bc

Burning Love

book_age18+
5.2K
FOLLOW
25.5K
READ
possessive
CEO
billionairess
drama
twisted
bxg
first love
waitress
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

MATURE CONTENT; Read at your own Risk, some Chapter may not suitable for young readers...

Kesha Silvy Ramoa 25 years old. Alam niya na malabo maging sila ng lalaking pinapangarap niya. Dahil sa estado palang ng buhay nilang dalawa ay walang-walang na siya. Sapat na sa kan'ya na kahit sa malayo niya lang nakikita ang binata ay naku-kumpleto na ang kanyang araw.

Rex Jones is a very attractive man, handsome, smart and his charismatic women are attracted to him. Nasaktan at nagpaubaya na siya dati sa babaeng pinapangarap niyang maging asawa. But he promised to himself once he would find a woman who makes his heart beat he would never let her go.

Hindi kailanman akalain ni Kesha na maging sila ng lalaking matagal na niya na pinapangarap. Dati siya ang lihim na sumusunod sa binata ngayon ang binata naman ang ayaw na pakawalan siya. Naging possessive ang binata sa kanya. Hindi rin akalain ni Rex na isang Kesha ang gumising sa natutulog niyang puso. Minsan ang tadhana ang ay mapaglaro. Paano kung isang araw pag-gising ni Kesha ay ibang lalaki ang nabungaran ng kanyang mata? Paano kung ibang lalaki ngayon ang nasa tabi niya? Paano kung ibang lalaki ang humahawak ng kanyang kamay? Paano kung ang lalaki sa harap niya ngayon ay hindi ang lalaking mahal niya? Ang lalaki ngayon ay nasa tabi niya ay hindi ang taong nag-iisang mahal niya, na siya ngayon ang nag-aalaga sa kan'ya.

Wala nabang pag-asa na muling magsama ang dalawang taong nagsumpaan? Hindi naba sila ang nakalaan para sa isa't isa? Tuluyan naba silang ipaglayo ng tadhana. Wala nabang pag-asang muling bumalik ang kanilang dating matamis at mainit na pag-iibigan? Magpapaubaya ba ulit si Rex sa babaeng mahal niya ngayon o ipaglaban niya ang kanyang pagmamahal sa babaeng gumising sa natutulog niyang puso?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Kesha Silvy Tahimik kung sinusuklay ang buhok ng bunso kung kapatid na si Kimberly. Ganito ang routine ko sa umaga, nasanay kasi siya bago pumasok sa eskwelahan ay ako ang gusto niyang mag-ayos sa kanyang buhok. Ako rin kasi ang tumayong magulang ng tatlo kung kapatid mula ng mawala ang aking magulang. Maaga kasi kaming naulila. Limang taon palang noon ang bunso kung kapatid na si Kimberly. Ang bata pa niya nahihirapan din akong e-comfort siya. Hanggang sa nakasanayan din niyang 'di na niya nakikita sila Mama at Papa. Limang taon narin ang nakalipas mula ngayon na mawala ang aming mahal na magulang. Dahil sa masakit na aksidenteng nangyari sa kanila. Sa mga kapatid ko binigay ang mga oras ko. Ako ang tumayong magulang nila. Sa edad ko na bente años ay natuto akong kumayod. Hindi ko sila hinahayaan magutom. Lahat na yata ng hardworking na trabaho ay sinubukan kung pasukan. Hindi ko rin natapos ang kurso kong Bachelor of Science in Tourism Management. Gustong-gusto ko pa naman maging isang flight attendant. Pero mas mahalaga ang mga kapatid ko ang makapagtapos. And now I'm already 25 years old and I'm still single. "Ate," malambing na tawag sa akin ni Kimberly. Alam ko na namimiss na naman niya sila Papa at Mama. "Yes bunso," nakangiting sagot ko habang sinusuklay ko ang mahaba niyang buhok. "Bakit ate hanggang ngayon ay wala ka pa rin plano na mag-asawa?" tanong niya sa akin. Akala ko kung ano na ang itatanong niya sa akin. Nginitian ko lang ang tanong sa akin ng bunso kung kapatid. Lumingon siya sa akin at ngumiti siya ng kay tamis na ngiti. She's already 10 years old now. Until now ay lagi pa rin itong umiiyak kapag naaalala niya sila Papa at Mama. "Ano bang klase na tanong iyan bunso? Parang hindi mo kilala iyan si ate Kesha Silvy. Nagde-day dreaming yan sa isang billionaire." Biro ni Kareem kay Kimberly at tiningnan ako ng bunso kung kapatid. "Totoo ba ate?" masayang tanong sa akin ng kapatid ko. Tumango lang ako sa kan'ya. She hugs me very tight. Excited yata itong mag-asawa ako. "Thank you." Meydo nagulat sa biglang pagsulpot ni Katya, niyakap niya akong bigla. Siniil pa niya ako ng halik sa aking kanang pisngi. "Thank you for what Kat?" I asked her. "For everything. Kung hindi dahil sa'yo ate hindi namin alam ang gagawin namin. Nasa tamang edad kana kahit isang jowa man lang wala ka pang ipinakilala sa amin. Dahil lagi kami ang priority mo." Maalalahanin na sabi sa akin ni Katya. Hinalikan ko siya sa kanyang noo. Niyakap ko siya hindi ko rin sinagot ang tanong niya sa akin. Parang kaibigan ko lang si Katya siya ang pangatlo sa amin na magkakapatid. Tahimik pero mahilig magtanong-tanong. Parang si Mama ang iba niyang katangian. Mataas ang pangarap niya sa buhay. Kaya ito ako ngayon kahit sa araw ng linggo ay nagpa-part time ako para makapagtapos silang tatlo sa pag-aaral. Ayokong magaya sila sa'kin na hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Kailangan ko rin gawin ang mag-part time. Lalo na lumalaki rin ang gastusin namin. Gusto niyang maging isang doctor o teacher tulad ni Mama at Papa. Dahil gusto niyang turuan ang mga batang hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang kapag naging guro siya. Si Kareem naman ang pangalawa kapatid ko siya ang sumunod sa akin. Kakaiba rin ang isa na'to. Kung sa itsura lang ang basehan ay siguradong mananalo ito. Kuhang-kuha niya ang hugis mukha ni Papa. Kaya laging may mga babae dito sa amin sa araw ng weekend. Hinahanap nila ang kapatid ko. Sino ba naman ang hindi magkakandarapal sa kan'ya. Pangarap niyang maging isang civil engineering. Matalino kasi siya sa mathematics. Silang tatlo ay matalino sa Math. Ako lang yata ang bobo sa Math. I promised to myself I'll do all my best for them. Hangga't kaya ko hindi ko sila susukuan, na hindi nila matapos ang kanilang pangarap sa buhay. Gusto ko na mag-successful sila balang-araw. "Alis na kami ate," paalam ni Katya at Kimberly. Isa-isa nila akong hinalikan sa pisngi. Napapangiti ako dahil kahit wala kaming magulang napalaki kung mabait ang mga kapatid ko. "Mag-ingat kayo. Ikaw Kim 'wag palipas ng gutom," sabi ko at sabay abot ko kay Kimberly ang kanyang backpack. "Opo ate. I love you so much," as usual niyakap naman ako. Kung hindi lang nakapasok sa scholarship ang dalawang kapatid ay hindi ko silang kayang pagsabayin pag-aralin. I'm so thankful to God dahil nabawasan ang gastusin ko. Tumulo bigla ang aking masaganang luha ko sa aking pisngi. Naalala ko sila Papa at Mama. Kung buhay pa sana sila siguro sobrang saya nila ngayon. Dahil lumaki ang mga kapatid ko na may magandang asal at matatalino, lalo na si Kareem. Pangarap niyang magpatayo ng mansyon. Pag-iniisip ang mga plano niya gumagaan ang pakiramdam ko. I love them so much. Kahit minsan ay nagigipit kami ay walang sumusuko sa amin na magkakapatid. Marami kaming pinagdaanan. Nahirapan din akong humanap ng trabaho dati. Lalo na kapag 'di tayo nakapagtapos mahirap matanggap sa trabaho.Minsan tumutulong din ang ibang kamag-anak namin pero ayokong maging pabigat kami sa kanila. Hindi ako nawawalan ng pag-asa balang-araw ay makakaraos din kami. Ilang sandali ay nagpalit rin ako ng damit. Dahil pupuntahan ko ang isang bake shop na kakilala ng kaibigan ko na si Joan. Binigyan kasi kami ni sir Nathan na isang linggo na bakasyon. Sa pinasukan ko na trabaho isa akong waitress. Instead na uupo lang ako sa bahay ay mas okay na'yun na mag part-time muna ako. Mabait si sir Nathan sa amin dahil binigay niya sa amin ang sahod namin na isang linggo and with bunos pa. Naaawa rin kami kay sir, kahit na isang beses lang namin siya nakikita sa loob ng isang buwan. Nararamdaman kasi namin na mabait siyang tao. Balita namin ay hinahanap niya ang kanyang girlfriend. Dahil kay sir Nathan kung bakit ko nakita ang kanyang pinsan. Mula ng makita ko si Rex Jones ay siya na ang laman ng isip ko. Gwapo ang boss namin pero mas gwapo para sa akin ang my only one Rex Jones ko. Napamura ako habang sinusuot ko ang two heel sandal ko. Dahil nakailang ingay na ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay namin ang kaibigan ko. Walang ibang gumagawa ng ingay ng busina ng sasakyan kondi ang kaibigan kung si Joan. Kung hindi lang nasanay ang ibang kapitbahay ko rito siguro binasyahan na nila ng isang timbang malamig na tubig ang kaibigan ko. Pasaway kasi siya minsan nakikipag-biruan din siya mga tambay dito sa barangay namin. Maya-maya ay lumabas ako ng bahay. Kinandado ko ng mabuti ang pintuan at double check ko rin ito. Mahirap na dahil uso ngayon ang akyat bahay marami rin kasi ngayon nanakawan dito sa barangay namin. Mabilis kung tinungo ang kaibigan ko na pasaway baka lalo pa itong mag-ingay. Hindi yata sumasakit ang kanyang tainga sa kakabusina ng kanyang sasakyan. Kahit pasaway siya ang napaka-understanding niyang kaibigan sa akin. Mabuti nalang dinaanan niya ako dahil makakatipid ako ng pamasahe. Isa siyang hotel front desk receptionist sa pagmamay-ari rin ng boss namin. Siya ang tumulong sa akin makapasok sa trabaho ko bilang waitress. "Grabi Joan, hindi ba masakit ang tainga mo?" tanong ko sa kan'ya at sabay ako pumasok sa kanyang sasakyan. "Nope!" mabilis niyang sagot sa akin. Umiling-iling lang ako sa kan'ya. Hanggang sa pinaikot-ikot niya ang streeling ng kanyang sasakyan. Dahan-dahan niyang pinaandar ang manibela. Nilingon niya ako at nginitian. Alam ko na may something ang kanyang ngiti sa akin. I'm sure na may ipapagawa ito sa akin. "Kesha Silvy," maamo niyang sambit sa pangalan ko. "Yes, Joan." I said. "Free ka ba mamayang gabi?" tinaasan ko siya ng kilay. "Free bakit? May new part-time ba para sa akin?" tanong ko. "Puro ka naman part time e, wala isasama kita sa bar. Birthday kasi ni Mark. I would like to invite you if you have nothing to do at night. That's okay for you?" Nilingon ko siya na seryosong nagmamaneho. "Sure!" mabilis kung sagot at nakita nagulat siya. "Yehey! Thank you. I'm sure mag-enjoy ka. Para maiba naman ang timpla mo binababad muna kasi ang sarili mo sa trabaho. But in fairness walang makakatalo sa body figure mo." Masayang sabi niya sa akin. "Mas-sexy nga Joa." Sabi ko, nginitian lang niya ako. Ilang sandali ay dumating din kami sa bake shop. Sa harap ng bake shop pinarada ni Joan ang kanyang sasakyan. Sabay kaming pumasok sa loob ng bake shop. Nagbabakasakali ako na makapasok. Kahit sa loob lang ng limang araw. Para may extra income naman ako. "Sana may pumayag ang kakilala ni Joan." Mahinang sabi ko sa sarili ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook