahihiyang sabi ko sa kan'ya sa linya. "Please babe, huwag kang magalit sa akin. Gusto ko lang lahat ng mga gusto mo ay mabigay ko sa'yo." I took a deep breath sa paliwanag niya sa akin. "Okay, fine. Pero this is the first and last time mong gagawin." Sabi ko. "Yes! But, I can't promise to you," he said. Hindi na ako nagprotesta pa ulit dahil wala rin mangyayari. Narinig ko kung ang buntong hininga niya sa linya. Kung nasa harap ko lang siya siguro Kinagat na naman niya ang kanyang labi. I gritted my teeth at napahawak ako sa aking dibdib. "I miss your kisses babe," para akong napapaso sa sinabi niya sa akin. "Rex!" matigas kung sabi. Tumawa ito sa kabilang linya. Ang mapang-akit niyang tawa ay isa sa mga nagpapatibok ng puso ko. Inaamin ko na namimiss ko rin ang bawat halik niya sa akin. At ginusto ko ng walang halong tutol na halikan niya ako. Kahit na hindi ako sigurado sa nararamdaman niya para sa akin. Pero ako ay sigurado ako, siya ang laman ng puso ko at diwa ko. Mula ng makita ko siya hindi na siya na nabuka sa isip ko, parang tattoo na siya puso ko na mahirap burahin. "Hello, babe are you still there?" yan na naman ang pa-babe babe niya. "A-oo, naghahanda kasi ako ng almusal namin," pagsisinungaling ko. "Sorry for disturbing you," he said. "Okay lang. Thank you sa mga manika." Pasasalamat ko. "My pleasure babe. I love you," mahina niyang sabi. "I love you more," sabi ng isip ko. Hindi pa naman kami pero kung maka-i love you akala mong kami na. Pagkatapos namin mag-usap ni Rex inayos ko ang mga manika na bigay niya. Tanging si Kimberly lang makinabang nito. Sinabihan ko rin ang kapatid ko na alagaan niyang mabuti kung gusto niya na paglaruan ito. Pagkalipas ng ilang oras ay tinawagan ako ni Joan. Ilang araw din kami hindi nagkita dahil pareho kaming busy sa trabaho. Pupuntahan ko sana si ma'am Salma ngayon ay ipagpaliban ko na lang muna. Dahil makipagkita muna ako sa kaibigan ko. Nagbihis ako ng masuot ko. Sinuot ko ang light blue dresa ko na fit na fit sa katawan ko white sneakers ang sinuot ko na sapatos. Kinuha ko sa closet ko ang blazer ko na kulay peach. "Saan punta mo ate?" tanong ni Kareem na may hawak itong martilyo at mga pako. "Makipagkita ako kay ate mo Joan. Teka ano ang gagawin mo d'yan sa mga hawak mo na martilyo?" tanong ko. "Aayusin ko ang bubong ng bahay natin. Nakakahiya naman sa jowa mo na billionaire," biro niya sa akin at nagpaalam din ako sa kapatid ko. Ilang minuto ay dumating din ako sa isang coffee shop na address na bigay ng kaibigan ko. Isa ito sa mga mamahalin na coffee shop. Siguro treat na naman ng kanyang boyfriend. Isa rin mayaman ang jowa ni Joan. Kilalang tao ang angkan ng lalaki. Pagkakaiba lang ay hindi pihikan ang mga magulang ng jowa ng kaibigan ko. Like and love nila ang kaibigan ko napapasana all nalang ako. Nang makita ako ni Joan ay tumayo siya sa kinauupuan niya. Masaya niya akong sinalubong. Akala ko ay kami lang pero kasama niya pala si Mark. Tumayo rim si Mark at nakipag-kamay siya sa aki. Umupo ako sa harap nilang dalawa. Nag kumustahan kaming tatlo. Masaya silang kausap. "Sorry, hindi ako nakasama before sa bar. Nagkaroon kasi ako ng part time," paumanhin ko. "It's okay, may next time pa naman baka sa kasal ko. Hundred percent na bawal ang trabaho sa kasal ko." Pilyo i Joan sa akin. Almost one hour dim kaming nag-uusap. Nagpaalam si Joan pupunta sa ladies room. Habang nasa comfort room ang kaibigan ko ay masayang kinukwento ni Mark ang mga past niya kung paano niya nakilala ang kaibigan ko. Maya-maya ay may isang malaking rebulto na nakatayo sa kinauupuan ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay sa braso ko. Walang paalam na umupo sa aking tabi. Inakbayan niya akong bigla. Nilingon ko ko siya, isang malalim na titig ang ginawa niya sa akin. "Babe, who's that f**king man was with you?" madiin niyang tanong sa akin. Ibubuka ko sana ang bibig ko ay bigla niya akong pinatayo. Nagulat si Mark sa asal sa ginagawa ni Rex. Hinapit niya ang baywang ko. "Let's go babe we're leaving." May awtoridad niyang sabi sa akin. "What's wrong with you man?" tanong ni Mark. Hindi siya sinagot ni Rex. Kinuha niya ang sling bag ko at dahan-dahan niya akong hinila palabas sa kinatatayuan ko. Nakita kung patakbong lumapit sa amin si Joan. Pati ang ibang tao ay nakatingin sa amin. Umigting ang panga ni Rex ng sabihin kung magpapaalam muna ako. Ang kanyang mga mata ay punong-puno ng selos ito. Mabilis niya akong hinila. He is so possessive. Natatawa na umiling-iling sa amin si Joan. Kinindatan pa ako nf dalawa. "Possessive," mahinang sambit ng kaibigan ko tinuro ang likod ni Rex. "Kung ayaw mong gumalaw sweetie, ka-kargahin ,kitang palabas sa restaurant na'to." Panakot niya sa akin. Hinila niya ang kamay ko at isa niyang kamay ay sa baywang ko. Lumabas kami sa coffee shop. Nagtataka ako ano ginagawa niya dito. Tatanungin ko sana siya ay umurong ang dila ko. Hanggang sa binuksan niya sa akin ang magarang sasakyan niya na naka-park sa harap ng restaurant. Walang kibo akong umupo. Hindi ko tiningnan ang kanyang mukha dahil punong-puno ito ng selos ng walang dahilan. "Bakit ganun ang ginawa mo sa kaibigan ko?" tanong ko. "I'm f**cking jealous babe," malambing niyang sabi. Siya rin ang naglagay ng seatbelt ko. Nakayuko ako. Nang malagay niya ang seat belt ko ay inangat niya ang mukha ko. "Sorry," hindi ako nagsasalita nakailang sorry din siya sa akin. "Ihatid mo na lang ako sa bahay," utos ko. Kinuha niya ang kamay ko at siniil niya ito ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD